Ako'y Kinikilig

26 1 0
                                    

Uyyy! sabi ko naman sa inyo hindi pa naman ako totally nakakapag move on. Bumalik kase! Naramdaman ko 'yung puso kong natutulog na nagising ulit sa kanya. Chos!

Wala na sana talaga eh. Kung di lang siya nag smile. Hindi sa akin. Nag joke kasi 'yung kaklase ko tapos tumawa siya. Edi iyon. Nawalan siya ng mata. Hahaha. Chinito kasi si Crush. Sarreh.

Naisip ko bigla nung nakita ko siyang tumawa "Ang cute niya pala."

Pagkatapos ng subject namin na 'yun, lumipat ako sa 3rd row. Nasa unang row kasi ako nung nakita ko siyang tumawa. Si crush naman lumipat sa 2nd row, right side. Ako 3rd row left side. Nakaharap 'yung upuan niya sa amin.

Kausap ko bestfriend ko para sana ikweto na nacutean ako sa kanya kaso nalaglag ko 'yung ballpen nung nakaupo sa upuan na inuupuan ko. Syempre concern ako kasi Sign-pen 'yun baka mawalan ng tinta at pagbayarin ako. Lol.

Hinanap ko sa ilalim ko kaso 'di ko naman makita. Lumingon ako sa right side tapos nakita ko 'yung kamay niya pinuloy 'yung ballpen tapos tumingin sa'kin at inabot sa ballpen.

Hindi ako nag aasume ako. Sinusulit ko lang talaga. Hahahah

Tapos kahapon, nagtatawanan kami sa room dahil sa basta. Baka mahuli niyo ako. Mahirap na! Hahahaha. Tapos nasa likod ko si mr. Crush. Naramdaman ko na pinatong niya 'yung kamay niya sa ulo ko. Parang pinat ganun. Lagi niya akong ginaganon pag nangaasar siya. Ginagawa niya akong aso.

Tapos eto na.

Kanina, feeding program namin. Nag assist ako sa paglalagay ng tubig. Sakto naman na may hawak ako na basong walang laman tapos kakarefill lang ng pitsel niya. May tao pa kasi sa kuhanan ng tubig kaya nakikuha ako sa kanya.

Nauna sa akin 'yung bestfriend niya na babae. Hinawakan niya yung kamay na parang inaalalayan para sa tubig. Siguro walang malisya 'yun para sa kanila kasi bestfriends sila. Naisip ko "gagawin din kaya niya sa'kin 'yun?"

Natapos na sila tapos sumunod na ako. At hinawakan niya rin ang kamay ko! Di ko expect! As in. Kahit na parang nakapatong lang kamay niya, may effect pa rin sa heart. Hahaha

Hindi ko alam kung sa kamay ba namin ako nakatingin o sa baso. Hindi ko rin alam kung binawi niya ba agad ang kamay niya o binawi ko agad ang baso kaya napabitaw siya.

Napatingin ako sa baso at nakita ko na wala pang kalahati 'yung tubig sa baso. Sabi niya "ang konti ng laman." at tumawa. Kawawa 'yung bata. Ang konti ng tubig niya dahil kinilig ako.

Pagkatapos noon, lumabas kami at nasa loob naman siya. Sakto pagtingin ko sa kanya sa bintana, tumingin din siya sa side na 'yun at ako ang nakita niya. Bwahahaha. Syempre iwas tingin.

Pagbalik sa school, natural makikita ko nanaman sila ng girlfriend niya sa labas ng room nag uusap.

Okay.

My Mind Is A Maze, What to do, Bes?Where stories live. Discover now