It's All In The Heart

18 1 0
                                    




Kapag ang subject sa exam ay Values, hindi na inaaral ng iba 'yun. Kasi common sense lang eh. Gaya ng pangalan na values, VALUES mo dapat na galing sa sarili mo ang ilalagay mo sa exams at quizzes. Dapat kung ano talaga ang galing sa puso mo.

Pero ibahin mo ang Values Teacher namin. Dapat exact words ang ilalagay mo. Bawal ang thought mo. As in EXACT! E-X-A-C-T-!

Lagi akong namamali dahil lang mayroon will,those, o kaya kung ano pang meron sa sentence ko na wala sa libro. Kailangan word per word alam mo. Sumobra lang ng a, an , o or 'yang exam mo mali na agad.

Kahapon nag review ako para sa test ko sa Values. Pinagtawanan ako ng kapatid ko dahil Values lang naman daw. It's all in the heart. 'Di na kailangang imemorize.

Aba! Nung nag it's all in the heart ako sa exams ko sa Values last periodical test naka 58/75 lang ako. 2 points each pa siya mag grades. Huhuhuhu.

Mabait naman ang teacher ko sa Values. Talagang gusto niya lang ng exact answers. :(

My Mind Is A Maze, What to do, Bes?Where stories live. Discover now