Wattpad Original
There are 7 more free parts

Chapter 11

234K 5.3K 1.2K
                                    

Cherrypink POV

Pagkatapos kong i-kwento kay Frey ang nangyari sa amin ni Duke last night ay wala siyang ginawa kung hindi ang tumawa. She's unbelievable. Sa tingin ba niya, nakakatawa ang sinabi sa akin ng Palermo na iyon kagabi?

Can you be my fuck buddy?

Literal talaga siyang malandi. Anong tingin niya sa akin, ganoong babae? Kaya nga hindi ko talaga napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. Buti sana kung ang tanong niya,

Can you be my girlfriend?

Baka tanggapin ko pa kahit magpanggap lang ako na gusto ko siya. Pero fuck buddy? Never. Handa akong ibigay ang virginity ko sa kanya at anda akong ipagkatiwala sa kaniya ang pearly shell ko pero ang magpa-laspag? Fuck his balls.

"Alam mo, bitch? Kung ako siguro 'yun, I would highly appreciate it!"

Nasapo ko ang noo ko. "Pwes, huwag mo akong igaya sa 'yo." Tumayo ako saka kumuha ng bottled water sa fridge. "And one more thing, mas bitch ka sa akin."

"Excuse me? Mas bitch? Kaya pala nagpapaka-bitch ka para lang makuha ang atensyon ng parents mo. Hindi ba bitchiness ang paglaruan ang isang tao para lang sa kagustuhan mong mapansin ng parents mo? At sa tingin mo ba talaga, tamang gamitin ng parents mo ang kagustuhan mong makuha ang atensyon nila para makuha ang gusto nilang partnership kay Duke Palermo? It's too obvious, ginagamit ka nila sa business para sa kapakanan nila."

I am fully aware of that. At sabi ko nuon, handa akong magpagamit sa pamilya ko kapalit ng atensyon nila.

"Stop talking like that, Frey. Don't talk about it." Seryoso kong sabi. Ayokong mag-away kami. Alam niya namang sensitive ako pagdating sa pamilya.

She rolled her at eyes at me. "Whatever. So anong nangyari pagkatapos niyang matikman ang sampal mo? Anong sampal ba? Sampal na pang-international?"

Kumunot ang noo ko. "Saan mo naman nakuha 'yang sampal na pang-international na 'yan?"

"Kay Amor Powers. Hay, hindi ka updated. Sorry, nanonood kaya ako ng Pangako Sa'yo."

Teleserye na naman ang sinasabi niya. Kahit may night life kami, talagang hilig na ni Frey ang panunuod ng mga ganoon samantalang ako, mas hilig kong manood ng foreign movies. O kaya mga video ng Bigbang sa YouTube. Ang gwapo talaga ni Top.

"Hoy, babae. Tinatanong kita. Anong nangyari after the sampal scene? Kawawa naman ang makinis na mukha ni Duke."

Umingos ako. "He deserved it. Bastos siya. Pagkatapos ko siyang sampalin, malamang nag-walk-out na ako. Mabuti na nga lang, may dumaan agad na taxi paglabas ko sa building na 'yon kasi hinabol pa niya ako."

"Kung ako 'yon, nagpahabol ako."

"Pwes hindi ako ikaw." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw 'tong basta na lang nawawala. Kasama mo 'yung kentin."

"Anong Kentin? Ginawa mo namang canteen si Kenshin!"

"Ah, Kenshin ba. Sorry. So ano? Sigurado nilandi mo 'yun ano?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko siya nilandi pero hinalikan niya ako." Kinikilig na sabi niya.

Napailing ako. "Frey talaga. Kakikilala mo palang dun sa tao kagabi, nagpahalik ka agad."

"Wow!" She exclaimed. "Para namang 'di natin gawain 'yon. Basta na nga lang tayo nagpapahalik sa mga bar 'di ba saka nagpapa-asa ng mga lalaki."

Oo nga pala. Gawain ko din nga pala 'yon. Kung tutuusin, hindi ko na inaalam ang pangalan ng nakakalandian ko nuon sa mga bar. Nakikipaghalikan ako. Parte ng pagre-rebelde ko. Pero proud pa rin akong sabihin na virgin pa rin ako ngayon.

Hindi ko na lang talaga nagagawa 'yung halos araw araw na ginagawa namin sa bar na pagpapa-asa sa mga lalaking nakakalandian namin gabi gabi dahil medyo nakatutok ang atensyon ko ngayon kay Duke dahil sa inutos ni Papa sa akin. At kahit nabastusan ako sa sinabi ni Duke kagabi, hindi pa din ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang partnership na kailangan ko.

"Natulala ka na, girl. Kanina pa tumutunog ang phone mo. Sagutin ko na ba?"

Hindi ko pinansin si Frey. Bahagya lamang akong tumango. Bahala na siyang sumagot sa kung sinumang tumatawag sa akin. Alam naman ni Frey na kapag myembro ng pamilya ko, hindi niya pwedeng sagutin para sa akin.

"Hello? The owner of this number is unstable and her brain is flying. Please try your call later."

Sumandal ako sa couch saka humawak sa sentido ko.

"Oh! Duke, ikaw pala 'yan."

Tumingin ako kay Frey nang marinig ko ang pangalan ng asshole na 'yon.

"No, no! She's not sick. Masyado ka namang concern agad. Busy lang siya ngayon kaya hindi niya masagot ang tawag mo."

Nanatili akong nakinig. Wala pa rin naman akong feels na makipag-usap sa kaniya. Fuck buddy niya mukha niya!

"Alright! Tawag ka na lang mamaya ha? Bye!"

Nakatingin lamang ako kay Frey. Hinihintay na sabihin niya ang sinabi ni Duke.

"Sabi ni super yummy Duke, tawagan mo daw siya kapag gusto mo na siyang makausap. And pinapasabi niya, sorry. O, kabog! Nag-sorry!"

I rolled my eyes. Nag-sorry nga, pero sincere ba? Fuck buddy lang ba talaga ang tingin niya sa akin? Puro na lang ba katawan ang gusto ng Palermo na 'yun? Bakit hindi na lang siya bumili ng sangkatatutak na maniquin?

"I want to rest. Inaantok pa ako kaya 'wag kang maingay." Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Hmp! Paggising mo, ubos na ang laman ng fridge mo!"

Hindi ko na pinansin si Frey. Nanatili akong nakapikit. Hindi ko inaasahan ang biglang pag-flash no'ng time na nag-usap kami ni Duke sa condo niya kagabi bago siya nagsalita ng bastos. Masarap din pala siyang kausap. Ang problema lang talaga sa kaniya, hindi pagiging babaero kung hindi ang kahiligan niya sa sex.

Kung tutuusin, habang tumatagal, mas nare-realize ko na may pag-asang mahulog ako kay Duke. Sino bang hindi mahuhulog sa kaniya? Mabulaklak ang bibig, 'yung mga tingin niya na parang hinahalukay na ang lamang-loob mo, 'yung killer smile niya at ang sweet gestures niya.

Kaya ngayon, mas hihigpitan ko ang pagkakatali ko sa sarili ko para hindi ako mahulog. Dahil alam ko, once na ma-fall ako, hindi niya ako sasaluhin at ang mangyayari, masasaktan lang ako.

At isa pa, hindi ko na patatagalin pa ang partnership. Kailangan ko ng mag-level-up sa pagkuha ng tiwala niya. Kailangan ko na ng approval niya for partnership para matapos na 'to. Makuha ko lang iyon, mawawala akong parang bula para wala siyang masabi. Hindi naman siguro ako magiging kawalan sa kaniya dahil siya nga si Duke Palermo. He could get any girl he wants. Kahit ilan pa.

Huminga ako ng malalim saka nagpasyang iwaglit muna sa isipin ang lalaking malandi na iyon. Magtutuos pa kami mamaya.

-

Duke POV

"Kalahating tao, kalahating gago ka kasi, brad."

Pinukol ko ng masamang tingin si Lucas. Narito kami sa bar counter sa kusina—umiinom. Hapon na hapon. Huwag lang kaming maabutan ng nanay namin dito kung hindi..

Lalabas ang armalite.

"Hiyang hiya naman ako sa 'yo. Kalahati lang ako. Ikaw? Gago ka talaga."

"Hindi ako gago!" Agad na tutol niya.

"Kaya pala hindi mo pinanindigan ang nabuntis mo. Tapos ngayon kunwari hinahanap mo pero tinatamad ka naman dahil iniisip mo na balak ka lang perahan no'ng nabuntis mo."

Sumimsim siya ng alak. "Malay mo brad, hindi naman talaga ako ang ama ng pinagbubuntis no'n. Saka kailangan kong ipakita na hinahanap ko talaga siya. Malalagot ako kay Mom."

"Tch. Gago ka talaga. E, paano kung anak mo? Hindi mo ba naiisip ang magiging kinabukasan no'n? Damn you, kung may dugong Palermo 'yon, kawawa naman kapag lumaking mahirap 'yon. Kaya dapat hanapin mo ang nabuntis mo! Seryosohin mo nang malaman mo kung anak mo talaga iyon."

Umiling siya. "Private investigators na ang bahala. I'm not ready to be a father. I'm fucking twenty-one years old!"

"You're twenty-one and you still have no balls, man! Kung maka-ragasa ka kasi, wala ka ng paki kung may condom ka o wala. E'di ano ka ngayon?" Sabi ko.

Buti pa ako, hindi nawawalan ng condom sa bulsa ng pantalon ko, sa loob ng kotse ko, sa wallet ko, sa opisina ko, sa kwarto ko, sa condo unit ko. Suki na nga ako ng condom. Tch. Pero at least, safe. Ayokong makabuntis dahil kung hindi pa handa si Lucas na maging ama, mas lalo na ako. Bloody hell, I can't imagine myself carrying a crying baby.

"Maiisip ko pa ba 'yun kung init na init na at nand'on na? Buti sana kung pwedeng plastic ng yelo o plastic ng ice candy, e'di nagawa ko na sana. Tch."

Natawa ako. Gago talaga 'tong si Lucas. Isang taon lang ang tanda ko sa kaniya pero mas gago siya.

"Dami mong dahilan. Hanapin mo na ang nabuntis mo. Bago ka putulan ng kaligayan ng nanay natin." Sabi ko.

Galit na galit si Mom no'ng malamang nakabuntis si Lucas. Pero makaraan ang ilang araw, natanggap niya rin at hinanap niya 'yon kay Lucas. Siguro naisip niya hindi na kami bata at dadating talaga ang mga ganitong pagkakataon.

"Pinapahanap ko na. Tch. Kapag nahanap nila ang babae na 'yon, DNA testing agad ang ipapagawa ko. Hindi pa rin ako naniniwala na anak ko ang dinadala niya."

"Tangna ka talaga, e." Sabi ko. "Kapag 'yun anak mo, ewan ko na lang talaga sa iyo."

Nagtagay ulit siya ng alak sa baso naming dalawa. Mas gwapo man ako sa kaniya, close pa rin naman kami.

"Ano na nga palang gagawin mo sa chicks mo? Mukhang aayawan ka na no'n. Fuck buddy ang puta."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko sinasadyang masabi 'yun. Tch. Nadala na ako ng sitwasyon and I really want her so bad. Damn it!"

"Sa dami mong babae, ngayon pinagtitiyagaan mo 'yang isang 'yan?"

"Iba siya. Iba. Her innocence, her lovely face, her sweet lips, her boobs, her body, oh fuck, I really want her, and I won't stop until she lay on bed with me."

"Nakakasuka ka, brad. Tch."

"Tangna mo!" Sigaw ko.

"Tang...na...mo. What's that, Mom?"

Natigilan ako nang makarinig ng boses ng babae mula sa likuran namin. Agad akong napalingon kasabay ko si Lucas at nanlaki ang mga mata namin nang makita si Mom na may kasamang batang babae. She looks like my Mom. What the hell? Kapatid niya?

"Don't say that word, baby."

Baby? The fuck. Who's this kid?

"Mom, sino 'yan?" Tanong ko.

"Sumunod kayo sa salas. Tigilan niyo na 'yang alak niyo. Mamaya, ilulunod ko na kayo sa alak, e." Sabi ni Mom saka tumalikod kasama nung batang babae.

Nagkatinginan kami ni Lucas. "Who the fuck is that girl?"

"I have no fucking idea. But she looks like Mom! Hindi kaya... anak sa labas? Oh, come on. Magwawala si Dad. Baka magpatiwakal 'yun kapag nalaman niyang may ibang lalaki si Mom."

Binatukan ko siya. "Sa tingin mo magagawa ni Mom 'yun? Tch. Baka kapatid niya o kamag-anak. Maybe we really need to go at the living room." Yaya ko sa kaniya.

Sabay kaming pumunta sa salas. Naabutan namin si Dad, Mom at ang batang babae na nakasimangot na nakatingin sa amin.

This brat...I wanna cut her hair.

"Duke, Lucas..." Panimula ng nanay ko. Kinakabahan ako. Sino ba ang batang ito. Ngayon ko lang siya nakita. Kahit sa mga party or events, hindi ko siya nakikita.

"Are they my brothers?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong nung batang babae. So, she's our sister? May ibang lalaki nga si Mom? Putangna! Pipigilan ko na agad si Dad na magpakamatay.

"Makinig kayo." Sabat ni Dad.

Nakatingin lang ako kay Mom. Naghihintay sa sasabihin niya. Bloody hell! Pa-thrill 'tong nanay ko. Kapag mang-raratatatatat, agad agad.

"She's Empress Palermo. She's thirteen years old. She's your youngest sister."

Humawak ako sa sentido ko. "The fuck, you mean...you cheated? You have other family? Other husband?"

Sinamaan ako ng tingin ng nanay ko. Naubo naman si Dad.

"Hindi sa labas. Kapatid niyo talaga siya. Thirteen years ago, nabuntis pa ako habang doon nag-stay sa abroad habang inaayos ang ibang business natin doon. Sabi ng Dad niyo, siya na ang bahala muna sa inyong dalawa. Ikaw Duke, nine years old ka no'n, at ikaw Lucas ay eight years old. Sa edad niyong iyon, hindi niyo pa naiintindihan ang mga nangyayari kaya hindi kayo masyadong matanong kung bakit matagal ako nanirahan sa abroad. Isa pa, Daddy's boys kayong dalawa."

"Then, bakit ngayon niyo lang siya pinapakilala sa amin? Bakit sa loob ng thirteen years, hindi natin siya kasama dito?"

"Dahil nga dalawa kayong lalaki. At ayokong lumaking boyish ang kapatid niyo. Bata pa lamang kayo ay maloloko na kayo. Marami kayong kalokohan sa katawan niyo. Manang mana talaga kayo—"

"Kay Dad. Alam na namin 'yan, Mom. Ang gusto kong malaman, e'di sana sinabi niyo man lang sa amin na may kapatid pa kami?"

"We just decided na huwag ng ipaalam kasi alam namin na may possibility na mangulit kayo na iuwi dito ang kapatid niyo. Iniingatan ko lang ang nag-iisang babaeng kapatid niyo. Isa pa, hiniling ng lolo at lola niyo na sila ang magpalaki kay Empress dahil malungkot ang mansyon nila doon sa abroad. Kaya pumayag na rin ako. At napag-usapan namin na kapag nasa tamang edad na si Empress, iuuwi na namin siya dito at ipapakilala sa inyo. So here she is." Aniya saka ngumiti sa batang babae. "Meet your brothers, Kuya Duke and Kuya Lucas."

The girl smiled at us. "Hi, Kuya Duke and Kuya Lucas! Nice meeting you."

I have this bad feeling that this girl is a brat. Fuck. But I am happy that we have a younger sister.

"Hi, Empress." Bati ni Lucas. "You're pretty."

"I know that already." Mabilis na sagot na batang 'yun.

Brat nga. Tch.

"Tulungan niyo siyang mag-adjust dito sa mansyon saka kailangang magkasundo-sundo kayo dahil kapatid niyo siya. Huwag na huwag niyo siyang tuturuan ng mga kalokohan niyo. Sinasabi ko sa inyong dalawa, sisipitan ko talaga 'yang mga alaga niyo."

Napangiwi ako sa sinabi ni Mom. "Yes, yes."

"And one more thing, turuan niyo na rin siyang mag-tagalog dahil english speaking 'yan."

Oh, come on. "We can hire tutor for her." Sabi ko.

"Mas maganda na ring kausapin niyo siya at turuan ng pa-kaunti-kaunti."

Napailing na lamang ako. Mananalo ba ako sa nanay ko?

"May pupuntahan pa kami ng Dad niyo dahil kailangan pa naming ayusin ang mga papel ni Empress. Kayo na ang bahala sa kapatid niyo. Walang mambababae at magbabar ngayong gabi. Bantayan nyo ang kapatid niyo."

Kanina, tutor. Ngayon, babysitter pa. The fuck? The mighty Duke Palermo?

Nang maka-alis sina Mom ay nanatili pa rin kami ni Lucas na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa batang babae na nakaupo rin sa katapat naming sofa.

"You." Sabi niya kay Lucas.

"Yes?" Sagot naman ni Lucas.

"I hate your hair. You looked like a monkey."

The fuck? Humagalpak ako ng tawa. Si Lucas, namumula sa pagka-badtrip. Tangna.

"And you."

Natigilan ako sa pagtawa nang ako naman ang ituro niya.

"What?"

Mukhang sasakit ang ulo namin sa kutong lupang babaeng 'to.

"I don't like your fashion. You looked like a DOM."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, nag-walk-out siya. Naiwan kami ni Lucas na nagkatinginan na lamang.

Bloody hell! Did she just insult us? Us? Palermo ang dugo? Ang nagagwapuhang KAMI?

"LITTLE WITCH, COME BACK HERE!"

Ikinuyom ko ang kamao ko. Pasalamat ang babaeng iyon at kapatid namin siya.... at babae siya. Kung hindi, isasako ko siya at ibibitin patiwarik sa puno sa labas ng mansyon.

Blood Of A CasanovaWhere stories live. Discover now