Wattpad Original
There are 6 more free parts

Chapter 12

212K 4.8K 623
                                    

Cherrypink POV

Kinakabahan ako dahil narito na naman ako sa mansyon namin. Minsan lang naman ako nakakauwi dito kasi nga, basta. Nasanay na akong sa condo unit ko lang nakatira. Isa pa, masyadong malaki ang mansyon na ito tapos wala ka pang makakausap kasi lahat sila busy sa business at kung anu-ano pa. Samantalang ako, happy go lucky lang.

"So, how's the proposal, Cherrypink?"

Umayos ako ng pagkaka-upo. Hindi talaga ako ganoon ka-close sa magulang ko mula pa nuon. Dahil nga kulang ako sa atensyon mula bata pa ako. Business lang ang pinagtutuunan nila ng pansin pero naiintindihan ko naman iyon.

"It's ongoing, Papa. Pero malapit na po. Malapit na akong makakuha ng partnership sa PCI."

Ngumiti siya sa akin. Ngiti na minsan ko lamang masilayan. "Good. Maaasahan ka pala talaga, iha."


Hindi ko alam kung pinupuri ako ng ama ko o iniinsulto. Gayunpaman, masaya pa din ako na kinakausap niya ako ngayon.

"Kumusta po kayo ni Mama?" Tanong ko. I'm trying to start a conversation about us, our family. Kinakausap lang kasi nila ako kapag tungkol sa business.

Hindi ko naranasan na maka-kwentuhan man sila. Pasko, new year, birthdays, special occasions... wala lahat. Walang masayang hapag na magsasalo salo kami sa pagkain. Laging party. Party na puro businessman ang imbitado.

Kinalakihan ko na iyon. Pakiramdam ko umiikot lang sa business ang buhay ko. Namulatan ko ang mga taong naka-business suit na lagi naming bisita. Hindi ko man lang maranasan iyong party na pawang kamag-anak at friends. Iyong walang naka-businessman suit.

Hindi ko tuloy masabi kung masaya ba talaga ako sa buhay ko kase nakukuha ko naman lahat ng gusto ko. Pero sabi nga sa nabasa kong love story ni Kyle Shin Woo, ang happiness daw ay makikita at mararamdaman mo sa taong mahal mo at nagmamahal sa 'yo. Hindi kayamanan o materyal na bagay ang makakapagbigay ng happiness sa'yo kung hindi ang pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa iyo.

I sighed and looked at my father. He's busy signing papers. Paunti-unting sumusulyap sa akin.

"We're fine. Your mother is busy with our business in France. And I'm..oh, I'll be busy for a few minutes, iha. May meeting pa ako. May sasabihin ka pa ba?"

Ngumiti ako ng mapait. Gusto ko lang naman na marinig sa kanila kapag kinumusta ko sila ang sabihin nilang, 'Okay naman kami ng Mama mo. Masaya kasi buo pa rin ang pamilya natin. Hindi man tayo madalas magkasama, mahal ko kayo.' Pero napakalabo yatang marinig iyon mula sa kanila.

Tumayo ako saka ngumiti. "If I have anything else to say...it's, I love you, Papa. Alagaan niyo ang health niyo." Pinigilan kong bumagsak ang luha ko. "Aalis na po ako."

Umalis na ako. Naisara ko na ang pinto pero wala akong narinig na kahit anong response mula sa ama ko.

I wiped my tears and took a deep breath. I need to get the partnership! I need it. Para makamit ko na ang atensyong hinahanap ko mula sa pamilya ko.

-

Naupo ako sa couch saka hinilot ang sentido ko. Ano pa bang dapat kong gawin para mas mapabilis ang pagkuha ko sa partnership kay Duke? He's being hard. Hindi pala talaga siya ganoon kadaling mauto or what. When it comes to business, he's serious. At hindi siya iyong basta basta ginagawa ang isang bagay. Unlike him, being a Casanova. Agad agad, lumalandi ng babae.

Should I call him and give him my virginity? Should I ask him to be my boyfriend? Or fiancé? So, he would give me the partnership I need?

Kung sabihin ko kaya sa kaniya na i-approve na ang partnership proposal ko kapalit ang virginity ko, papayag kaya siya? I know it's a desperate move, but I can't think of reasons to get that partnership in instant.

Damn. I am hopeless. Gagawin ko ang lahat para sa partnership na iyon. Para maging proud na sa akin ang pamilya ko.

Kakalimutan ko na ang atraso niya sa akin. Ang tungkol sa 'can you be my fuck buddy' niya, iwawaglit ko muna. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko saka idinayal ang number ni Duke. Tumunog naman agad iyon. I hope he'll answer it. And I don't know kung hanggang saan ang magagawa ko para lamang sa atensyon na hinahangad ko mula sa pamilya ko.

"Hey."

Huminga ako nang malalim bago sagutin si Duke. "Hey."

"I'm sorry about last time..." He said. Sincere ba siya? As if. Alam kong bastos talaga siya.

I rolled my eyes. Hindi naman niya makikita. "Let's forget about it." Pero ang totoo, hindi ko 'yun makakalimutan. Letse siya!

"Oh. So... what's up?" Tanong niya.

Paano ko ba sasabihin? "Are you busy?"

"Yes? But you know that I can make time for you."

Napangiti ako. Magaling talaga siya magsalita. Mabulaklak. Kahit sino, madaling mahuhulog sa charm niya.

"Uh, kasi.. wala akong magawa dito sa unit ko. Si Frey kasi, busy. And I'm really bored. Mind if you come here and... you know, do things." Nagsisinungaling ako. kailan pa naging busy si Frey? No. She can't be. Sinabi ko lang iyon bilang dahilan.

I heard him groan. "Yeah. Sure. Alam mong hindi kita matatanggihan, Cherrypink."

I smiled with victory. Syempre, malandi siya, e. Tatanggihan ba niya ako kung yayain ko siyang pumunta rito sa unit ko?

"So, see you then."

"Yes. Alright."

I ended the call. Siguradong mabilis pa sa alas kwatro ang Duke na iyon sa pagpunta dito.

Should I wear my nighties? Or two-piece? What the hell am I thinking? Handa na ba talaga akong ibigay ang virginity ko sa gagong 'yon?

Partnership...partnership.

Push na 'to. Bahala na si Daesung sa mangyayari sa amin ni Duke. Basta ang mahalaga lang sa isip ko ngayon ay ang tungkol sa partnership. I badly needed the attention of my parents.

-

Duke POV

Pagkatapos na pagkatapos ng tawag ni Cherrypink na sinabi niyang pumunta ko sa unit niya, biglang gusto kong maghubad at sumigaw ng 'rakrakan na!' Pero hindi ko ginawa dahil narito ako sa salas ng masyon habang nakikipagtitigan sa maarte kong kapatid.

"You looked like an idiot."

Nagpipigil lang ako pero gusto ko ng isako ang babaeng 'to.

"You looked like a witch." Sagot ko. Kahit mas bata 'to, papatulan ko 'to.

She rolled her eyes at me. "I'm very aware about it, Kuya Duke."

What the fuck. "Don't roll your eyes at me, Empress." I said in my warning tone.

Hindi pu-pwedeng kakayanin niya kami ni Lucas. Mas matanda kami at Kuya niya kami. The hell! She's acting like she's the eldest.

"I can roll my eyes whenever I want. You're not my parents for me to obey you."

Sinusubukan ako ng babaeng 'to. "Then fine. I'll leave you here. Tubuan ka sana ng bukol sa ilong. Tch."

I walked towards the door. Para akong nasu-suffocate sa mansyon. Akala ko si Lucas lang magiging dahilan ng pagsakit ng ulo ko. Nadagdagan pa ng isa.

Sumakay ako sa kotse ko saka agad na pinaandar. Hinding hindi ako tatagal kasama ang batang 'yon. Bahala si Lucas do'n. Baka hindi na ako makapagpigil at maitali ko ang buhok niya sa sanga ng puno habang nakabitin siya. Halatang masyadong na-spoiled kaya gano'n ang ugali.

Pero kapag sa harap lang naman namin ni Lucas siya nagiging witch. Kapag andiyan sina Mom and Dad, akala mo kung sinong anghel. Great pretender.

I sighed and think about Cherrypink. Oh, great. I really love thinking about that woman.


Mas binilisan ko ang takbo ng sasakyan ko dahil mas nae-excite akong makita siya. I want her. So much.


-


Cherrypink POV


Hindi ako mapakali. Anytime ay alam kong darating si Duke. At wala pa akong ideya kung ano ang gagawin ko sa kaniya para mapa-oo ko na siya sa partnership.


Tanggapin ko kaya ang pagiging fuck buddy niya? Pero no! Ayoko. Ayoko ngang malaspag niyang letse siya.


Nanlaki ang mata ko nang marinig ang door buzzer ko. Andiyan na agad siya? Sabi na nga ba, e. Ang bilis nga naman.


I took a deep breath then opened the door. Bumungad sa akin ang nakangising mukha ng manyakis na si Duke.


"Hey..."


He smiled at me. "Hi." Tumikhim siya. "I brought some food. Nag-take out sa drive thru." Sabi niya habang nakataas ang plastic na hawak niya.


Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto. "Come in."


Pumasok siya saka ko isinara ang pinto. Huwag sanang pupunta si Frey dahil kailangan ko ng i-torture ang lalaking 'to.


Ipinatong niya ang bitbit na plastic sa center table saka siya naupo sa couch. "Drinks?"


"Beer is better." He smirked at me. Basta alak, may balak. Letseng lalaki ito.


Pero dahil may kailangan ako sa kaniya, pagbigyan! "Sure. May mga beers naman ako sa ref. So, wait. Kukuha lang ako. Feel at home." Tumalikod na ako at dumiretso sa kusina.


Huminga ulit ako ng malalim bago binuksan ang ref. May stocks ako ng san mig light. Beer lang talaga. Dahil nga mahilig akong mag-bar hopping, nasanay na rin akong uminom ng beer.


Kumuha muna ako ng apat na bote saka dinala sa living room. Naabutan ko pa si Duke na nagtatanggap ng sneakers niya. Ang puti ng paa ng lalaking 'to. Sana naging paa na lang siya. Charing!


"Wow. Thanks." Aniya nang makita ang beer na hawak ko. Tinulungan niya akong ilapag iyon sa mesa.


Bumalik ako sa kusina para kunin ang pambukas ng bote. Saka ako bumalik sa living room. Tinatambol ang dibdib ko ng kaba. Shit! Minsan lang ako kabahan ng ganito.


"Here." Inabot ko kay Duke ang pambukas ng bote bago ako naupo sa katapat niyang couch.


Ayoko munang tumabi sa kaniya. Malikot pa naman ang kamay ng lalaking 'yan.


"So..." Panimula niya. "You must be really bored."


Bahagya akong tumango. "Hm, hindi ba kita naabala? You know, work. Baka nasa kompanya ka no'ng tinawagan kita kanina."


"No. I'm not. Nasa mansyon ako. And I'm fucking dealing with my little sister."


Kumunot ang noo ko. Little sister? Parang sa pagkaka-alam ko ay dalawa lang silang magkapatid? "Little sister?"


He nodded saka inilapag sa harap ko ang nabuksan niyang bote ng beer. "It's amazing how my parents hid her for a long time. May bunso pa pala kaming kapatid, and damn, hindi ko alam kung matatawa ako o maiinsulto dahil sa reasons nila. Ayaw daw kasi ng nanay ko na isama sa amin ang kapatid naming babae dahil playboy daw kaming magkapatid. Tch."


Gusto kong matawa sa itsura ni Duke ngayon. Habang nagku-kwento siya ay halata sa mukha niya na para siyang naiinis na natatawa.


"She's already a teen? Or a baby girl?" Tanong ko. Anong klaseng little sister kaya ang kapatid ng ugok na ito?


He tched. "She's a witch. That's all I can say about her."


Natawa ako bigla. "Witch? Seriously?"


"Believe me. She's a witch. Tch."


Napailing na lamang ako. I'm a witch too. Oh. Uminom na ng beer si Duke kaya uminom rin ako. Inilabas niya ang pagkain sa plastic na dala niya. Take out pala iyon ng mga finger foods. Saktong sakto, pulutan.


May fish fillet, fries, nuggets and such. Hindi ko alam kung saan niya ito nabili. Pwede na. Masarap naman.


"About last time..." Panimula niya.

Ayan na naman. Fuck buddy his ass. Pero kasi, paano kung seryoso talaga siya sa bagay na iyon? Papayag ba ako? No. Hindi. Hindi pwede. Virginity lang.

"Let's not talk about it. Alam kong hindi mo sinasadyang masabi iyon." Sabi ko pero gusto kong umingos dahil alam kong ginusto niya iyon. Malandi kasi siya.


Saglit siyang natigilan. Pero agad ding tumango. "Uh, yeah. Yes. Sorry about that. I just..."


"You want me." Ako na ang nagtuloy sa sasabihin niya. Gets ko naman, e. Saka alam ko namang naglalaway na ang Palermo na 'yan sa akin.


Tinitigan niya ako at sa totoo lang, medyo naiilang ako. Para niya kasing inaakit ang katawang lupa ko.


"Yes. I want you, Cherrypink."


Hindi man lang nagpakipot. Umamin agad. "W-Why..." Pabebe kunwari.


"Because you're something. Something that I can't explain."


Mukha mo, Palermo. Something that can't explain daw. Kalandian kamo!


Ngumiti ako ng matamis. Pero fake lang. "Oh..."


"Can I ask you something?"


Ano naman kaya ang tanong niya ngayon? Hindi ko tuloy ma-open-up ang tungkol sa partnership, e.


"Sure." Kinakabahan ako. Baka kung anong itanong nito.

"You know that I really want you and I want you always here beside me. Seriously. If I ask you to be my girlfriend, or you know, we can go out on a date, kiss, hug, bonding and more, papayag ka ba?"

What the hell? Nagdilang anghel yata ako. Noong tinanong niya ako ng 'can you be my fuck buddy' napahiling ako na kung 'can you be my girlfriend' ang tanong niya, baka napa-oo pa ako. Heto ngayon at nagtatanong na!

"Ah, ano..."

"I'll give you what you want."


Parang biglang may ilaw na nag-ting sa may utak ko. What I want? Ang partnership.

Tumikhim ako. "There's only one-way para mag-stay ako sa tabi mo. And you can be my girlfriend." Sabi ko.

Nangislap ang mata niya. Manyak talaga 'tong lalaki na ito, e. If I know, gusto akong maging girlfriend niyan para maano niya ako. Machukchak chenes.


"What is it? Tell me."

I looked at his eyes intently. "Approve my partnership proposal so I could be your partner...in any term you want."

Napansin kong natigilan siya. "You really want that partnership." He said seriously. "But if that's the only way..."

Oh my God! Mapapapayag ko na siya. Sabi na, e. Buti naman at hindi na ako mamomroblema.


Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad. "So..?"

"Just forget about it. I can't use my business for my private matters."

Halos mapanganga ako sa sinabi niya. What the hell? Pinapahirapan talaga ako ng malanding 'to!

Blood Of A CasanovaWhere stories live. Discover now