Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 18

246K 5.5K 1.9K
                                    

Cherrypink POV

Nanginginig ako. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung paano ako kikilos dahil ang tanging nagagawa ko lang ngayon ay umiyak.

"Cherrypink!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Duke. Alam na niya ang passcode nitong condo ko dahil hiningi niya.

"D-Duke..." Napalunok ako.

Lumagabag ang pinto at bumukas iyon. Pumasok si Duke na hingal na hingal. He's staring at me.

"Fuck..." Para siyang nalito sa nakikita niya. "W-What happened?"

Umiyak ako. "M-Masakit. Hindi ko alam paano mawawala ang sakit. Okay pa ako kanina tapos ngayon, biglang ganito. Ang sakit sakit, Duke..."

"Bloody hell." Lumapit siya sa akin. "Anong masakit?"

Nakahiga ako sa sofa habang nakabaluktot ang mga binti ko. "A-Ang sakit ng puson ko, Duke. Punyetang mens 'to. Ang sakit-sakit..."

Nanlaki ang mga mata ni Duke na parang 'di siya makapaniwala. "The fuck? Alalang-alala ako sa 'yo, love. Fuck it. Regla lang pala."

"Bunganga mo. Psh. Masakit nga kasi..." Naiiyak pa din ako. Alam ng lahat ng babae kung gaano kasakit itong puson kapag may menstrual period.

"Alright. What do I need to do?"

Napalunok ako. "H-Hindi ko alam basta masakit. Dati naman hindi 'to sumasakit ng ganito na sobra."

"Baka kulang lang 'yan sa...."

"Duke Aris! Ang bastos mo talaga!"

"What? I am saying na baka kulang 'yan sa massage. 'Yung puson mo. Tch."

Okay, pahiya ako do'n. Pero kasi, ang sakit-sakit, e.

"Do you want a cold compress?" Tanong niya. Nakikita ko naman na concern siya.

"Ibili mo akong gamot sa baba. May drugstore do'n. Please..."

"Alright. Are you sure you'll be fine here alone?"

"No, it's fine. Go."

Tumayo sya saka tumingin sa akin. "I'll be back, love." Umalis na siya at naiwan akong mag-isa.

Napahawak ako sa puson ko. E'to 'yung mahirap sa babae, e. Kapag may menstrual period. Bakit kasi ang unfair. Dapat lalaki na lang ang nakakaranas ng ganito, e. But upon thinking, parang 'di ko naman imagine kung paano sila maglalagay ng napkin.

Psh. Ano ba 'tong naiisip ko. Hay, inabala ko pa si Duke dahil lang masakit ang puson ko. Kung bakit kasi bigla pa akong nagkaroon ngayon. Mabuti na lang hindi kanina no'ng lumabas kami ni Duke. Baka natagusan pa ako kung nagkataon. Nakakahiya.

Saka hindi ko din talaga alam kung bakit kailangan ko pang tawagan si Duke. Dati naman kapag sumasakit ang puson ko, wala akong tinatawagan. Nagiging dependent ba ako kay Duke? Tingin ko naman ay hindi. Ewan ko ba sa sarili ko.

Ilang saglit pa ay bumalik na si Duke. Infairness, ang bilis niya. Halatang galing siya sa pagtakbo. Imagine, ang CEO ng PCI, napatakbo dahil lang sa gamot. Sweet.

"Here. I bought medicines. The pharmacist said that this is effective." Inabot niya sa akin ang isang tablet ng gamot. "I'll get you a water. Wait."

Napaka-maasikaso naman ni Duke. Na-appreciate ko naman siya. Pero 'di ko talaga inakala na may ganitong side siya. Akala ko puro yabang lang siya.

Pagbalik niya ay may dala na siya bottled water. "Here. Inumin mo na 'yan. Kaya mo bang umupo?"

Bahagya akong tumango. Kaya naman umupo, kaso masakit lang talaga ang puson ko.

Kinuha ko ang bottled water sa kaniya saka ininom ang gamot. Ugh. This is not my thing. Ayoko talaga na umiinom ng gamot, e. Pero masakit talaga. Grabeng puson 'to.

"Sana hindi ko na maranasan 'tong sakit ng puson. Sakit talaga, e. Sana 'di na lang ako magka-period."

"May suggestion ako, love."

Ipinatong ko sa center table ang bottled water. "Ano?"

"Buntisin na kaya kita para 'di ka na magka-period? 'Di na sasakit puson mo."

Pinaningkitan ko sya ng mata. "Sira ulo ka ba? Akala mo madaling mabuntis?! Titigil nga ang period, e ang tiyan? Ikaw kaya ang magbuntis diyan. Psh."

Tumawa siya. "Binibiro lang, e. Pero pwede ding seryoso."

"Please lang, Duke. Pinapasakit mo ulo ko."

"Hindi na, love." Aniya. "May gusto ka bang kainin? I'll stay here. Dito na ako matutulog mamaya."

"Pe—"

"May spare clothes ako sa kotse. Next time magdadala na ako ng spare clothes dito para kapag gusto kong mag-stay dito, may damit ako. Okay ba, love?"

Jusko ko, si Duke. Feelingero talaga, e. Feel na feel niya. Saka ayoko siya dito matulog. Baka gumapang lang kamay niyang manyak na 'yan.

"Ayoko namang abalahin ka, Duke. Ayos lang. Kaya ko naman mag-isa dito saka sanay akong mag-isa lang dito sa unit ko."

He held my hand at medyo naasiwa ako. Ayoko kasi siya kapag parang cheesy at mga ganyang kilos niya, e.

"Love, I'm telling you. Hindi ka na nag-iisa. I'm here. I'm your boyfriend. Huwag mong isipin na mag-isa ka. Alright?"

I gulped. Boyfriend na boyfriend na talaga siya umakto. Hay naku. Sana kasi in-aapprove na niya ang partnership para wala ng aktingan.

"Pero kaya ko naman. Mawawala naman na 'tong sakit ng puson ko kasi uminom naman akong gamot na."

"I still want to stay here."

"Masyado na kitang naaabala." Sabi ko. Ayoko lang talaga siyang matulog dito.

"Hindi ka abala sa akin, okay? Mahiga ka na. Masakit pa ba?"

"Nababawasan na pero masakit pa din."

"What do you want to eat? I'll buy anything you want. Are you craving for something?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Hindi naman ako naglilihi, Duke. Craving ka d'yan."

He chuckles. "Wala ka ba talagang gustong kainin?"

Nag-isip ako. Wala naman. Masakit nga kasi puson ko. Maiisipan ko pa ba kumain?

"Wala naman."

"Ako na lang kaya ang kainin mo, love? Fuck..."

I glared at him. "Tigilan mo nga ang ka-manyakan mo, Duke."

"What? Masarap naman ako, e."

"Isa pa, Duke."

"Oh fuck, isa pa?"

"Tatamaan ka na sa akin." Banta ko. Kahit kailan talaga napakalibog, e.

"I'll stop. Mamaya bibili pa din ako sa labas ng dinner natin, okay? Hindi pwedeng matulog ka ng hindi kumakain. And look at yourself, you're so thin."

"Duke, sexy ako. Hindi thin."

"You're sexy, yes. But you're thin. Dapat may kaunti pang laman. Should I monitor your breakfast, lunch, and dinner from now on?"

He's being a boyfriend again.

"No need. Kumakain naman ako lagi, e."

"Tch. You should eat healthy foods. At bawasan mo ang pagpunta sa bar."

I rolled my eyes. "Nahiya naman ako sa 'yo. Ikaw nga ang taong bar, e."

"What? Hindi na ako gaanong pumupunta sa bar simula nung maging official tayo. I'm faithful to you, love."

Official. Hay, Duke. 'Di nga kasi seryoso ang relasyon na ito, e.

"Oo na."

"Basta, kakain ka ng maayos lagi. Alright?"

"Tatay ba kita?" Tanong ko.

"Sa tingin ko, hindi na masakit ang puson mo. Tch. Binabasag mo na ako, e."

Masakit pa din naman pero 'di na 'yung sobra tulad kanina.

"Hihiga muna ako. Masakit pa, e." Sabi ko na lang saka nahiga ulit sa sofa.

"Yeah. Dito lang ako, love."

Habang nakahiga ay pinagmasdan ko si Duke na nakaupo sa sahig—specifically sa carpet. Katabi nitong sofa na hinihigaan ko. He's looking at his phone at nakakunot ang noo niya. May chicks sigurong katext. Psh.

"The fuck this woman. She's always sending an image of her boobs." Sabi niya na parang inis na inis.

Malandi kasi siya. At saka mahilig siyang pumatol sa mga nagpapakita ng ganoon sa kaniya. Ang manyak niya kaya.

Pero ba't nga ba may mga babaeng gano'n? 'Yung nagse-send ng mga picture ng private parts nila sa mga lalaki para lang makuha ang atensyon? Ano iyon, attention seeker o desperada ng mapansin? Hay naku.

"Gusto mo naman." Sabi ko.

Tumingin sa akin si Duke. "No. Tch. I'm contented with your soft boobs."

"Seriously?!"

"What?"

Sakit sa ulo ni Duke. Napakalandi talaga, e. Napaka-straight-forward pa. Parang napaka-normal lang sa kaniya iyong sinabi niya.

"Parang niretoke ang mga boobs ng mga 'to. Tch. I like yours."

"Duke Aris."

"What?"

Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko. Nahawakan na nga pala niya ang... Shit. Nakakahiya. Ang landi niya talaga.

"Ang dami ding nagtetext sa akin. Damn it."

"Ibinigay mo kasi ang number mo. Hindi ka naman itetext ng mga 'yan kung hindi nila alam ang number mo. Psh. Para kang ano, e. 'Yung lalaki ng lahat."

"Love. That was rude. Tch."

"Totoo naman, e."

"I'll sent them a text. A copy paste text. Send to all. Tch."

I arched my eyebrow. Oh, bagong buhay ang lalaking manyak.

"You want to see my text?"

Wala naman akong pake, pero tsismosa siguro konti. Inabot niya sa akin ang phone niya at kinuha ko iyon.

Tiningnan ko 'yung message niya.

To: Babe 1; Babe 2; Babe 3; Babe 4; Babe 5; Babe 6; Baby 1; Baby 2; Baby 3; Sexy butt; Big boobs 1; Big boobs 2
Stop texting me. I have a girlfriend and she's pregnant. I am faithful to her and I don't need you girls.
-end-

What the hell? Tiningnan ko si Duke. Cool na cool pa siya, e. Akala ko dalawa o tatlo pero jusko, ang mga pangalan ng babae niya. Kapag talaga mga babaero, e. Ganyang ganyan. Lahat na lang na babae tinawag na "babe". Hay naku po.

"Pinagmalaki mo pa talaga, ah."

"Tch. At least faithful ako sa iyo." Aniya. "And besides, see? You're the only one I called, love."

Tumikhim ako. "At bakit mo sinabing buntis ako?! Seriously?"

"Hindi ako titigilan ng mga 'yan. Tch. Kaya dapat sabihin kong buntis ka. Pwede naman nating totohanin, e. Pero 'wag ngayon. May period ka."

Binato ko sa kaniya ang phone niya. Pasalamat siya nasalo niya. Bastos talaga. "Ewan ko sa iyo, Duke!"

Tumawa lang siya. Sira ulo talaga, e. Hindi ko talaga alam anong personality si Duke, e. Kung seryoso ba talaga siya, happy go lucky, ewan ko pero mas sigurado ko manyak siya at malandi.

-

Umupo ako sa tabi ni Frey. Kararating lang namin dito sa Hashtag Bar. Kasama ko si Duke. No'ng isang araw ay talagang natulog siya sa unit ko kasi nga sumakit ang puson ko. Na-appreciate ko siya that night kasi hindi naging malikot ang kamay niya. Ang sweet pa nga niya kasi paggising ko kinabukasan, nakayakap siya sa akin.

May dumagundong nga dito sa bandang dibdib ko pero hindi ko alam kung ano iyon.

"Hi Cherrypink." Kumindat sa akin si Drake. "I like you, oops. I said I like your lips...tick. Lipstick color."

Kumunot ang noo ko. Kaso tumawa si Frey at Kentin.

"Bakla ka, Drake? Mahilig ka sa lipstick?"

"No. Sa boobs. I was just kidding. Tch." Sagot agad ni Drake.

"Ako mahilig." Biglang sabi ni Kentin. Parang inosente pa nga.

"Sa lipstick?" Tanong ni Frey.

Tumango siya.

"What the hell? Kenshin? Bakla ka? Bakit lipstick?!"

Parang naguguluhan naman si Kenshin sa sinabi ni Frey.

"Lipstick ba? Akala ko beef steak."

Nag-pokerface ako.

"Tang’na brad, napakabingi mo. Maglinis ka nga ng tenga mo!" Sabi ni Drake.

"OMG! Akala ko talaga, bakla ka. Gosh." Maka-react naman 'tong si Frey.

Naupo na rin si Duke sa tabi ko kaso masyado siyang seryoso. Napansin ko din na nakatingin siya kay Drake.

"Hey." Agaw ko sa pansin niya.

Tumingin siya sa akin. "Hmm?"

"Problem?" Tanong ko.

Umiling siya. "What do you want to drink?"

Lumapit sa amin ang sinenyasan niyang waiter.

"Beer." Sagot ko.

"Alright, one watermelon shake for her. Brandy, and beer."

"Anong waterm—"

"You have period. No beer." Seryosong sabi niya sa akin.

Seriously? He's being a boyfriend tonight.

"Whooaaa! Sweet pare, pwede din ba akong maging sweet sa kaniya?" Tumatawang tanong ni Drake.

Nag-lazer beam ang mata ni Duke.

"Sa kanya brad. D'yan sa waiter." Sagot ni Drake.

"Alam mo, Drake. Konti na lang, iisipin ko talaga, bakla ka." Singit ni Frey.

"Tch."

"Watch your words, Hong." Sabi ni Duke. Umalis na ang waiter.

Hindi daw ako pwede ng beer. So, shake lang. Ang KJ naman.

"What, man? You're too serious." Drake said.

"Yeah. I'm fucking serious with my girlfriend." Sagot naman ni Duke.

"Alright, alright." Parang sumusukong sabi ni Drake.

"Ayos kalang ba talaga?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah."

"Bakit ang seryoso mo?"

"Seryoso naman talaga ako sa'yo."

Duke naman, oh.

"I mean, 'yang facial expression mo. Serious. Smile naman."

He cleared his throat. "Kiss mo muna ako."

Naningkit ang mga mata ko. "'Yung totoo?!"

"I'm serious. Ikaw ang hahalik sa akin, o ako ang hahalik sa 'yo? You choose."

Grabeng choices naman 'yan. "Duke naman, e."

"One."

"Seryoso?"

"Two."

"Grabe ka."

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Naramdaman ko na lamang ang labi ni Duke sa labi ko. Hindi lang smack, kundi kiss. Kiss kung kiss na matagal.

"Whoa! They're kissing! Kiss din tayo, Kenshin!" Narinig ko pang sabi ni Frey. Talandi talaga, e.

"Huwag, Frey. Magagalit si Dad."

"Whoa! Makapagbabae na nga!"

Pero ba't ganito, parang 'di ako makakilos. Hinahayaan kong halikan ako ni Duke. His eyes were close. At may dumadagundong na naman dito sa dibdib ko. Ano ba ito?

Masarap humalik si Duke, pero hindi iyon ang dahilan ng nararamdaman ko, e. May mas malalim na dahilan, may malalim...



icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Pinky, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Pinky
@pinkyjhewelii
When a rebellious playgirl must win over a notorious playboy in order...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 51 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @pinkyjhewelii.
Blood Of A CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon