Wattpad Original
There are 5 more free parts

Chapter 13

196K 4.3K 557
                                    

Cherrypink POV

Napahigpit ako ng pagkakahawak sa couch dahil sa sinabi ni Duke. Seriously? Is he damn serious with his answer?

"Are you serious?" Tanong ko pa. Baka kasi nagpapabebe lang siya o kaya ay binibiro lang ako.

Sumeryoso siya. "Tell me, Cherrypink. Are you really that desperate to get a partnership with my company?"

Patay na. Baka nahahalata na niya ako. Ayokong malaman niya na ginagawa ko lang ang pakikipaglapit sa kaniya dahil sa partnership sa kompanya niya.

"No. Of course not. Inaamin ko gusto kong magkaroon ng partnership sa kompanya mo pero hindi naman ako desperada." Pinalamlam ko ang mga mata ko."Sorry kung bino-brought out ko ang tungkol sa partnership. Gusto ko lang naman na... kasi, kapag nagkaroon tayo ng parntnership, kahit nasa kompanya ka, makakasama kita. I hate to admit it, but I always want to see you."

Damn. Ang galing kong umarte. At lahat ng sinabi ko ay pawang kasinungalingan lamang. As if I want to see him always.

Lumiwanag naman ang mukha niya. "Really? You mean..."

"Gusto na yata kita, Duke. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto kitang nakakausap at gusto din kitang nakikita. I even stalked you on google. At doon nga nalaman ko kung gaano ka ka-work-aholic. Naisip ko na baka kapag pumayag akong maging girlfriend mo, or kung ano man, hindi ko masolo 'yung time mo. Kapag may partnership tayo sa company, at least hanggang doon ay makikita kita. Sorry..." kunwar'y pinalungkot ko ang mukha ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Bloody hell. Are you really serious? I never thought..."

"Hindi ko nga din inakala, e. Saka naramdaman ko na lang 'yun basta. Alam ko na hindi pa natin ganoon kakilala ang isa't isa but I want to know more about you. I'm interested to you, Duke." I looked at his eyes with so much admiration—but it was fake.

Hindi makapaniwalang nakatitig siya sa mga mata ko. "Damn it..."

"Sorry kung iniisip mo na desperada na ako na magkaroon ng partnership sa company mo." Sana gumana itong pag-arte ko. Jusko naman kasi itong ai Duke, e. Pinapahirapan ako.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. He stared at my eyes. "Look. I will promise, hinding-hindi ako mawawalan ng oras sa 'yo kahit pa may trabaho ako sa kompanya. Alright? And about the partnership, I will review your files and your company information. But give me time for that. For now, I can't give you that partnership in instant."

Medyo nakahinga ako ng maluwag. At least, aasikasuhin na niya. Kahit hindi agad agad, maghihintay ako. Sa ngayon kailangan ko munang magpanggap na nahugustuhan ko na talaga siya. No choice.

Tumango ako saka ngumiti. "It's fine."

Mas lumapad ang pagkakangiti niya sa akin. "I like you, Cherrypink. I really like you. And I'm fucking glad that you're starting to like me, too."

Masuka ka, Palermo. Feeling mo talaga nagugustuhan kita, e. No way. Hindi ako magkakagusto sa malanding katulad niya. Talaga lang na kailangan ko itong gawin sa ngauon. pagy-tiyagaan ko muna siya hanggang ma-approve ang partnership na ipino-propose ko sa kaniya.

"Duke..."

"From now on, you'll be my girlfriend. We'll date, talk, do things, and more. It will help us tk develop our feelings for each other. Damn it, I didn’t expect this. Let's celebrate?"

Feel na feel talaga niya. Ano pa nga bang magagawa ko kung hindi pumayag na maging girlfriend niya. At tulad ng sabi niya, made-develop kami. Hindi ko hahayaan ang sarili kong ma-develop sa kaniya. Siya lang. At kapag lumalim ang nararamdaman niya sa akin, madali ko na siyang mapapapayag sa partnership.

"Okay. Cheers?" Itinaas ko ang bote ng beer na hawak ko saka mas ngumiti sa kaniya.

Tinugon naman niya ang ngiti ko saka itinaas rin ang bote ng beer niya at nakipag-cheers sa akin.

"So, anytime ay pwede na kitang tawagan? Or puntahan dito?" Tanong niya.

Tumango ako. "Yes. Of course. You're now my boyfriend."

"Great. One of these days, I want to introduce you to my family." Seryosong sabi niya.

Introduce to family agad? I took a deep breath and nodded. "Alright."

"I am happy, Cherrypink."

Well, I'm not. Gusto ko sanang sabihin 'yan. Pero dahil nga sa lintik na partnership, kailangan kong magpanggap.

"Masaya rin ako, Duke." Gusto kong masuka sa sinasabi ko. Hindi ko rin ma-realize ang sarili ko na ngumingiti ngayon na parang ang bait-bait ko.

I'm a bitch. Not a kind woman. Yinungga ko ang bote ng beer ko.

"Cherrypink. Can I sleep here tonight?"

Muntik ko nang maibuga ang alak na iniinom ko dahil sa sinabi niya. "What?"

"Girlfriend and boyriend do sleep together. Right?"

Kalandian talaga, e. Matulog? Mukha niya. May balak lang siya, e. At saan niya nakuha ang ideyang kapag mag-on ay dapat matulog ng magkatabi? Pauso 'tong si Duke.

"Hindi ba parang ang bilis? Saka bago pa lang tayo. Hindi pa nga tayo dumadaan sa get-to-know-each-other stage, e."

"Do we need to do that get to know thing? Habang magkasama naman tayo, makikilala natin ang isa't isa. And, I think, I don’t need that. Because I know you. Kilalang kilala na kita. Ikaw 'yung mapapangasawa ko." He smirked at me and I have no choice but to act like I'm giggling. Duh.

Mabulaklak talaga ang bibig ng gago na 'to, e. Akala naman niya mapapaniwala niya ako sa mga ganyang salitaan niya. Is that the Duke Palermo way?

"Kinikilig ka ba?" Tanong pa niya.

Ugh. No. As if. "Yes. Ikaw talaga..."

"Let's enjoy this day and celebrate what we have right now."

"What we have right now?" Tanong ko.

"Each other. We have each other."

I didn't know Duke would be this kinda corny. Seriously. Is he being cheesy? Hindi bagay sa kaniya. If I know, he's just saying thiose words para manglandi.

"How sweet of you, Duke." Malapad na ngiti ang pinakita ko pero sa loob loob ko, gusto kong sampalin ang sarili ko sa mga sinasabi ko.

He grins. "Well, that's me."

Ulol. Lokohin mo lelang mo. Psh. That's him? Being sweet. As if totoo.

"By the way, wala ka bang trabaho ngayon? It's thursday." Ang totoo niyan, gusto ko muna siyang umalis. Tutal tapos na kaming mag-usap at hindi ko talaga siya mapapapayag sa partnership ng agad agaran kaya pumayag na akong maging girlfriend niya. Then, kailangan ko munang mapag-isa.

"I have but I'm the boss. Pwede naman akong hindi pumasok ngayon. Hindi ikakahirap ng kompanya ko ang pag-absent ko ngayon. Besides, I'm with my girl."

Kasuka-suka. Letse, mag-stay ba talaga siya dito hanggang gabi? Huwag naman sana. Tutal pumayag na akong maging girlfriend, hindi ko na kailangang isugal ang virginity ko. Kaya dapat talaga iwasan ko si Palermo sa gabi. Mapanganib. Baka gapangin pa ako ng manyak na 'yan.

"Okay. It's up to you. Pwede ka namang mag-stay dito hanggang mamayang gabi." Shit! Sana umuwi na siya.

"Ah, no."

Nagliwanag ang mukha ko. So uuwi din siya? "Hindi ka papaabot ng gabi? Tama 'yan. Para hindi ka din mapuyat. Alam mo na, inaalala din naman kita. May work ka pa tomorrow." Nakangiting sabi ko.

"Hindi ako papaabot ng gabi kasi dito ako tutulog. Bukas na ng umaga ako aalis. I just want to spend one night with my girlfriend. Isn't it bad? I just want to be with you."

Put.... a little more! Bwisit. Gusto ko na nga siyang umuwi tapos dito pa siya tutulog. Seryoso talaga siya? Feeling ko hindi ako makakatulog ng maayos kung narito siya.

"You're so sweet. Pero hindi mo naman na kailangang matulog dito, Duke. You know, ayokomg maging hassle pa bukas. Papasok ka sa work. Uuwi ka pa sa bahay niyo para magbihis." Sana naman makumbinsi ko siyang umuwi din maya maya.

"No need to worry about it. I have my suit. Nasa kotse. Boy scout." he laughed like he's proud of being called a boy scout. Kainis!

"Ah..." tumang-tango ako. "Okay. Malaki naman itong sofa. Kasya ka dito."

He stared at me. "Pardon?"

"Sabi ko malaki naman 'tong sofa. Okay lang naman siguro sa iyo na dito matulog? Isa lang kasi ang kwarto ko."

"Of course, I will sleep in your room. Me and you in one bed. Isn't it great? We can talk about anything or about ourselves."

Nalaglag ang panga ko. Seryoso ba siya sa pinagsasasabi niya? Walang'ya! Desidido talaga siyang matulog katabi ko? Manganganib ang pearly shell!

"Hindi ako nakakatulog ng may katabi, e." Pagsisinungaling ko.

Natigilan siya. "Ihehele kita."

"What?!"

"Kidding." Tumawa siya. "Let's just try. Wala namang mawawala. And besides, I'm not a stranger. I am your boyfriend."

Walang mawawala? Mukha niya!

"I didn't say you're a stranger. Kahit pa boyfriend na kita, syempre, maninibago pa rin ako. Lalo akong hindi makakatulog." Pinalungkot ko ang mukha ko. "Sumasakit pa naman ang ulo ko kapag walang tulog o kulang sa tulog."

He sighed. "Sorry if I want to sleep beside you. It's just... new to me. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko, gusto kitang makatabi matulog. I find it sweet. I never tried to sleep with girls."

We? As if maniniwala ako. Wala? Baka nga lahat ng babae niya, nakasama na niya matulog. Sa landi niyang iyan.

"Pero..."

"Let me, okay? Anyway, what do you want me to call you?"

Kumunot ang noo ko. "Call me? What do you mean?"

"Endearment. What do you want? Baby, babe, honey, love... what?"

Seryoso siya? Naisip pa talaga niya 'yan? E, hindi naman ako seryoso sa relasyon na ito.

"Anything?"

"Then I will call you, love."

Ang korni ng Palermo na 'to. Akala mo totoo talagang mahal ako, e. Taglibog lang 'yan.

Ngumiti ako ng matamis na parang gusyung-gusto ko 'yung sinabi niya."Then let's call each other, love."

Kasuka.

"Damn, I am fucking lucky." He cussed then hugged me. "You are now mine."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin saka ko naramdaman ang labi niya sa labi ko. He just gave me a smack on my lips. Mabilis ang kumag.

"We're officially on." He said.

I tried not to roll my eyes. "Yeah." Kahit ang gusto kong isagot ay whatever. Hay. Ano ba 'tong pinasok ko. Kami na nga talaga ni Duke.

Is it the beginning of my life in hell with this greeny-brain man? Greeny man means manyakis. I want to laugh with that thought. Kung anu-ano ng naiisip ko.

"Love..."

Kinikilabutan ako sa pagtawag niyang iyan. Susme.

Napalunok ako ng dahan-dahang ilapit ni Duke sa mukha ko ang mukha niya. He cupped my face and stared at my eyes. The he looked down to my lips. Ano na naman ba ang kamanyakang gagawin ng lalaking 'to?

"These lips is officially mine." He said then kissed my lips. Gumalaw iyon pero hindi ako makagalaw. Hinayaan ko lang siya.

I froze as I felt his kisses down to my neck. He groans.

What is this. Alert, alert!

I suddenly pushed him kaya nagkahiwalay kami.

"Why?"

Alanganin aking ngumiti. "M-May kiliti kasi ako saka nagulat lang ako." I heaved a sigh. "Ubusin na natin 'tong beer."

Shit. Lang'yang lalaki 'to. Dumada-moves agad. Buti na lang napipigilan ko ang sarili kong 'di magpadala sa lalaking 'to. Argh.

"Okay. Let's drink." He just smirked and licked his lips while looking at me.

Yuck siya. Kainis! Ang landi landi niya talaga. kailangan ko yata ng mega pigil sa sarili powers. Lalo na mamaya kapag natulog na kami. Siguradong hindi lang paghalik sa leeg ko ang gagawin niyan!

I am in danger... especially my pearly shell.

Blood Of A CasanovaWhere stories live. Discover now