My Favorite Sin - 06

37.3K 639 38
                                    

WADE


True to his words, bumalik nga si Vince pagsapit ng Martes. And I swear I have to take a step back when I opened the door and saw him smiling while looking at me. He has such this positive aura mixed with strong sex appeal that gets into my nerves. I guess I need ample of time for myself to be used to his disarming charm.



"Good morning po, Sir Wade," nakangiting bati ni Vince sa 'kin exposing his pearly white teeth. Papasa siyang commercial model para isang brand ng toothpaste. And if I'm going to enumerate Vince good qualities—physically—I'm sure aabutin ako ng buong maghapon.



"I told you, Wade na lang ang itawag mo sa 'kin," nakangiti ring sagot ko sa kanya. "Halika, pasok ka muna," sabi ko na niluwagan pa ang pagkakabukas ng pinto. "Nag breakfast ka na ba? Saktong-sakto at nagluto ako ng pancakes."



Kagabi ay dito na ako natulog dahil hapon pa lang ay naibalik na ang linya ng kuryente at nalinisan ko na rin ang dating kwartong tinutuluyan ko. Tatlo ang kwarto sa bahay na 'to at 'yong isa ay ginawa munang temporary tambakan ng mga gamit na hindi alam kung idi-dispatsa na o hindi pa. Si mommy na ang bahalang mag decide sa mga 'yon.



"Nagbaon po ako ng pandesal," ani Vince na itinaas ang hawak na brown paper bag na naglalaman ng pandesal. Kinuha ko ang paper bag na hawak niya at hinila siya papunta sa kusina. Saglit na pareho kaming natigilan nang dumampi ang balat ko sa braso niya. Pero pinilit naming ignorahin pareho ang spark na naramdaman naming dalawa.



"Mas masarap ang pancakes na niluto ko. Nagluto rin ako ng hotdog at scrambled egg," dagdag ko pa habang sinesenyasan ko siyang maupo sa stool na itinuro ko.



Mabilis namang naglabas ako ng plato at mga kubyertos matapos kong ihain sa mesa ang mga niluto ko.



"Mukhang masarap nga po," appreciative na sambit ni Vince na nagpangiti sa 'kin. Simpleng appreciation lang niya ay sapat na para mas lalong magliwanag ang paligid ko.



Nang okay na ang lahat ay naupo na rin ako sa katapat na upuan at nilagyan ng dalawang pancakes ang plato ni Vince. Inabot ko sa kanya ang bote ng syrup bago ako naglagay ng pancake sa sarili kong plato.



Nagsimula kaming kumaing dalawa ni Vince at tuwang-tuwa ako sa tuwing pupuriin ni Vince ang mga niluto ko kahit na alam kong wala namang extraordinary sa mga niluto ko. They were just pancakes, hotdogs and eggs for Pete's sake. Pero ewan ko ba, big deal sa 'kin ang mga appreciative words ni Vince. Well, maybe that's because I like him.



And by saying I like him, I mean that I like him physically. Who wouldn't like this good looking boy? He's hot without even knowing it. Kahit paraan ng pagsubo niya ay mai-a-associate ko sa salitang sexy. The way his Adam's able goes up and down is certainly a sight to behold. Vince is every inch sexy... and intoxicating... in a very good way.

My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Where stories live. Discover now