My Favorite Sin - 15

30.7K 481 87
                                    


WADE


Magtatanghalian na nang makabalik si Vince sa bahay. Nakapagluto na 'ko ng kanin at ulam habang nakaligo naman na si lola Emma at kasalukuyang nanonood ng TV sa sala. Umuulan pa rin sa labas pero hindi na kasinlakas tulad kahapon.



After ng nangyari kagabi, hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Vince ngayon. Ni hindi ko nga alam kung ano ang naglalaro sa utak niya ngayon dahil hindi pa nga kami nakakapag-usap ngayon araw.



Eto 'yong ayoko pagkatapos ng kamanyakan, eh. Nagsisimula magkaroon ng awkwardness. Parang gusto kong itanong kung okay lang kami. If were cool. O galit-galit muna. Kasalanan ng libog 'to, eh, lihim na himutok ko.



"Okay ka lang?" tanong sa 'kin ni Vince na hindi ko namalayan na nasa kusina na rin pala. Bagong paligo siya at bahagya pang tumutulo ang buhok niya.



"Yeah, ayos lang ako," sagot ko na hindi makatingin nang diretso sa kanya after what had happened last night. "Tawagan mo na si lola Emma at kakain na kamo."



Magsasandok na sana ako nang maramdaman kong tumabi sa 'kin si Vince. "Okay tayo, ha?" seryosong tanong niya habang nakatingin sa mukha ko. "Walang ilangan.'Yong nangyari kagabi, pareho naman nating ginusto."



Nilapag ko sa kitchen counter ang hawak kong plato at tumingin sa kanya. "Hindi ka galit?"



"Bakit naman ako magagalit?" kunot-noong tanong niya sa 'kin. "Wait, don't tell me nagi-guilty ka dahil do'n?"



"Medyo," pag-amin ko. Nakaka-guilty naman talaga. Ano na lang ang sasabihin niya? Na pare-pareho lang ang habol ng mga bakla? Na sex o chupa lang ang habol namin sa mga lalaki?



"Alam mo, 'wag ka nang ma-guilty diyan. Ginusto ko rin naman 'yong nangyari kagabi. Hindi mo naman ako pinilit, 'di ba? Besides, it's just what... a blowjob?Sus, malayo sa bituka." sabi pa niyang napapangiti."Hindi ako madalas na nagpapaganun sa bakla kaya maswerte ka." This time ay tumatawa na siya habang sinisiko ako.



Nahawa na rin ako sa pagiging kaswal ni Vince sa sitwasyon namin. Pinilit kong iwaksi ang kung anumang awkwardness na nasa katawan ko at nag focus na lang ulit sa pagsasandok ng kanin.



"So okay na tayo, ha?"



"Oo na po."



"Walang ilangan?" pangungulit pa ni Vince.



My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon