My Favorite Sin - 12

27.4K 663 44
                                    


WADE


Pasado alas-dos na nang makabalik ng bahay si Vince. Saktong kakarating ko lang ng bahay dahil namili ako ng pintura at iba't ibang sizes ng brush. Hihintayin ko nga sana si Vince para may kasama akong mamili pero dahil wala naman akong ginagawa kanina ay nag decide akong umalis na lang mag-isa.



"Pasensiya na at medyo late ako. Hindi tuloy kita nasamahang mamili. May mga inayos pa kasi ako at mukhang uulan mayamaya," sabi ni Vince nang pumasok siya sa sala. Napansin ko nga kanina na medyo maulap ang kalangitan. Tila nagbabadya ng isang malakas na ulan.



"Ayos lang, ano ka ba? Hindi naman marami 'tong mga pinamili ko," sagot ko na habang hinuhubad ang t-shirt ko na medyo basa na ng pawis. "Nag snack ka na ba? Nag takeout ako ng pizza at medyo matagal na 'kong nagke-crave nito. Umupo ka na at saluhan mo 'ko."



"Ayos. Sakto at medyo gutom na nga rin ako," ani Vince na umupo na ng sofa. Pumunta naman ako saglit sa kusina para kunin sa ref ang natira naming coke kagabi.



Habang nilalantakan namin ang pizza ay pahapyaw na natanong ko si Vince kung may girlfriend na siya.



"Wala nga, eh," natatawang sagot niya.



"Weh? Sa gwapo mong 'yan, wala kang girlfriend?" hindi makapaniwalang tanong ko. Pero sa loob loob ko ay masaya ako sa kaalamang single siya.



"So, sinasabi mong naga-gwapuhan ka sa 'kin?" nakangising tugon ni Vince.



"Hindi ka rin feelingero, noh?" sikmat ko sa kanya.



Tawa naman siya nang tawa. "So hindi ka napopogian sa 'kin?" aniyang mas inilapit pa ang mukha sa mukha ko habang may ngiting naglalaro sa mga labi niya. Kainis! Sarap nakawan ng halik.



"Sige na. Gwapo ka na. Masaya ka na?" sabi ko sabay subo ulit ng pizza.



"Pero hindi mo type?"



Umiling ako bilang sagot sa kanya.



"Sure ka?" tanong ulit ni Vince.



Tumango-tango naman ako. Isa kang malaking sinungaling, Wade! tudyo ng isang bahagi ng utak ko.



"Sige, sabi mo, eh," aniya at tumayo na matapos lagukin ang laman ng baso niya. Hinubad niya ang suot na damit at sinampay sa isang balikat niya. At dahil nakatalikod siya sa 'kin, hindi ko maiwasang pagmasdan ang katawan niya. Long and lean. Parang ang sarap hawakan at pisil-pisilin. Hindi ko alam kung saan ang mas masarap. Kung ang pizza ba o ang katawan na nasa harap ko.

My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Where stories live. Discover now