My Favorite Sin - 18

18.3K 391 77
                                    

WADE

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang sa wakas ay lumapag ang sinasakyan kong eroplano sa Tacloban, City. May pagmamadaling bumaba ako ng eroplano at hinintay ang bagahe ko sa baggage reclaim area. I can't wait to be with Vince again.



Sa halip kasi na isang buwan ay inabot ng mahigit dalawang buwan ang naging bakasyon ko. Dahil nang pabalik na ako ng Leyte, bigla namang nagyaya ang parents ko na pumunta ng New Zealand dahil sa anniversary ng mga ito. Isinabay na rin ang pagdalaw sa ilang mga kamag-anak na sa New Zealand na naninirahan.



Ilang saglit pa ay lulan na ako ng van na inarkila ko. Hindi na ako nag commute dahil ayoko na ngang matagalan sa daan. Atat na akong umuwi dahil ilang linggo nang hindi nagpaparamdam si Vince.



Ang huling text na natanggap ko mula kay Vince ay noong araw na paalis kami ng New Zealand. Hindi ko lang sure kung nagtext pa siya habang nasa ibang bansa kaming mag anak dahil hindi naka-roaming ang sim ko. Wala rin naman akong natanggap na reply mula sa kanya nang ichat ko siya. Inisip ko na lang na baka naging busy lang siya. O 'di kaya ay walang load. Naging busy na rin ako sa pamamasyal nang nasa New Zealand dahil sa sobrang ganda ng mga tanawin.



Bandang alas-singko na nang dumating ako sa proper ng Baybay. Tinulungan pa ako ng driver na ibaba ang mga gamit ko nang dumating kami sa bahay ng parents ko. "Salamat po," sabi ko sa driver nang maipasok na lahat ng mga gamit ko sa salas. 



Hindi ko mapigilang mapangiti nang ilibot ko ang mga mata ko sa loob ng bahay. It feels like he's finally home. Parang eksena sa pelikula na nag flashback ang mga moments namin ni Vince noon.



Dumiretso ako sa likod bahay para icheck ang mga tinanim naming ni Vince noon. At ganoon na lang ang tuwa ko nang makita kong namumulaklak na ang mga iyon. Bagamat may kataasan na rin ang mga damo, mas nangibabaw naman ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak na magkasama naming itinanim ni Vince noon. It was beautiful.



Babalik na sana ako sa loob ng bahay nang mahagip ng mga mata ko ang upuang gawa sa kahoy malapit sa gazebo at nakaharap sa mismong lake. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa upuang kasya ang dalawang tao. Buti ang kulay niyon. Wala sa sariling umupo ako at naisip kong para akong nasa eksena ng isa sa mga libro ni Nicholas Sparks.



Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ako sa loob ng bahay at saka binuksan ang maleta kung saan naroon ang mga chokolateng dala ko. Kumuha ako ng plastic at nilagyan iyon ng iba't ibang klase ng chocolates. Bago tuluyang lumabas ng bahay ay tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin. Well, I look happier.



Nagpasya akong lakarin na lang ang papunta kanila Vince dahil hindi naman na mainit. Sariwa rin ang hangin kaya masarap maglakad-lakad. Pagdating ko sa bahay nina Vince ay ang tatay-tatayan niya ang naabutan kong nakikipag-inuman sa mga kumpare niya sa harap ng bahay nila.

My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon