Kabanata 30

1.6M 39.8K 29.6K
                                    

mejo spg

---------------

Kabanata 30

Wa'g Mo Akong Tinutukso

Namanhid ang buong katawan ko pagkatapos niyang sabihin lahat ng iyon. Pakiramdam ko, nananaginip lang ako. Hindi ako makapaniwala. Kung naging invisible man ako sa mga tao for the past 19 years, wala na akong pakealam, basta may nakapansing Wade Rivas sakin ngayon. Pero kahit na sinabi niya na ng buong-buo sa akin, parang hindi parin ako makapaniwala.

Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap niya sakin. Buong akala ko ay papakawalan niya na ako pero nagkamali ako. Nilagay niya sa balikat ko ang braso niya at niyakap niya akong mas mahigpit.

"T-Tayo na ba?" Tanong ko.

"Kung papayag ka. Edi tayo na."

Napalunok ako, "Ako pa ngayon ang di papayag?"

Natahimik siya ng ilang sandali at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin.

"Magluto ka na lang muna."

"Huh?" Nilingon ko siya.

Nakita kong nakapikit siya. Ilang centimeter na lang ay mahahalikan niya na ang pisngi ko. Uminit agad ang pisngi ko at nanigas na naman sa posisyon naming dalawa.

"May sipon at ubo ako. Baka pag di ako makapagpigil mahahalikan kita. Tapos magkakasakit ka rin. Finals pa naman next week. Kaya sige na."

Di bale na lang na magkasakit ako, gusto rin kitang halikan, Wade. Shemay! Jusko! Naadik na yata ako sa kanya.

Tinignan ko ang labi niya. Dumilat siya at nadatnan akong nakaawang ang bibig at nakatingin sa labi niya. Kumalas na siya ng tuluyan.

"Ugh! Reina, sige na... Magluto ka na lang."

Hindi ako umalis sa kinauupuan ko.

"Reina, nagpipigil ako. Matagal na. Kaya wa'g mo akong bigyan ng rason para... ugh! Sige na, umalis ka na. Matutulog na muna ako." Lumayo siya ng bahagya sakin.

Gumapang ako sa kama para kapain ang noo niya. Titignan ko sana kung may lagnat pa ba siya.

"Shit! Reina!" Nanlaki ang mga mata niya at tinaas ang kamay kong dadapo sana sa noo niya.

Dahan-dahan niya akong hinalikan. Maiinit at passionate ang mga halik niya. Nahalikan niya na ako noon pero ang mga halik niyang ito ay bago. Marahan at nakakapanghina. Hinawakan niya ang chin ko.

"Sabing wa'g akong tinutukso." Bulong niya sa gitna ng paghahalikan namin.

Dahil wala pa akong ibang nahalikan, wala akong mapagkumparahan sa halik ni Wade. Nawala na ako sa sarili ko nang hinawakan niya ang gilid ng leeg ko. Sinubukan ko siyang yakapin pero nanghina ang braso ko, hindi na ito umabot sa balikat niya, hinaplos ko na lang ang braso niya pababa. Yung isang kamay ko naman ay nasa dibdib niya.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon