Kabanata 60

1.6M 33.6K 13.2K
                                    

Kabanata 60

Congratulations

Panay na lang ang pagiging busy ko sa paggawa ng gown ni Shan. Mabuti na lang at konting tahi na lang ay matatapos na ito. Buong araw ko iyong ginawa dahil alam ko namang wala si Wade. Simple lang din yung design kaya simpleng gawin. Yung mga cloth nga lang ay mejo mamahalin.

Naiirita din ako kina Liam dahil panay ang pagbabantay nila sakin. Kaya hindi na lang ako lumabas sa working room. Doon ko na lang ibinuhos yung buong araw ko.

"Ma'am, yung flowers po, kakarating lang." Sabi ng katulong namin.

Napatalon ako nang nakita ang mga flowers na galing kay Wade. Napalunok ako at halos matuyuan ng lalamunan dahil sa sinabi ng katulong.

"Manang..." Kinuha ko ang magagandang flowers at nilapag sa mesa sa tabi ko.

"Po?"

"Nasa baba pa ba sina Liam? O si Kuya Dash?"

Umiling siya, "Nagtatrabaho ang kuya Dash mo. Kaninang umaga pa umalis. Si Sir Noah at Sir Liam naman, umalis papunta daw ng Moon Records."

Bumuntong hininga ako. Thank God! Walang nakakita na may ibinigay si Wade na bulaklak sakin. Well, since hindi na counted si Rozen as epal saming dalawa.

Iniisip ko kung anong ginagawa ni Wade ngayon sa Cebu. Kumanta siya sa mall? At ano naman kayang talent ang ipapakita ni Shan? Ang alam ko, hosting at pag arte lang alam niya.

Binuksan ko ang TV. Hindi ako gaanong nanonood ng TV pero dahil masyado akong curious sa mga bali-balita lalo na yung sa showbiz, kinailangan kong manood.

Ilang sandali pa bago ako nakakita ng local showbiz news...

"Nakita, diumano, ang modelong si Zoey Santiago kagabi, papasok sa condo ni Wade Rivas."

Nilapit ko ang mukha ko sa TV. Ito yung nangyari kagabi! Nagkaroon pa ng clip doon na naka aviators si Shan habang iniilingan ang media.

"No comment, no comment..." Aniya sa mga pilit na nag iinterview sa kanya.

"Naiinis po kami sa Zoey na iyon. Alam niya namang may relasyon na yung tao, nanlalandi parin siya. Kawawa po si Shan." Sabi ng isang high school na babae nang ininterview sa TV.

"Hindi naapektuhan sa mga tsismis at panunuya si Zoey Santiago." Sabi ng reporter at ni-flash ang isang clip na nagpaparty si Zoey at nakangisi habang winawagayway yung engagement ring niya. "Ayaw ring magbigay ng komento ni Wade Rivas."

Nag flash sa screen ang mukha ni Wade na nakawayfarers papasok sa eroplano. Nakunan siguro ito kanina.

"Nag wawala na ang  Wade-Sha sa internet."

Nagflash din sa screen yung mga murang natanggap ng fanpage ni Zoey na pinamagatang - ZOEY SANTIAGO SULUTERANG ASWANG. Now, I'm not sure if that's a fan page! Hate page siguro?

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now