Kabanata 74

1.6M 36.8K 19.3K
                                    

Kabanata 74

Pink Balloons

Hindi naman talaga sinabi ng maayos ni mommy at daddy na papayag na sila samin ni Wade. Hindi nila nilinaw sakin. Ang alam ko lang ay gusto ng planuhin ni daddy yung wedding.

Nakaraan ang ilang araw, nagbalik din sa dati ang buhay pamilya ko. Trabaho silang lahat, ako naman mejo nag lie low muna sa Fashion Week. May nag offer ulit na magazine sakin na ifeature yung works ko. Though I doubt it kung dahil ba iyon nagustuhan nila o dahil mainit akong topic ngayon.

Hindi ako hinahayaan ni Wade na lumabas sa bahay. Siya na mismo nag pupunta sa bahay araw-araw para bisitahin ako. Ayaw niyang may mangyaring tulad nung sa mall.

Nanonood ako ng TV habang hinihintay ang pag dating niya. Isang linggo na ang nakakalipas pero hindi parin naiaalis sa mga balita ang tungkol kay Wade at Shan. Unti-unti na ring pumapasok sa kokote ng media ang kasinungalingang bumabalot sa 'relasyon' nilang dalawa.

May isang special report pa na nag hahayag ng mga clues tungkol sa katotohanan. Ipinakita yung mga clips ng pag deny ni Wade noong kasagsagan pa lang ng pagsikat niya at ni Shan.

May eksena doong may pinag uusapan si Zac at si Wade, sabay silang tumawa, kaya nang lumapit ang reporter kay Wade at nag tanong tungkol sa relasyon ni Wade at Shan.

"Wala... Wala..." Umiiling si Wade at umiilag sa camera pero tumatawa parin.

May kumento din doon ang reporter na ganyan talaga sa showbiz, madalas yung mga totoong relasyon ay tinatago.

Doon nagsimula ang lahat. Tuwing iniinterview si Shan, hindi naman siya nagsisinungaling, pero panigurado namang blooming at palaging nakangiti at nakabalandra ang dimple niya pag kaharap ang camera.

"May relasyon ba kayo ng vocalist ng Going South na si Wade Rivas?"

Hindi siya agad sumagot. Nakangisi lang siya at nagningning ang mga mata niya. Taas baba ang microphone niya na para bang nag aalinlangang sumagot.

"No comment..." Tumawa siya.

Sa tagal niyang sumagot, yun lang din pala yung mapapala ng mga tao.

Hindi siya nagsinungaling pero di niya naman sinabi ang totoo.

Nung unang nakita si Zoey na papasok sa condo ni Wade kasama ang isang matangkad na lalaki, si Mr. Manzano at ang isang P.A, pinakitang si Zoey lang naman talaga ang nasa picture. Pagkatapos noon ay nagpakita si Shan sa publiko na may malaking black aviators. Hindi siya ngumingiti at palaging mukhang pula ang ilong niya.

Nang inintriga at tinanong kung anong nangyari...

"We're okay... we're okay..." Pero naiiyak siyang sumasagot.

Aburido si Wade kasi hindi siya mahilig magpainterview. Nang na interview siya sa The Buzz ng isang beses at tinanong kung anong meron sa kanila ni Shan ay diretsahan ang sagot niya.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now