Excerpt

257 9 0
                                    

Umuulan. Dumidilim na ang paligid. Malamig. Basang-basa ako sa ulan at hinihintay ang lalaking hinahabol ko buong buhay ko. Nasaan na ba siya?


"Sagutin mo naman ako," Kinakausap ko na ang cellphone ko. Pinagtitingnan na rin ako ng mga tao ro'n. Iniisip siguro nilang nababaliw na ata ako..


Bigla namang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko 'yon. "Baby Boy nasaan ka na?" I asked him.


"I'm sorry 'di ako makakarating." At ganoon na lang ay wasak nanaman ang puso ko--hindi pala, matagal na pala iyong wasak!


Pero 'di ko pa rin maiwasang masaktan. Paulit-ulit na lang. Nagmumukha na akong tanga dahil sa kanya. Ang sakit kasi.. Ginawa ko ang lahat para sa kanya pero patuloy na lang akong nasasaktan.


Huli ko ng iyak ito. Huli na at bibitawan ko na siya.



"Oh? Ayan? Iiyak-iyak ka, kasalanan mo naman!" Sabi ng kaibigan kong nerd. Siya lang ata ang matalik kong kaibigan at hindi niya ako iniiwan. 


"Eh! Pa-fall! Hulog na naman ako! Ang gwapo eh!" Inis na inis na sabi ko.


"Alam mo, para matauhan ka, aaminin ko. Nakita ko 'yong Baby Boy mo na kasama 'yong ex niya. Nakita ko sila sa mall, may picture pa nga ako para proof." At hindi siya nagsisinungaling dahil nakita ko nga ang picture.


Napa-face palm na lang ako. "Sino ang pinaglalawayan mo? Ang pagkain o 'yong Baby Boy mo?" Tanong niya.


"Yong Baby Boy ko! Ang gwapo niya rito oh!" Kinikilig kong sabi na ikinainis ng kaibigan ko sabay batok sa akin.


"Tanga ka nga!" Napailing na lang ako.


"Mahal ko lang talaga."  Sagot ko.



"I still love you," Napatago ako sa likod ng malaking poste dahil narinig ko ang boses ni Francesca, ang ex ng Baby Boy ko.


Hindi ko alam kung bakit walang nagsalita. Out of curiosity, I catch a glimpse of what is happening which made my heart shattered into pieces.


Masakit kasi dahil nakikita ko ang lalaking mahal ko na nakikipaghalikan sa babae niya. I couldn't take the scene any longer. Lumabas ako sa pinagtataguan ko na ikinakuha ng atensyon ng dalawa.


He was looking at me intently. Hanggang sa 'di ko napigilan ang mga luhang nag-uunahang lumabas sa mga mata ko. Mabilis kong pinahiran iyon gamit ang aking kamay at tumakbo ako palayo sa kanila.


Oo tanga ako. Pero masakit pala talaga kung siya na ang sumampal ng katotohanan sa akin. "Lyza.." I heard him running after me.


Napaharap naman ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Ano?" Malamig na sabi ko.


"Mag-eexplain ako.." Agad niyang sabi.


"Para saan pa?" Malamig na sabi ko. Naiinis ako. Hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Bakit ba ako nagmahal sa isang taong 'di naman ako ang mamahalin? Nagpakatanga ako ng ilang beses para sa kanya pero masakit pa rin eh.


Bakit ang sarap magmahal pero sakit din ang dulot nito? Kaya pala 'Love will teach you a lesson' ang quote ni Hailey sa akin. Naiintindihan ko na kung bakit ganoon.


"Lyza, I didn't kiss her."


"Eh ano 'yon? Natisod siya tapos naghalikan kayo?" Inis na sabi ko.


"F*ck, no! She was the one who kissed me." Pag-eexplain niya. He was obviously trying to explain. I felt how tense he was.


"Eh ano naman pake ko? Noong isang araw nga, kasama mo siya habang nagpapakatanga akong naghintay sayo sa ilalim ng puno. I was soaking wet due to the heavy rain yet I managed to wait for you!"


"At the first place, did I even agree to see you?" Masakit ang sinabi niya sa akin.


"Sana naman pumunta ka! Hinintay kita ng matagal, that's how much I love you. Kasi kahit nasasaktan ako, ginagawa ko ang lahat para mahalin mo rin ako pabalik. Kahit konti lang naman. Bigyan mo naman ako ng konting pagmamahal.." I looked pathetic. I was crying ang begging at the same time.


"Lyza.." He was about to say something when I cut his words.


"I tried everything to have you. Kasi ganoon kita kamahal, pero nakakapagod na rin eh. Napapagod akong ako itong habol ng habol sayo habang wala kang ginagawa para karapat dapat nga ba ang pagmamahal na inilalaan ko sayo." Nasabi ko na rin.


I saw his eyes darkened at what I've said. "What did you say?" I saw his jaw clenched.


"Kakalimutan na kita."


He grinned. "Sige lang.. Kung kaya mo." Before I knew it, he claimed my lips as if he owned it.

Give Love[COMPLETE]Where stories live. Discover now