Chapter 2: Serenade

123 7 0
                                    

"Cancel ang plan B, proceed to Plan C!" Sabi ko sa mga kaibigan ko sa cellphone at hinarap ang sweetheart ko.


"Roger!" Sabi nila. Tumawag sila habang kaharap ko si Cliche. Alam niyo na, para makatakas ako sa kanya at para maangkin ko ang kwintas--'yon ang magiging way of communication namin, habang nasa akin 'yon, mapapalapit siya sa akin!


"Just give me that.." Sabi niya.


Pinasok ko ang kwintas niya sa loob ng uniform ko. "Kung kaya mo.." Sabi ko at umalis. Ang cute cute niyang pagtripan! "See you later!" Sabi ko sabay flying kiss. Ako na malandi!


"Malandi ka talaga.." Sabi ng mga kaibigan ko.


"Ako pa!"


"Susuko ka na ba?" Tanong ni Juhara sa akin.


"Nope. Sa ganda kong 'to? Dapat kailangan ko pang magpabongga!" Sabi ko sa kanila.




Naiinis ako dahil sa babaeng 'yon! Bukod sa kami ang hot topic buong araw ay kinuha niya pa ang importanteng kwintas ko! Nakakainis!


"Cliche!" Napatingin naman ako sa taong nasa likod ko.


"Hailee.." Sabi ko. She's a nerd and she's a friend--I mean, more than that.


"Balita kong may nagconfess ah! Si Elgrande! Maganda 'yon bro!" Sabi niya sabay akbay sa akin. Buti nga 'di kami talo ng isang 'to dahil magpinsan kami!


"She's dumb!"


"Ang sama mo!" Komento niya at lumayo sa akin.


"Kinuha niya ang kwintas ko." Inis na sabi ko. Bigla naman siyang sumeryoso.


"Ay! Mabuti 'yan para tuluyan ka ng makamove on sa Francesca mo!" Dumilim ang mga mata ko sa sinabi niya. "Pwede bang h'wag natin siyang pag-usapan?" Inis na sabi ko.


"K. Pero ikaw pala itong suot pa rin ng suot sa mga binigay niya." Sabi niya.


"She's still a part of me."


"Well, try to move on from her, hindi 'yong umaasa ka't babalik siya." Tama na man siya!




Palabas na sana ako ng school no'ng may humarang sa aking grupo ng mga babae. "You're coming with us!" Sabi ng isa at pinosas nila ako.


I silently cussed but I remained calm.


Give Love[COMPLETE]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα