Chapter 12: Official

90 6 0
                                    

Lyza's Pov:


Oo na! Ang assuming ko lang dahil inakala kong may nangyari sa amin. Hmph! Kasalanan niya!


Sana lang at mahulog siya.. Mahulog siya sa upuan niya! Kala niyo no! Kala niyong sasabihin kong mahulog siya sa akin no? Maiba naman tayo..


Months passed in a blur and I'm currently enrolled in College where Cliche is going to.


My course is HRM while he's in PolSci. Gusto niyang maging abogado at magaling naman siya ron. High School palang kami ay sinusuportahan ko na siya sa mga debate mapa-affirmative or negative side man. He always get the gold and I'm so proud of him!


About our relationship? May improvement naman kahit konti. Cold pa rin siya sa akin pero ngumingiti naman siya kapag nakikita ako--Charot!


Everyday, I am not afraid to fall for him even more. Kahit saktan niya ako, okay lang, mahal ko lang talaga siya.


Pero 'yon ang akala ko.. Dahil no'ng pumasok na siya sa College ay maraming nahumaling sa kanyang mga babae. Ang dami kong kaaway tuloy.


"Cliche--" I was about to call him pero naunahan na ako ng isang babae. She approached Cliche, Cliche smiled at her.


"Yes, George?" He asked. I felt jealous all of a sudden. Pati pangalan ang ganda. She's pretty! Ang damit naman niya ay sobrang simple at ang ganda niya! Ampotek! Magiging girl crush ko na nga siya pero kaagaw ko siya sa atensyon ni Cliche!


"Hi, Cliche! I'm Analiese, George's friend. I'm just asking if you're free tonight? May bar kasi ako and opening mamaya, why don't you come and enjoy with us? Don't worry, lahat naman libre coz it's the opening." Sabi no'ng Analiese.


"Yes, it will be fun if you're around!" George said sweetly.


"Baby boy!" Pumasok na ako sa eksena at hinalikan siya sa cheeks.


"Lyza." Maikling sabi niya.


"Oh hi.. Cliche, pakilala mo ko sa friends mo!" I told him. George smiled at me. Pati ang ngiti niya, 'di peke! Ampota! Natatakot ako, baka kasi magkagusto si Cliche kay Analiese o kaya naman kay George!


"Lyza," May halong diin na sabi niya.


"Oops, my bad! My Arrogant Man's not in the mood again! Anyway, akin na lang 'tong invitation. Thank you!" Hinila na niya ako paalis sa dalawa. "Hey, slowly please," I whispered. Lumingon ako sa dalawang babae, George just smiled at me.


Nandoon kami sa labas ng school at sa harap ng maraming tao pa talaga. "What the hell are you doing again, Lyza?" He asked me. Nagseselos lang naman ako dahil mahigit dalawang buwan ko siyang 'di nakita dahil nagbakasyon siya sa Satorini, Greece. Habang nasa Alaska naman ako pumunta!

Give Love[COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang