Coldest Ice Cream

66 0 0
                                    

Coldest Ice Cream

(Part of Sweetest Sorbet Compilations)

“Oh, eto na ‘yung pinabibili mo,” malamig at inis na sinabi sa’kin habang inaabot’yung ice cream na pinabili ko.

“SALAMAT!!” masaya kong sabi habang inaabot ‘yung ice cream.

Oo nga pala, si Hero’yung lalaki kanina. Tropa ko ‘yun. Minsan suplado, minsan mabait, minsan malakas ang trip at minsan hindi mabiro. Pero kadalasan sing-lamig niya ‘yung ice cream. Manhid kung minsan at walang pakialam sa mundo. Pero somehow, ang cool at mysterious niya. He always remains as a mystery. But he is like the coldest ice cream. He has freezing glares, cold smirks, and a frosted mystery that I wish will melt soon. And he was actually the one that unfroze my rock solid iced heart. He was very concerned even though it is not noticed at times. He shows that he is actually caring but to chosen people only. Teka, bakit panay english ‘to? Nosebleed na.

“Hoy,” tawag niya sa’kin.

“Ano?” sagot ko.

“Hindi ka pa ba bababa?”

Umiling ako.

“Cutting ka na,” sabi niya.

Breaktime kasi namin noon at nasa Biology lab ako. Wala namang napunta doon. TInatamad ako eh, kaya nga si Hero ang pinabili ko ng ice cream.

“Eh ikaw?” tanong ko.

“Magkacutting din.”

“Ganun naman pala eh.”

“Eh pero, baka pagalitan ka. Sanay na naman ako na nagkacutting eh ikaw, may inaalagaan kang studies. Ubusin mo na ‘yan tapos pumasok ka na.”

“Oh, bakit parang bigla kang concerned sa’kin?”

“Kasi ako lang pwedeng magstay dito sa lab.”

“Psshh...sige na po, bababa na ako.”

His little ways are always loved. I know he’s actually concerned to me but he doesn’t let me to see his real motive but thanks anyway. Salamat sa concern.

Nalate lang ako sa klase kanina, sabi ko masama ang pakiramdam ko. That’s all. Matapos ang three hours eh vacant na namin ulit. Hindi pa rin pumasok sa klase si Hero kaya inakyat ko na siya sa lab. Kaibigan ko si Hero kaya kahit papano eh concern ako sa kanya. Pero syempre may iba din akong motibo hehehe.

Umakyat ako sa Biology Lab. Nandun si Hero, tulog.

Lumapit ako sa kanya tsaka siya niyugyog.

“CAN YOU STOP SHAKING ME?” he yelled at me.

Hindi ata siya tulog.

“Bakit ‘di ka pumasok?”

“Pake mo ba! Tsaka masama ang pakiramdam ko.”

“Eh ‘di pumunta ka sa clinic.”

“Ibang sama ng pakiramdam. Masakit ang ulo ko because I’m confuse. Don’t bother me, go away.”

Confuse of what? Anong go away? Bakit may mood swings na naman ‘to? Bakit ganyan na naman ang ugali mo? Bakit ang dami kong tanong? Ang sama mo talaga. Ang hirap mo talagang mabasa Hero. You should live by your name, as a hero not as Juan Tamad.

Bumalik na ako sa room. Alam kong hindi ko siya mapipilit bumalik ng room. Mayaman ‘yun minsan eh, may pambili ng sariling mundo. Bwiset lang.

“Oh, nasan si Hero?” tanong ni Ara, katropa din namin.

Sweetest Sorbet Compilations  (Ice Cream Short Stories)Where stories live. Discover now