Orange Popsicle (1st Part)

21 0 0
                                    

Orange Popsicle (1st Part)

“Gusto mo libre kita?” tanong sa’kin ni Kyle.

“’Geh ba,” sagot ko naman.

Sinundan ko siya papunta sa may cafeteria. Tapos pumunta siya sa may freezer.

“Ice cream ulet?” tanong ko.

“Ayaw mo ba? Nililibre na nga kita eh,” sagot naman niya.

“Eh kasi nung huli mo akong nilibre, ice cream eh. Ngayon ice cream na naman, baka magka-diabetes naman ako niyan,” sabi ko.

“Eh ‘di ‘wag na,”

“Eh!! Joke lang hehe!! Eto naman hindi na mabiro! Syempre gusto ko!”

“Oh eto,”

Tapos inabutan niya ako ng isang cornetto.

“Salamat ^___________^,” sabi ko.

Tapos ‘di niya ako pinansin tapos tuloy tuloy na siyang naglakad palabas ng cafeteria. Tapos nakasalubong niya si Hero na tropa niya at iniwan na ako.

(A/N:Si Hero ‘yung sa first story.)

“HOY!!!” sigaw niya sa’kin.

“Oh?”

“Una na ako gerlprend hahahahaha!!” sigaw niya tapos tumakbo.

=_____________= ‘Di mo ako  gf noh! Batukan kaya kita.

Pero sana gf mo na lang ako ^^, kaso hindi eh. Crush ko ‘yang si Kyle eh. Simula noong naging kaklase ko siya noong second year eh lalo akong nahulog sa kanya. Ang bait niya kasi hahaha. Tsaka ang gwapo niya at lalo na ‘yung ngiti niya tapos napakasaya niya lagi at palatawa. Tuwing naririnig ko ‘yung tawa niya, parang nasa langit ako. Kaya kung mabibingi ako at papapiliin ako ng isang tunog na pwede kong marinig, tawa ni Kyle ang pipiliin ko.

Ang saya ko lagi tuwing tatawagin niya akong gerlprend. Ewan ko ba, kahit hindi totoo masaya pa rin ako. Alam kong parang tanga, kasi nagkukunwari akong totoo ‘yun kahit hindi. Pero masisisi mo ba ako, sana kasi totoo na lang ‘yun. Tuwing sasabihan niya ako ng i love you, i miss you, ang cute mo talaga, mahal talaga kita at kung ano ano pa, ang saya ko pero alam ko namang hindi totoo. Masakit kung tutuusin, kasi ilang beses ko ng hinihiling na hindi lang joke ‘yun at seryosohin niya pero at the end...ganun pa din eh. Wala namang magbabago. Tuwing ililibre niya ako, kahit ano pa man ‘yan...ang saya ko. Hindi ko kayang tanggihan eh. Kawawa naman ako, hanggang asa lang :|Hanggang pagpapanggap lang.

“Hoy,” tawag sa’kin ni Kyle.

“Anu na naman?” sagot ko.

“Gusto mo? Hati tayo..”

Tapos inabutan niya ako ng orange popsicle. ‘Yung dalawa ‘yung stick na hahatiin sa gitna.

“Sige Kyle!!”

Tapos kinuha ko na ‘yung popsicle at hinati sa gitna.

“Eh Kyle...”

“Oh?”

“Ayaw mahati  eh..”

“Ano ba ‘yan..ang dali lang niyan hatiin eh.”

Lumapit sa’kin si Kyle tapos kinuha ‘yung popsicle at hinati ang popsicle.

“Oh, sabi ko sa’yo Kyle.. hindi mahati.”

“Ano ba ‘yan, ang tigas naman kasi eh.”

“Pano ‘yan? Paano natin kakainin ‘yan?”

“Share na lang tayo sa isa hahahaha.”

“Hindi na natin hahatiin?”

“Tangek, ako na bahala.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweetest Sorbet Compilations  (Ice Cream Short Stories)Where stories live. Discover now