Vanilla on Sweet Cone (Teaser+ Story)

33 1 0
                                    

Teaser (A/N: But more likely a prologue XD)

Malamang kung may kapatid ka, mamatay ka na sa inis sa kanila tipong gustung gusto mo na sila patayin. Alam mo ‘yung nasabi mo na isang beses na sana wala na lang akong kapatid.

Lagi naman tayong ganyan, inaapi ng mga kapatid, inaaway, inaasar, iniinis.

Pero ‘di ba minsan masaya naman tayong kasama sila. Di ba minsan, nagpapasalamat tayong nandyan sila. Kahit hindi natin napapansin ‘yung kabaitan nila at mas umaangat ang masasama nilang ginagawa, ‘di ba mahal pa din natin sila.

Pero malupit talaga ang ate ko eh :( Pati ba naman ‘yung mahal ko kinuha niya sa’kin. Ayos na sana na inaaway niya ako lagi kaso ‘yung kunin ‘yung taong gusto ko, iba na ata ‘yan.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vanilla on Sweet Cone

“HOY GUMISING KA NA!! TANGHALI NA!! BWISET KA TALAGA! BUMANGON KA NA! ANG KUPAD KUPAD MO, ANG TAMAD TAMAD MO!! AYAW MO PANG BUMANGON! BAHALA KA DYANG BATUGAN KA! NAPAKAPASAWAY MO TALAGA! BWISET KA! LUMAYAS KA NA DITO KUNG AYAW MO PANG LUMAYAS DYAN SA HIGAAN MO!! BILISAN MO DYAN, NAKAKABWISET KA AT UMAGANG-UMAGA, NANGBIBWISET KA!!! BILISAN MO NGA AT PATI AKO NALELATE DAHIL SA’YO!!!”

*Hikab* Hay, ate ko nga pala ‘yun. Highblood na naman =__________________= As usual, dahil sa’kin. Lagi namang ganyan ‘yan, ang inet ng dugo sa’kin. Everyday routine na niyang pagalitan ako. Kulang na lang patayin niya ako. Lagi na lang akong inaaway niyan at inaapi. Hindi ko nga alam kung kapatid ba niya talaga ako o human punching bag lang niya at lahat ng sama ng loob niya sa mundo sa’kin nakatuon. Araw-araw niya akong pinapagalitan, sinusupladahan, sinasaktan, inaapi, inutus-utusan, at kung anu-ano pa. Nakalaleche no? Pero nasanay na rin ako sa araw-araw sa’king pang-aapi. Iniisip ko na lang, ako si Cinderella at nasa loob ako ng sarili kong teleserye at balang araw ililigtas din ako ng prinsipe ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

Kaso ‘yung prinsipe ko, boyfriend ni ate :(

Oh, ‘wag niyong isipin na ako ang masama sa istorya at aagawin ko ang boyfriend ni ate. Sa totoo lang, ako ‘yung unang nagkagusto sa kanya. Nagulat na lang ako na naunahan na ako ni ate.

Sige papasok na ako. Ayokong marinig ‘yung nakakairitang boses ni ate. Paglabas ko, nandun ‘yung boyfriend ni ate, si kuya Mike :”>

“Good morning kuya Mike,” bati ko pag labas ko.

“Good morning din, ate mo?” tanong niya.

“Nasa loob pa po, susunduin niyo po?”

“Oo eh,”

“Ah, ganun po ba. Sige mauuna na po ako.”

Sana ako na lang ang sinusundo mo lagi. Hindi pa kita paghihintayin! Hindi ko nga alam kung mahal ka ba talaga ni ate.

Two years lang ang tanda sa’kin ni ate. Sa ngayon, 1st year college siya at ako naman 3rd year highschool. Naging sila noong 2nd year ako at 4th year sila. Doon ko din unang nakilala si kuya Mike. Practice noon nila ate para sa isang sayaw at kagroup nga niya sa sayaw na ‘yun si kuya Mike. Sumama ako sa practice nila. Doon ko unang nagustuhan si kuya Mike. Shemay, para siyang anghel. Ang bait niya tapos genteman pa tapos ang gwapo gwapo pa!! Nakaka-inlove lang eh! Nakatunganga lang ako sa practice nila dahil wala naman akong masyadong kilala noon dun dahil nga panay mga kaklase lang ni ate ang nandun. Tapos bigla niya akong nilapitan at binigyan ng soft vanilla ice cream na nasa vanilla cone (A/N:Imaginin niyo ‘yung ice cream sa ministop na tig-15 XD) Nakangiti pa siya habang inaabot ‘yung ice cream. Pag-abot ko ng ice cream, nahawakan ko ‘yung kamay niya :”> It was official, gusto ko na nga talaga siya. That guy has a heart as white as a vanilla ice cream and whose personality was as sweet as a sweet cone. A guy whose perfectly comparable to a vanilla on sweet cone.

Sweetest Sorbet Compilations  (Ice Cream Short Stories)Where stories live. Discover now