Kabanata X

327K 9.9K 3.5K
                                    

HINDI pinatulog ng halik na iyon si Perisha. Dinaig niya pa ang naka-droga dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata niya kinabukasan. Bangenge siya at wala siya sa sarili.


'Wala ako sa sarili ko kasi nakay Kaden ako, ahihi.'


Bumaba siya ng hagdan at tumungo sa kusina. Pati sa pagkain ay kakaiba siya. Halos hindi niya nginuya ang pagkain, hindi rin siya naghugas ng plato kaya banas na banas sa kanya si Cross. Pero wala siyang pakialam.


Ang pakialam niya ay nakay Kaden Gablin Vox. Sinundan niya ito sa study room kinahapunan.


Feeling niya ay MU na sila. May mutual understanding na kahit hindi pa siya nito love. To the point na pumayag ito na mahalin siya ay oks na oks na. Ang saya-saya niya.


Papasok siya sa university sa Monday na inspirado. At magpapalit na siya ng status sa Facebook pagkabalik niya ng Manila. Una muna ay 'it's complicated', kalaunan ay mag-i-'in a relationship' na siya. Dahil ano pa ba ang kakahinatnan nila ni Kaden kapag mahal na nila ang isat-isa? 'Di ba magiging magjowa na sila?


Kilig na kilig siya sa mga naiisip. Hindi niya akalaing dadating siya sa ganito. Hindi niya inaasahan na mauuwi sa ganito ang feelings niya. Ayaw niya nang mag-isip ng kung anu-ano, ayaw niyang maging komplikado pa ang lahat, basta ang mahalaga ngayon ay masaya siya.


Wala rin siyang pakialam kahit mas matanda ito sa kanya. Hindi naman ito mukhang matanda. Ang mismong tatay nga nito na si Helios ay mapagkakamalang kapatid lang nito, si Kaden pa kaya? Mahiwaga ang pagiging baby face ng mga Vox. Wala siyang dapat alalahanin kundi ang pag-ibig na tumitibok sa puso niya.


"Ako ang magiging unang girlfriend niya," proud siya sa nalamang never pang nagka-girlfirend si Kaden.


Hindi malabo iyon dahil sa tagal niya sa poder ng mga Vox ay wala pang babaeng nakakatungtong doon. Si Lourd ay nababalitaan niyang may girlfriend sa ibang bansa, kahit walang ebidensiya na meron ay kahit paano ay naniniwala siya sa chismis ni Cross. 


Si Cross naman ay obvious na kaliwat-kanan ang chicks. Never itong nagseryoso sa buhay. 


At ang guwapo at batang-batang daddy ng triplets ay kahit hindi mahilig sa babae, syempre ay malamang na hindi na virgin. Naka-triplets na nga e.


Sa lahat ng lalaki sa mansiyon ay si Kaden ang virgin.


Napahagikhik siya sa naisip. Quits lang naman sila.


'Paano ka nakakasiguro na virgin pa iyon? Tanda na non!' Naiinis siya sa kontra-bidang parte ng utak niya.


So kung hindi na ito virgin? Ang importante ay single ito.


Saka bakit ba tungkol sa virginity ni Kaden ang poproblemahin niya? 


"Hi!" Tuloy-tuloy siyang pumasok sa study room.


Nag-angat ng paningin ang lalaki mula sa binabasang mala-encyclopedia sa kapal na mga papeles.

Fall For YouWhere stories live. Discover now