Kabanata XIII

285K 9.1K 1.6K
                                    

WALA si Lourd. Umalis daw sabi ni Cross, kaya kahit ayaw nito ay ito ang magbabantay kay Lucia.


Kating-kati si Perisha na sumilip sa kuwarto ni Lucia dahil kanina pa siya nakakarinig ng lagabog mula ron. 


Parang nagbubugbugan yata sina Lucia at Cross.


Hinintay niyang umalis si Kaden para maligo, saka siya sumalisi sa terrace. May nakaharang na malaking kurtina na kulay itim sa glass door kaya hindi niya masilip ang loob ng kuwarto.


"Ano kayang ginagawa nila?" Napangiti siya nang makitang hindi naka-lock ang glass door. Marahan niya iyong binuksan saka niya hinawi ang kurtina na napakakapal pala.


Nakita niya na nakapamewang si Cross habang nakaharap sa kama kung saan nakahiga si Lucia. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakagapos ang babae sa magkakabilang kanto ng kama!


Iginapos ito ni Cross?!


"You're ungentleman, you know that?" Malambing na sabi ni Lucia. Lumiliyad-liyad ito sa kama. Ibinuka pa nito ang mga hita. Isang manipis na kamison ang suot ng babae.


Mukhang galit ito sa bra dahil hindi ito nagba-bra.


'O baka hindi kasya sa kanya ang mga bra ko?'  Masyado kasing malaki ang boobs ni Lucia kumpara sa kanya. Hindi sila magkasukat.


Tinakpan ni Cross ng kumot ang katawan nito. "'Wag ka ng magtangka na akitin ako dahil hindi ako naaakit sa'yo! You are not my type, bitch."


"Oh, ouch..." Humagikhik ito. Hindi naman mukhang offended.


"Hindi babae ang tingin ko sa'yo, mukha kang sawa!"


Grabe! Ang sama ni Cross! Ang ganda-ganda ni Lucia 'tapos ginaganon niya. Nakaramdam ng inis si Perisha para kay Cross.


"Call Tres, please! I want him here!"


"Alam mo kung nasaan sa Third, 'wag kang magmaang-maangan diyan, hitad ka!"


"Oh, I forgot that it's the third full moon of the year and Lourd is in heat." Muling tumawa na parang baliw si Lucia. "Oh, bad... dapat dito na lang siya. Matutulungan ko naman siya sa problema niya, e..."


"I thought you like Kaden?"


Natigilan siya sa narinig. Higit lalo nang makita niya ang paguhit ng ngiti sa mga labi ni Lucia. Parang biglang huminto ang pagpintig ng puso niya.


May gusto—no – may feelings si Lucia kay Kaden!


"So bakit si Lourd ang hinahanap mo?" Nakataas ang isa sa makakapal na kilay ni Cross nang tanungin muli ang babaeng nakagapos sa kama.


Fall For YouWhere stories live. Discover now