Kabanata XVII

286K 8.7K 1.2K
                                    

HUMIHINGAL na naghiwalay ang mga labi nilang dalawa.


Hindi man natuloy ang kagabi na dapat sana ay mangyayari—mukha namang balak ni Kaden na ituloy iyon ngayon.


Pagkapasok na pagkapasok sa kuwarto matapos ang dinner ay sinunggaban agad siya ni Kaden. Hinalikan siya nang mariin na halos ika-kapos ng kanyang paghinga. Ang mga kamay nito ang nasa likuran niya, sa loob ng suot niyang bestida.


Nang akmang bababa na sa garter ng suot niyang panty ang mga kamay nito ay agad iyong pinigilan ni Perisha. "Sandali!"


"Why?" Paanas na tanong nito sabay mahinang kagat sa kanyang dibdib na natatakpan pa ng tela ng suot niyang damit.


Napaungol siya. Kahit may suot pa siya ay tumatagos ang init ng mga labi ni Kaden sa tela ng damit niya. "K-Kaden... hindi puwede..."


"But why? Hmn..." nakahanda na itong ibaba ang panloob niya. "Let's do it... please?"


Bakit bigla yatang naging mahilig itong si Kaden?


Kaninang umaga pagkagising ay uungot-ungot ito sa kanya na sabay daw silang maligong dalawa. E kaso naramdaman na ni Perisha na paparating ang kanyang dalaw kaya tumanggi siya. Paglabas naman niya ng banyo ay niyakap na naman nito at pinapak ang leeg at dibdib niya.


In fairness kay Kaden, hindi ito na-turn off sa kanyang 'mini boobs'. Sa katunayan ay mukhang naaaliw pa ito. Gigil na gigil ito na halos di na siya pagsuutin ng bra.


Ilang ulit na muntik may mangyari sa kanila, 'kaso mayat-maya itong kinakatok ng mga kapatid nito. Mayat-maya ang meeting ng Vox boys.


Ang hirap naman nitong sawayin. Ayaw rin naman niyang biguin si Kaden.


Pumasok ang mga palad nito sa loob ng panty niya at dinakma ang pisngi ng kanyang puwitan. Napaliyad si Perisha.


"Hmn... so firm..." dinilaan ni Kaden ang kanyang leeg.


Nang maramdaman niya na gagawi na ang mga kamay ng lalaki sa kanyang gitna ay napadilat siya, sabay ng paghinto ng mga kamay nito. Tulala itong napatitig sa kanya.


"S-sorry..." namumula siya. Iyon ang dapat kanina niya pa sinabi. "M-meron ako..."


Napapalatak ito saka lumayo sa kanya. "Shit."


"Sorry talaga..."


Bigla siya nitong binuhat at ihiniga sa kama. "Matulog ka na." Ngumiti ito. "I'm okay... don't worry about me."


"P-pero..." Pang-ilang beses ng epic failed ang supposed-to-be 'loving-loving' nila.


"I'm okay..." at tulad ng parati ay iyon ang linya ni Kaden. Kahit pa kita sa mukha nito na hindi talaga ito okay.


Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon