Kabanata XIV

281K 9.6K 502
                                    

PUMALAG si Perisha mula sa pagkakayakap ng matitigas na braso sa katawan niya. Subalit higit na mas malakas ito.


Natigilan siya sa panlalaban. Kilala niya ang amoy nito. Maging ang mainit na hininga. He smelled sweet and very manly.


Humiwalay ang mga labi nito sa kanya. "I had to do that..." anas nito sa kanyang bibig.


Dahan-dahang lumuwag ang pagkakayapos nito sa kanya. Idinikit siya nito sa dingding. Ang mainit na katawan nito ay nakadagan sa kanya.


"K-Kaden..."


"You shouldn't be here." Kahit mahina ay ramdam niya ang tigas sa boses nito. "'Wag kang maingay and do not move, please."


"P-pero nakita ko kasi si—"


Hindi niya na natapos ang pagsasalita dahil binuhat na siya nito. Napapikit na lamang siya at napakapit sa malapad na balikat ng binata.


Pagdilat ng mga mata niya ay nasa likuran na sila ng mansyon. Hindi niya alam kung paanong sa isang iglap ay nakalabas na sila sa basement.


Hindi pa rin siya nito binibaba, hanggang sa loob ng mansyon ay karga-karga siya nito.


Wala na siyang nagawa kundi yumakap na lang sa leeg ni Kaden habang nakahilig siya sa matigas nitong dibdib. Dinig na dinig niya ang mabilis at malakas na pintig ng puso nito.


Bakit ganito ang tibok ng puso nito? Parang may kinatatakutan ito.


Parang kinakabahan...


"Kaden?"


Napalingon si Perisha sa gulat na boses ng isang babae. Nakatayo si Lucia sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Kaden. Nakatitig ito sa kanya, she looked like she wanted to hit her. It was obvious that Lucia was jealous of her!


Gumuhit ang kirot sa dibdib niya ng maalala ang narinig niyang pag-uusap ni Lucia at ni Cross kanina.


Lucia was in love—madly in love with Kaden. At base sa narinig niya kanina ay posibleng may nakaraan ang dalawa.


Napakaganda ni Lucia, wala siya sa kalingkingan man lang nito. Ang isipin na hindi lang pala siya ang babae sa buhay ng mga Vox ay tila nais niyang madurog.


Sa kilos at pananalita ni Lucia ay tila malaki ang kaugnayan nito sa triplets. Mas malalim na kaugnayan... hindi tulad niya na sampid lang sa buhay ng mga ito.


"Get of our way, Lucia," malamig na utos ni Kaden sa natulalang babae.


Nakaawang ang malarosas na mga labi, namumula ang makinis at kulay labanos na mga pisngi habang nakatingin sa kanila.


Fall For YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя