Chapter 32

437 19 3
                                    

<---------------------------- VOTE kung di pa kayo nakakapagvote , Kamsahamnida Chingus!

                           Salamat sa mga readers na walang sawang sumusuporta sa storyang ito. Dedicated ito sayo.

 LOAD THE SONG ON THE SIDE. MAMAYA NIYO NA IPLAY PAG SINABI KO NA.

[KAI's POV]

                 Nagtalo si Arisha at yung Boypren niyang manloloko! Tssk! Sana ako nalang Arisha, 'di ka masasaktan. Parang walang respeto nga eh, hinila pa si Arisha palabas.

"Uy Kai?" napalingon ako at napatigil sa kaiiisip, kasi naman itong pinsan kong MANLOLOKO din. Mabuti nalang mahal ko ito. Uyp! Don't get the wrong Idea, mahal ko siya bilang pinsan kaya nirerespto ko siya.

 "Uy! Ikaw pala..." nagkaroon ng saglit na katahimkan na bumabalot sa amin. Napapansin na rin siguro siyang masyado ng complicated ang sitwasyon.

Nagulat nalang ako ng biglang yumakap siya sa akin at umiyak. 

"Kai, 'di ko na kaya." tapos nun, bigla na siyang humagulhol ng iyak

"Naiiintindihan kita Yuri. Nag-aalala ako sayo pati na rin kay Arisha. Kapag madiskobrihan niya na niloloko niyo lang siya ay siguradong masasaktan yun at ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan kasi nasasaktan din ako. Masakit 'pag nakita mo iyong mahal mo na nasasaktan." direretso kong sabi sa kanya na 'di ko na namalayan na nasabi ko ng mahal ko si Arisha. Putakteng palaka.

"Mahal mo si Arisha?" diresto niyang tanong

                               Bigla nalang nag init iyong mukha ko.

"Favor naman oh. Paibigin mo si Arisha sa iyo." napatingin ako sa kanya

"Yuri, mali naman ata yang pamamaraan mo. Hindi ko maaaring pilitin si Arisha na mahalin ako. Mahal niya si Luhan. Hindi ko dapat ipagkait sa kanya ang kaligayahan niya." pagdadahilan ko

"Eh anong gusto mong gawin ko?! Teka, madali lang bang mahalin si Arisha?" tanong niya

My Extraordinary LovestoryWhere stories live. Discover now