Chapter 35

389 18 6
                                    

<----------------------------------- VOTE kung di pa kayo nakakapag vote and please leave comments Thank you :))

Dedicated kay ChraissleAisleDelaCr . Eto na yung request mo :)

Thank you for reading MEL,

[T H I R D P E R S O N' s P O V ]

"Luhan, I love you" hinalikan ako ni Yuri, pero naitulak ko siya

"No Yuri, stop it. Di na tama ito." pagdadahilan ko

"Kasi iba na mahal mo?Pero Luhan! Sabi mo sakin ka babalik. Alam mo ba kung gaano kasakit ang makita kang masaya kay Arisha?! Bwisit lang, sana nung una pa lang tinigil mo na iyan." sumbat ni Yuri kay Luhan

"Yuri, I loved you. Pero hindi ko na alam ngayon. Akala ko ikaw lang mamahalin ko pero nagkamali ako. Arisha helped me realized na I'm risking something na hindi na pala sakin. I'm ending this Yuri. Itigil na natin. Marami ng nasasaktan!" paliwanag ni Arisha

"This is bullshit Luhan! You promised me! You promised me na sa akin ka babalik?! Pero anong nangyari. You broke that promise Luhan." bigla nalang humagulgol ng iyak

"Pwe...pwede pa namang maging tayo ulit. Na parang walang nangyari. Lu...luhan please come back to me. I need you." patuloy parin sa pag iyak si Yuri

"Sorry Yuri, pero itong puso ko, hindi na ikaw ang dahilan ng pagtibok nito. Ayusin natin buhay natin Yuri. Aalis ako dito, magbabakasyon ako. Gusto ko pag bumalik ako rito, wala na akong dapat pang alalahanin. You need a vacation too." pagsusuggest ni Luhan

"S..so that's it? It's all over? Pagkatapos ng lahat?" napabuntong hininga si Yuri. Yumakap si Yuri kay Luhan.

"Sana maging masaya ka Luhan sa piling ni Arisha. Mabait siya, wag na wag mo siyang sasaktan. Aayusin ko na buhay ko at pagbalik ko sisiguraduhin kong hindi na kita mahal." ngumiti ng pilit si Yuri

"Salamat Yuri."

---------------

Party lights everywhere. Tequilas everywhere. Dirty music is playing.

"Tama na iyan Yuri. Nakakasampung baso kana nitong tequila. Alam mo hindi mo makakalimutan lahat kung iiinom mo lang." kanina pa pinipigilan ni Kai si Yuri sa kakainom. Take note 

"Ugh! Kuya another glass please. Parang *hik* hindi naman ata *hik* nakakalasing alak niyo dito. " sabi ni Yuri, pero halata namang lasing na siya

"Kuya, wag mo na siyang bigyan. Iuuwi ko na ito." sabi ni Luhan pero sumabat si Yuri

"Shut *hik* Up Kai. Kuya, bigyan *hik* mo na ako." sabi ni Yuri

"Ano ba Yuri!! Akala mo ba makakatulong iyang paglalasing mo? Sa tingin mo 'pag naubos mo lahat ng alak dito, babalik si Luhan sayo?! You're so immature!!" sumbat ni Kai. Bigla nalang napaiyak si Yuri

"Bakit ganun Kai? Ang sakit. Tang*na. Parang gusto ko ng mamatay.Gusto ko siyang kalimutan. Pero hindi ko kaya," patuloy parin ito sa pag iyak.

"Alam mo, kapag sinusubukan mong kalimutan ang isang taong mahal mo ay gaya ng gusto mong matandaan ang isang taong hindi mo pa nakikilala." tumaas ang kilay ni Yuri

"Pero, bakit ikaw? Diba mahal mo si Arisha? Bakit ganun, parang wala lang sayo at bakit nakukuha mo paring ngumiti?" tanong niya kay Kai, and Kai smiled

"Ngumingiti ako na parang wala lang nangyari, na parang hindi ako nasasaktan, na okay lang ang lahat. Pero alam mo, yung ngiting pinapakita ko, iyon ang kabaliktaran kung ano ang nararamdaman ko. You don't really know how it hurts. Maybe I don't cry but it hurts like hell" napahanga si Yuri sa pinsan niyang si Kai. Ngumiti si Yuri habang umiiyak parin.

"Salamat Kai, aayusin ko na buhay ko. Pero dapat magkaayos muna kami ni Yoona. So that I can bring her to dad at para matupad ko na ang pangako ko sa kanya." 

--------------

"Mabuti naman at naisugod agad sa ospital si Christian. Salamat Arisha." tugon ni Christa

"No ate, gusto ko lang magsorry. Kung hindi ko lang siya pinayagang maglakad, di sana nangyari ito." paghihingi ng umanhin ni Arisha

"No, it's okay."

"Christian kumain ka na." pag ooffer ni Arisha sa kanya

"Sa bahay nalang ako kakain. Gusto ko ng umuwi." aniya

"No, kumain ka para lumakas ka." pagpupumilit ni Christian

"'Pag kumain ba ako, mawawala ba sakit ko?" malumanay lang ang pagkakasabi nun pero may gustong ipahiwatig si Christian.

"Ano kaba, magiging okay din ang lahat. 'Wag kang mag alala. Kaya mo iyan." aniya ni Arisha para bigyan ng lakas ng loob si Christian

"Sinasabi mo bang magiging okay ang lahat? Na parang magic lang na mawawala bigla itong sakit ko?" Bigla umiyak si Christian at niyakap ito ni Arisha

"Shhh! Tama na." aniya

"Di ko na kaya, parang unti unti na akong nilalamon ng sakit ko." patuloy parin ito sa pag iyak umiiyak narin ang ate niya pati narin si Arisha

"Kaya mo yan okay? ANdito lang kami para sa iyo." aniya at hinalikan siya ni Christian

-------------

"Oo sa room na iyan. Iyan ang room ni Christian." aniya ng isang janitor sa ospital. Pero ganun nalang ang gulat niya ng makitang hinalikan ni Christian si Arisha

"A..arisha?" 

My Extraordinary LovestoryWhere stories live. Discover now