Chapter 34

402 20 3
                                    

<----------------------------------- VOTE kung di pa kayo nakakapag vote and please leave comments Thank you :))

Simula ngayon third person na ang POV natin ha. Para mas madali makapagpalit ng POV. Yey! Haha. Bwiset..

[T H I R D P E R S O N' s P O V ]

 NAgising si Arisha dahil sa  tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Christian.

"Hi Arisha, nagising ba kita? Pasensya sobrang aga kong tumawag ha. Gusto ko lang talaga kitang makasama. Pwede ka ba ngayon? Pasyal tayo." tuloy tuloy na sabi ni Christian

"Bakit naman kita tatanggihan. Oo pwede ako ngayon, wala naman akong lakad tsaka bakante ako ngayon." sabi ni Arisha na halatang bagong gising pa

"Susunduin na kita, papunta na ako sa inyo." lumaki ang mata ni Arisha sa sinabi ni christian.

"Wait! Papunta kana? Teka, maliligo pa ako." nagmamadaling inaayos ni Arisha ang higaan niya.

"Okay lang sakin kung may mota kapa pagdating ko diyan. O kaya panis pa laway mo. Kasi payag akong singbaho ng tambak na basura makasama kalang." tumawa si Christian ng bahagya pero yung tawang nacocornihan? Basta yun.

"Gusto mong masapak? Ayokong makita mo ako ng may mota. Teka, maliligo muna ako. Bye." tinapos na ni Arisha ang call

------------------------

"Maha---- *toot* *toot*"  gusto sanang sabihin ni Christian na mahal niya si Arisha pero biglang napatay iyong tawag. Napabuntong hininga si Christian. Napahawak si Christian sa dibdib niya. Kumikirot na naman ito. Madalas ng sumasakit ang dibdib niya. Ayaw niyang pumunta sa doctor kasi takot siya na marinig na konti nalang ang itatagal niya sa mundong ito.

"Sana may gamot pa ang sakit ko. Pero anong magagawa ko kung di kayang gamutin ng doctor ang sakit ko? Alam kong kaya nila akong operahan pero babalik at babalik parin ito dahil nasa dugo ko ito. Sana tumagal pa ako kahit ilang buwan lang. Gustong gusto kitang makasama." napabuntong hininga ulit siya. 

Nakarating na si Christian sa bahay nila ni Arisha. Pinagbuksan siya ng daddy ni Arisha. Nabigla ito sa pagbisita kasi matagal ding nawala si Christian. Kilala nila ito sapagkat madalas bumibista si Christian sa bahay nila.

"Iho? Kailan ka pa dumating? Okay ka na ba?" sunod sunod na tanong ng daddy ni Arisha.

"Tito, nung isang araw pa po. Yung sakit ko po? Hindi na po iyon mawawala kaya bumalik nalang ako dito para sulitin ang natitirang araw ko kasama si Arisha. Gusto ko pong iparamdam sa kanya na mahal ko siya." alam ng daddy ni Arisha kung bakit umalis si Christian, dahil iyon sa kailangan niyang magpagamot. Tinapik ni Adam ( daddy ni Arisha ) iyong balikat ni Christian.

"Pasok ka na iho." pinapasok ni Adam si Christian sa loob ng bahay nila. Pagkalipas ng ilang minuto naabutan ni Arisha si Christian sa may sala at tinatanong ng kung anu ano ng daddy niya.

"Dad, stop asking questions." sabi ni Arisha.

"Wag ka ngang OA Arisha. Duh?!" ayan na naman ang mama niya. Well let me change it. Step-Mother. Ang laging sumusingit kay Arisha.

"Ayan na pala Princessa mo iho. Ingatan mo siya ha." tinapik ni Adam si Christian sa likod

"Opo Tito. I won't let anything hurt her." tapos ngumiti si Chrsitian kay Arisha

"Tayo na?" tanong ni Arisha. Hinawakan ni Christian ang kamay ni Arisha at lumabas na ng bahay. Papunta na sana si Arisha sa kotse ni Christian pero pinigilan niya ito.

"Wag kang sumakay diyan. Gusto kong maglakad, parang ang bilis lang kasi 'pag nakakotse. Syempre gusto kitang makasama ng matagal." pagpapaliwanag ni Christian

"P.. pero? Sakit mo?" christian frowned.

"Pwede ba kung magkasama tayo, wag mong babanggitin na may sakit ako. Lalo akong nawawalan ng pag asa niyan eh." nagsimula na silang maglakad

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Arisha at ngumiti si Christian

"Kahit saan basta kasama lang kita. Sapat na sakin iyon." ngitingiting sabi ni Christian. Bakas sa mukha ni christian na masaya talaga siya. Bigla uminit ang pisngi ni Arisha. Siguro dahil natinag lang siya sa sinabi ni Christian. Randam na ramdam kasi niya ang sinciridad nito.

"Arisha..." napalingon silang dalawa sa nagsalita.

----------

"Kaw pala. Anong ginagawa mo rito?" sabi ni Arisha na halatang galit

 "Pwede ba kitang makausap?" tanong ni Luhan

"Arisha , sino siya?" sumabat si Christian sa usapan

"Uh, old friend?" pagsisinungaling niya

"I'm his boyfriend." diretsong tugon ni Luhan. Nalaglag ang panga ni Arisha sa sinabi ni Luhan pati narin si Christian.

"Wait! What are you saying?!" tarantang tanong ni Arisha. Biglang napakapit si Christian sa dibdib niya. Sumasakit na naman ito.

"Una na ako. Baka nakakadistorbo lang ako sa inyo."  sabi ni Christian at nagsimula ng maglakad hirap na itong huminga.

"No, christian I'll come with you." pupuntahan na sana ni Arisha si Christian pero hinila ni Luhan si Arisha dahilan para magkahalikan ang dalawa. Saktong sakto sa paglingon ni Christian. 

*Boogsh*

"CHRISTIAN!!" nagmadaling pumunta sa kung saan natumba si Christian. Tinulungan ni Luhan si Arisha na madala si Christian sa ospital.

"Kasalanan mo ito! Kung hindi ka lang sana dumating. Hindi mangyayari ito." may namumuong luha na sa mga mata ni Arisha.

"Nahimatay lang naman yan. pssh!" inis na dahilan ni Luhan

"Shut up Luhan! Christian has a heart disease! You don't understand!!" nasugod na sa ospital si Christian. Mabuti nalang at nasugod kaagad. Nung medyo huminahon na si Arisha nagsalita si Luhan

"Arisha, pwede ba kitang makausap?" tumango si Arisha.

"Sige na magsalita ka na habang hindi pa gumigising si Christian." 

"Look, Arisha I'm sorry. I'm sorry for lying, sorry for everything. Noong una, I really don't care kung sino ang masasaktan ko kasi sa kadahilanang gusto kong mabalik si Yuri sakin at protektahan ang pamilya ko. I'm a member of a fraternity at kaya nilang pumatay. Pero nung tumatagal ayoko ng saktan ka. Gusto ko ng itigil dahil ayoko na. Takot akong masaktan ka. May importansya ka na sakin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sayo. Pareho kayo ni Yuri na importante sakin. Pero kanina, narealize kong mas matimbang ka. Arisha I fell for you. Mahal na kita."

"Papatawarin kita Luhan, pero di pa ngayon. Masakit pa. " sabi ni Arisha.

"Can I win your trust?" napatingin si Arisha kay Luhan dahil sa sinabi nito.

"What do you mean?"

"Can I court you again? I'll promise I'll do anything to win you back."

"Si Christian. Kailangan ko siyang samahan. Gusto ko siyang pasayahin. Iyon ang gusto ng ate niya. Konti nalang ang itatagal niya Luhan. Sana maintindihan mo ako. "

"Pero, pag dumating ang araw na iyon. Babalik ka ba sakin?" tanong ni Luhan

"I.. I don't know." Nasaktan si Arisha ng sobra. Ayaw na niyang magtiwala.

--------------

My Extraordinary LovestoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora