Chapter 3

228 6 0
                                    

Chapter 3

Another earth


I still don't know what this guy up to me. I don't recognize the place where we are right now. Kung kinidmap man ako ng isang 'to ay wala akong pang-ransom sa kanya. No one would ever do that. Pero kakaiba lang dahil hindi ako nakagapos o hindi niya ako sinaktan, like the usual kidnappers. Kinuha niya lang iyong phone ko kaya hindi rin ako makabalik sa coffee shop, kung saan niya ako hinatak na lang ng bigla.

Nakakaloka din pala! Pero infairness, hindi ko maitatangging may histura ang isang 'to. 'Yon nga lang ay may pagkamasama ang ugali. O baka sa tingin ko lang iyon.

Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, matapos kasing magkaroon ng fast paced of time kanina ay napaupo na lang din ako sa isang tabi at kinukondisyon ang sarili dahil sa pagkahilo.

"Teka nga!" tawag ko dito, sinubukan ko namang tumayo pero bumalik din kaagad ako sa kinauupuan ko dahil pakiramdam ko ay babagsak na lang ako. "Ano ba kasing kailangan mo sa akin? Bwisit ka rin! Hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako!"

Nilingon naman ako nito, nakataas ang kanyang kilay at tiningnan ako.

"It's part of the time shift, you have to deal with it." Aniya saka muli akong tinalikuran.

Bastos na 'to.

"Can you explain me what is time shift?" mataray ko pang tanong sa kanya.

Muli naman niya akong hinarap at siya'y humalukipkip. Naglakad naman siya palapit sa akin. Medyo mabigla pa ako dahil hindi ko talaga alam kung anong ire-react sa lalaking ito. He's a bit intimidating, his aura were too vague. Naupo naman ito sa tabi ko, umurong pa ako ng kaunti para hindi kami magkadikit.

Napansin niya ang pag-iwas ko kaya tinaasan niya lang ako ng kilay at nginisihan. Okay, please stop doing that. I know you're too good for this pero hindi ko naman kilala ang isang 'to. Nakakaloka lang!

"Time shift is moving from one period to another period. Just like what we do, we move time to another time."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "are you telling we've gone time travelling?"

"Time shift." Pagtatama pa nito sa akin. "I'll show you what happens here."

Tumayo naman ito saka kinuha ang kamay ko. Agad ko namang hinila pabalik ang kamay ko sa kanya kaya tiningnan lang ako nito.

"Why would I trust you? Ni hindi nga kita kilala tapos sasama ako sayo? Leave me alone."

"If I leave you, you can't go back to your present time." Natameme naman ako sa sinabi niya. He had a point pero ano ba kasing kailangan niya sa akin. "You don't have to trust me, it won't take long."

"Okay," saka ako tumayo. "But first, tell me your name, that's all I ask."

He took a deep breath, "I am Morley."

"Morley, what?"

"Morley Jojen." Sagot naman nito sa akin, "got any problem with that?"

I shook my head.

"Then come with me."

I don't have any much of a choice kundi ang sumama sa kanya. Nakasunod lamang ako sa kanya at hindi ko alam kung saan kami pupunta o saan niya ako dadalhin. Nahinto naman siya paglalakad kaya tinaasan ko siya ng kilay dahil sa biglang pagtigil niya. Walang sali-salitang kinuha niya ang kamay ko saka bumalik sa paglalakad. Kinagulat ko naman iyon. Nakatitig lang ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.

TimelineWhere stories live. Discover now