Prologue

64 9 2
                                    

Prologue

Niyakap ng isang bata ang kanyang sarili nang humampas sa kanyang katawan ang malakas na hangin. Nakasando lang ito kaya parang nasa ibang bansa ang ginaw na kanyang nararamdaman.

Napatingin siya sa kanyang kasama nang hubarin nito ang kanyang jacket at pinasuot sa kanya.

''Salamat kuya.''

Ngumiti lamang ang kanyang kapatid at ginulo ang buhok nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sa maliit na palengke. Wala sila sa sentro ng lugar kaya aasahan mong walang halos tao dito at halos lahat ng nakatira dito ay kapos sa pera.

''Pahingi po ng pera, Ali.'' Nakabukas ang kamay nito sa isang babae na puno ng alahas ang katawan. Pero walang pera kahit na piso ang binigay sa kanya. Huminga ng malalim ang kanyang kapatid at pumunta sa ibang stante para makahingi.

Nilibot ng kanyang paningin ang palengke. Maingay ito dahil napakaraming tao sa lugar. Mabaho, dahil isa sa isang buwan lamang sila naliligo dahil sa paghahanap ng pera. Mas malansa pa sa isda sila kung ihahambing. Dahil sa kapos pa sa pera, ay wala silang magulang na kahit minsan man lang matunghayan nila kung anong pakiramdam ang maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak. Yan palagi ang ini-isip ng mga tao pati na silang mga walang magulang o kaya'y pamilya.

Napadako ang kanyang tingin sa lalakeng nakasumbrero na nakatingin sa kanyang kapatid. Nanlaki ang kanyang mata nang maaninag ang muka nito sa ilaw at napatakbo kung saan ang kanyang kapatid.

''Anong ginagawa mo dito, Xia? Hindi ba't sabi ko sa'yo na doon ka lang maghintay at ako na ang bahala sa lahat?'' Pero imbes na sagutin ang tanong ng kanyang kapatid ay iba ang lumabas sa kanyang bibig.

''Sinusundan nila tayo.'' Natatakot niyang pahayag at itinura ang lalakeng nakasumbrero na tumango sa kanila. Senyales na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa. Ganun din ang reaksiyon ng kanyang kapatid nang sabihin niya iyon. Parang nawala sa ulirat ng kanyang kapatid ang paggalaw nang makita ang lalake. Kinilabit niya ang kanyang kapatid ng tatlong beses kaya nabalik ito sa diwa.

''Halika kana. Uuwi na tayo.'' Sabi ng kanyang kapatid at hinila siya palayo sa palengke. Tumingin muna siya sa lalake pero wala na ito.

___

''Limang peso? Yan lang?! Wala kang kwenta?!'' Isang malakas na bagay ang dumapo sa pisnge ng matabang bata dahilan para mapa-upo ito. Itinayo ito sa lalake na kanina'y nakatingin kina Terrence. Tatlong beses itong sinuntok sa muka at halos mapagkamalan na itong umiiyak ng dugo na tumulo sa gilid nitong mata. ''Get out and don't ever come back, you useless!'' Sigaw turo sa naka bukas na pintuan.

Hindi gumalaw ang matabang bata sa kanyang tinatayuan kaya tumaas ang magkabilang kilay ng lalake.

''Ano pang hinihintay mo? Pasko? Labas?!''

''Parang awa niyo na ho. Wag niyo akong paalisin dito. Ulila na ako at walang mapupuntahan.'' Walang pasublit siyang hinawakan sa kwelyuhan at itinaas sa ere.

''Alam mo naman pala yan kaya dapat nagsikap ka para hindi ka mapapaalis dito.'' Tumingin ito sa dalawang lalake na nakatayo sa likod ng iba pang mga bata at tumango. Dinala ng dalawang lalaki ang matabang bata sa isang lalaki at doon pinapalo ng dos pordos.

''Sunod!'' Sigaw ng lalaki habang nakatingin sa mga bata pagkatapos y itinoon ang hawak na cellphone nang umilaw ito. Pero walang isang bata ang sumunod at pumunta sa harapan kung saan siya kaya sinamaan niya ng tingin ang mga bata at nagsalita uli. ''Kayong magkapatid. Dalian niyo! Ano tunga-tunganga nalang?''

Nagkatinginan muna ang magkapatid. Hindi mawari ni Xia kung ano ang nararamdaman niya. Nauuhaw, nagugutom, na-iihi o kaya'y natatae lamang ang naisip niya.

Love Or Money Where stories live. Discover now