Chapter 1: Lei Xein Zeiss

54 8 0
                                    

Tumakbo ako ng tumakbo. Ang aking kamay na nanginginig, ang walang tigil na pagpatapak na pawis sa aking noo-han, ang mabilis na tibok ng aking puso na waring isang pasyente na mawawalan na ng buhay ay kumalinring sa aking buong katawan.

Lumingon ako sa likuran habang tumatakbo kung bakit ko ito ginagawa. And there I saw a man, holding a gun, running towards me non-stopping firing at me as I dodged all the bullets that any time it was suck onto mine when I made a little bad thing.

''Don't keep on running, you fvcking wench!''

His baritone voice echoing on my eardrum as I tried to let out an air. I kept on running until a sudden electricity touched my arm.

''You can run but you can't escape from me, Eris. Guess you didn't know me well''

Napabangon ako at hinabol ang aking hininga. Hinilot ko ang sentido ko at napatingin sa puting kesami. That strange dream again. Tumingin ako sa itaas kung saan nakalagay ang orasan. Alas-kwatro na ng madaling araw. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko atsaka kinuha sa side table ang alarm clock pagkatapos ay pinatay ang sinet kong alarm bago pa ito mag-ingay mamaya.

Tumayo ako at nilugay muna ang buhok ko bago inayos ang higaan ko.
Dumeretso ako sa baba para magkape.

''Ang aga mo atang nagising ngayon.''

Halos mapatalon ako sa gulat sa nagsalita kaya muntik nang mahulog ang hawak kong kape na kakatimpla ko lang.

''Wag naman kayong manggulat, Nay Alma!'' Jusko! Nakawala siguro sa katawan ko ang espiritu ko sa mga oras na iyon. Magsasalita ba naman ay parang multo na kung sa tono ay bumubulong?

Wala akong ibang narinig pagkataapos nun maliban sa tawa niya.

''Masisisi mo ba ako sa nakita ko ngayon, Sandra? Sa ilang taong paninilbihan sa'yo ay ngayong araw lang kitang nakitang ganito ka-aga nagising at parang wala lang sa'yo ang pagtulog ng tatlong oras.''

Tama siya. Hindi lang ilang taon ang pagsisilbi niya sa'kin kundi simula palang nang una kong nakita ang mundong kinalalagyan ko ay siya na ang nag-aaruga sa'kin kaya magtataka talaga siya at mababaguhan.

''Ang totoo niyan, plano ko talagang tapusin ang mga papel ngunit nakatulog ako ng tatlong oras kaya heto ako ngayon nagkakape hindi narin kasi ako makakabalik pagtulog kapag i-idlip muna ako.'' Sabi ko sabay sandal sa pader ng CR.

''Napanaginipan mo na naman ba?''

Napatigil ako sa pag-iinom nang sabihin ni Nanay Alma ang tungkol doon. Siya lang ang nakaka-alam ng bagay na iyon. Tungkol sa pabalik-balik kong panaginip. Lahat ng sekreto ko ay nasasabi ko dito dahil hindi ko maipagkakaila na siya ang unang tao na nagpresintar para mag-alaga sa'kin. Hindi siya nakapag-asawa dahil sa akin kasi bakit naman raw siya maghahanap ng mamahalin kung may mahal na siyang anak? Yan ang sabi niya sa'kin.

Love Or Money Where stories live. Discover now