take nine

111K 862 194
                                    

May mga bagay na kahit iwasan mo, kahit kalimutan mo, kahit pilitin mong alisin sa buhay mo, di mo magawa. Hindi dahil para itong isang lintang kumakapit sa’yo kundi nakagawa na ito ng marka sa buhay at puso mo. At kahit anong pilit mong alisin ito, mapapagod ka lang tanggalin dahil nakatatak na ito sa’yo.

Tulad mo. Pinilit kitang iwasan, pinilit kitang kalimutan, pinilit kitag alisin sa sistema ko pero di ko magawa. Napagod lang ako, nag-effort. Pero sa huli, ‘yun at ‘yun pa rin. Andito ka pa rin oh, sabay turo sa puso ko.

“Diligence of a good father nga raw kasi,” kumamot-kamot ka pa habang binabasa ang libro ng Law at tinuturo ang topic kung saan binigyan kami ng assignment para i-report.

“Ang alam ko kasi, good mother!” pabirong sagot ko. Napayamukos ka naman at nagpout pa, anong feeling mo? Korean ka? Aba, hindi bagay sa’yo ang pag-pout. Makapal kaya ang lips mo!

“Kuya naman e, good father nga ‘yung nabasa ko!” untag mo. Ngumiti lang ako, ang kyot mo talaga kapag inis ka. Umuusok ilong mo tapos may lumalabas ring usok sa tenga mo, para kang si Majinbu, kulang na lang eh maging pink ang kulay mo.

“Bakit ba, consistent ba ang mga Father? Nanay dapat. Lagi namang wala ang mga Tatay kaya dapat, Diligence of a good mother kasi Nanay ang laging kasama ng mga bata. So, kapag may debt ka o may bagay kang ibebenta, diligence of a good mother dapat,” pagpapaliwanag ko. Kumunot naman ang noo mo, kahit kailan talaga, di tayo magkakasundo pag dating sa Law.

“Kuya naman e, ang pilosopo mo!” aba’t nagcross-arms ka pa?

“Kulot ka naman.”

“Maitim ka naman.”

“Uso to sa States ano, Tall, Dark and Handsome.”

“Ang sabihin mo, Handsome-a ng mukha.”

“Aba, anong ang sama, sa pagkakaalam ko, patay na patay ka sa mukhang ‘to ano.”

“Hala, kelan ‘yan? Di mo naman ako binalitaan.”

“Aba, ikaw ha.”

“Oo, ako talaga.”

“Juniper.”

“Ano?”

Ngumiti ako ng parang isang adik. Kumunot lang ang noo mo, wala kang kaide-ideya sa gagawin ko. Mabilis kong inilapit ang mukha ko sa mukha mo at ramdam na ramdam ko kung pa’no biglang nagbago ang ritmo ng paghinga mo. Napangiti ako ng lihim. Lumapit pa ako, papalapit ng papalapit habang nakatingin sa mga mata mo. At ikaw naman, parang isang timang na natulala sa paglapit ko.

Pero eto ang epic fail sa kwento, bigla kang pumikit. Talo ka, ano ka ngayon? Tumawa ako ng malakas, dahilan para imulat mo ang mga mata mo at manlaki ang butas ng ilong mo sa sobrang inis.

“Kala mo, ikikiss kita ano? Kala mo…” hindi ko na napigilan pang maglupasay kakatawa habang ikaw naman eh parang sasabog na sa sobrang hiya at inis. Pero ang kyot mo pa rin, wag kang mag-alala.

“As aka pa, hindi ano. May hangin kaya napapikit ako, ang feeling nito!” pabalang na sigaw mo. Tumawa lang ako ng tumawa dahil kahit ang epic fail rin ng palusot mo.

“Ah, basta. Isa lang ang napatunayan ko ngayon.”

“Ano ‘yun?”

“Na ikaw, Julienne Nicole Peralta a.k.a Juniper ay hahatulan ko ng Reclusion Perpetua sa salang pagnakawsa puso ko. Habang buhay kang ikukulong dito sa puso ko hanggang sa oras ng iyong kamatayan!” sabat ko kahit pakiramdam ko eh ang baduy ng sinabi ko.

KuyaWhere stories live. Discover now