Take Twenty One

46K 389 77
                                    

Sa dinami-dami ng bagay na natutunan ko sa buong buhay ko, isa lang ang hindi ko  naiintindihan. Hindi ko maintindihan, ni hindi ko maggawang intindihan ang ginawa mo. Pakiramdam ko, ang sama-sama kong tao para gawin mo sa'kin 'yun. Masama ba talaga ako? Wala na ba talaga akong karapatang maging masaya? O magselos man lang?

At ang mas malala pa, pakiramdam ko, ako pa ang may kasalanan sa pag-aaway natin. Nababaliw na ako. Simula nang makilala kita, lalong naging magulo ang mundo ko. 'Yung dating magulo, naging apocalypse ang dating nang pumasok ka sa eksena. Tapos ngayon naman, gunaw na gunaw na dahil sa nangyari kanina.

"Itagay mo na 'yan, inuugat na 'yung baso mo! Wag mong antaying tumubo ang puno d'yan!" sigaw ni Tall Nut na mukhang tinamaan na ng tuba na binaon ni Jan. Nagiging kulay green na kasi ang ilong niya, senyales na lasing na lasing na siya. Palibhasa, tatlo na lang kami. Wala na si Paolo kaya kami na lang tatlo ang tumutungga ng tuba ni Jan. At ang loko, 'yung malaking lalagyan ng Wilkins ang lalagyan ng tuba niya, kaya naman para kaming lumalaklak ng tubig dito. Ni hindi pa nga nangangalahati ang nauubos namin.

Tinitigan ko na lang ang basong kanina ko pa hindi iniinom. Masyadong marami akong iniisip, para akong nag-sosolb ng Math Equation na hindi ko alam kung pa'no sagutin. Ang hirap na ngang intindihin, hindi ko pa alam kung pa'no reresolbahan.

"Alam nyo, hindi ko talaga maintindihan si Juni eh. Masama ba akong boypren? Kulang pa ba? Binigay ko naman na lahat ah? Nakukulangan pa ba siya?" hinanakit na sagot ko habang naglalagay ng tagay sa baso. Kumuha naman si Jan ng hipon na hinanda ni Mama para ipang-pulutan. Astig ano? Masyadong supportive ang Nanay ko, pati sa inuman, hindi kami nililimitahan. Siguro nga, masaya si Mama sa mga kaibigan ko. Dahil kahit puro kalokohan lang ang alam namin, alam ni Mama na hindi ako mapapasama sa kanila.

"Baka naman kasi may rason siya?" mungkahi naman ni Jan. Napakamot naman ako ng ulo. Anong rason, Juni? Kahit mag-flip back and forth ang utak ko, 'di ko mahagilap ang rason na sinasabi ni Jan. Umiling na lang ako at tahimik na bumuntong-hininga. Wala, walang rason para gawin mo 'yun, wala talaga.

"Alam mo tol, ayaw kong sabihin sa'yo 'to dahil kaibigan kita. Ayaw kong masaktan ka pero kasi..." pa-suspense na sabat naman ni Tall Nut. Napatiim-bagang na lang ako, ang hilig magpaligoy-ligoy eh.

"Ano? Dali, spill you men!" dagdag ni Jan na may katawa-tawang expression sa mukha. Kung si Tall Nut ay nagiging kulay green, ito namang isa eh nangingitim. Jusko, bakit nag-iiba ang kulay nila? Nag-eebolb ba? Pokemon ata sila eh. Hindi na ko magtataka kung mamaya eh may lumabas nang thunder bolt na suka galing sa dalawa.

"Ayaw ko kasing sabihin 'to kasi baka masaktan k..." Hindi ko na pinatapos ang mokong, daming segway eh.

"Sabihin mo na kasi," kulit ko. Ngumiwi naman si Tall Nut at tumingin sa'kin ng seryoso.

"Baka sawa na siya sa'yo? Baka napapagod na siya sa sitwasyon niyo? Baka...ayaw niya nang magka-relasyon kayo?"

Natutop ang bibig ko. Gano'n ba talaga, hah Juni? Pagod ka na ba sa kung ano ang meron tayo. Ayaw kong maniwala kasi...masyado kong pinahahalagahan ang relasyon natin. Pero kung totoo 'yun, ano kaya ang gagawin ko? Iiwan ba kita? Magpaparaya ba ako? Hahayaan ko na lang bang ibasura ng pagsasawa mo ang lahat ng pinagsamahan natin simula pa lang ng magkakilala tayo?

Hindi, ayaw ko. Ayaw ko. Sa sobrang halaga mo, hindi ko maaatim na pakawalan ka sa buhay ko. Ikaw. Ikaw na ang naging buhay ko, ni hindi ko na nga alam kung pa'no ako gigising sa umaga kung wala na akong Juni na kukulitin. Hindi ko na alam kung pa'no ako magtra-trabaho kung saka-sakaling matanggap man ako dahil wala nang Juni na magsasabi sa'king tiis-tiis lang, sayang ang milyones. Kung mawawala ka sa'kin, para mo na ring sinabing tatanggalin mo na rin ang kulay sa buhay ko.

KuyaWhere stories live. Discover now