take eleven

92.8K 856 162
                                    

Nakakatakot isiping may mga bagay na maaaring mawala sa oras na sumuko ka. Ang mga bagay na inalagaan mo, pinahalagahan mo, ay basta-basta na lang maglalaho sa oras na tumigil ka na dahil sa pagod. Pero may mga bagay rin na kailangan mo nang sukuan, hindi dahil pagod ka na, kundi dahil kahit anong gawin mo, hindi mo na mababago ang katotohanang hindi siya para sa'yo. Kailangan mo nang bumitaw dahil kahit kelan, hindi pwedeng maging kayo.

Nakakaasar ano? Kung kelan binuhos mo nang lahat, saka pa kailangang sumuko, saka pa kailangang sumurrender.

Nakakapagod rin pala ang labang 'to. Kahit gustuhin ko pang lumaban, kailangan ko nang sumuko dahil hindi na lang tayo ang nabubuhay sa mundong ito, Juniper. Hindi na lang pwedeng sayo na lang lahat ang oras ko. And'yan na si Baby at ayan naman sa tabi mo si Lucio. Mas mabuti na rin siguro ang paglayo ko para mabigyan sila ng pagkakataong patunayan ang sarili nila na karapat-dapat sila sa pagsuko ko. Karapat-dapat naman sila, di'ba?

Dahil kung hindi, wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat, maibalik lang tayo sa dati. Ngayon, bigyan muna natin sila ng tyansa. Alam kong walang makakaintindi sa plano ko pero kailangan ko ring magpahinga. Baka magbar-down ako, mas magiging kaawa-awa ang lagay natin nito.

Pahinga muna ako, ah? Nakakapagod kasi, nakakakapagod kang ipaglaban, nakakapagod kang mahalin.

Bored ako. Naglakad-lakad ako habang tumitingin-tingin sa mga nadadaanan ko. At kahit kanina pa nagva-vibrate ang cellphone ko eh hinayaan ko na lang. Wala akong pakialam kay Baby o sa kung ano man ang sasabihin niya. Kailangan kong lumayo, kailangan kong mag-isip. 

Maya-maya pa ay bigla akong nahagip ng isang lalakeng tumatakbo na para bang hinahabol ng aso. Buti na lang at batang Bonakid ako kaya hindi ako nadapa. Aba, batang may laban kaya ito! 

"Sorry bro! Pasensya na! Andyan na siya, sige!" tarantang sagot ng lalake. Pagkaraa'y dumiretso na agad ito sa pagtakbo niya.

Nang idinako ko naman ang paningin ko sa pinanggalingan ng lalake ay tumambad sa'kin ang nakakatakot na itsura ng naghuhurumentadong babae. Siya pala ang tinutukoy na 'siya' ng lalake?

Suot ang isang itim na baseball cap at maluwag na itim na T-shirt ay aakalain mong leader siya ng isang Mafia Group. Pa'no ba naman ay masyadong nanlilisik ang mga mata nito habang pinagpapawisan pa ang makinis niyang mukha. Sayang naman 'to. Maganda nga, tibo nga lang.

Nang malapit-lapit na siya sa kinatatayuan ko ay saka siya sumigaw.

"Hoy! Wag mo kong takbuhan! Puputulan pa kita ng B!" Dala ang isang napakalaking gunting ay tumakbo pa ang babae. 

Nanlaki naman ang mata ko sa nakita at narinig ko. Ano daw? Anong puputulin niya? Jusko, buti na lang, hindi ka ganyan, Juniper ko. Teka, bakit nga ba ikaw na naman ang iniisip ko? Lumayas ka nga sa isipan ko, wag mong guluhin ang utak ko, pwede ba?

Napabuntong-hininga na lang ako at tiningnan kung pa'no maglaho ang dalawang extra sa dinadaanan ko. Pero imbes na maglaho eh bumalik pa ang babaeng maton na may hawak na gunting. Bigla na lang akong nakadama ng kaba ng itutok niya ang malaki at matulis niyang gunting sa mukha ko.

"Hoy, ikaw! Kinuntsaba ka ni Biboy, ano? Hmp! Sabihin mo sa lokong kaibigan mo, wala siyang magagawa. Puputulin ko pa rin ang B niya!" humalakhak pa ito na para bang isang nababaliw na demonyo. Napalagok na lang ako sa sobrang kaba na binibigay ng babaeng 'to. Ano bang klaseng babae 'to, kapatid niya ba si Satanas? Bakit niya puputulan ng B ang isang lalakeng matino? Hindi naman mukhang drug lord 'yung hinahabol niya.

KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon