One

865 26 2
                                    

"OMG Tita!" nakita ko kasi agad si tita Karla pagkalabas ko ng airport. Siya ang sumalubong sa akin.

"Kaycee, iha!" agad akong lumapit sa kanya at sinalubong siya ng yakap. "How are you?" tanong niya matapos naming magyakapan.

Ngumiti naman ako sa kanya, "Eto po, okay naman." ngumiti ulit ako, "Where's TJ tita? Akala ko naman sasama siya sa pag sundo sa akin. Hmp" hindi ko kasi siya makita sa tabi ni tita. Naturingang bespren ko tapos ni pag sundo sa akin, hindi magawa.

"Oh, that!" ngumiti ito na parang may alam siya na ayaw sabihin sa akin, "Tara na sa bahay?" tumango na lang ako at isinakay na nung driver nila yung mga gamit ko sa sasakyan.


Pansamantalang doon muna ako sa bahay nila tita Karla matutulog. Ayoko kasi sa bahay, wala din naman akong kasama dun. At saka, pinasabi naman ni mama na doon daw muna ako.


Tatapusin ko kasi ang highschool ko dito bago ako bumalik sa France.


"Mauna ka na sa loob 'nak." anak ang tawag sa akin ni tita dahil para na din niya akong anak. Magkakilala na ang parents ko at niya since college days nila. At lumaki ako kasama si TJ.


Umalis kami noon papuntang France nang 9 years old pa lang ako, bale 5 years akong nawala dito sa Pinas. Migration kumbaga. Nandun kasi ang lolo't lola ko.


Ngayong magte-third year na ako, napilit ko sina mama na dito sa Pinas na lang tapusin ang pag aaral ko. Namiss ko na din kasi yung TJ na yun eh.


"SURPRISE!!" nagulat ako ng biglaang pag bukas ko ng pinto ay may party popper na sumalubong sa akin.


Tinignan ko kung sino yung mga yun. Ah! Mga kaibigan ko pala dito. At siyempre, ang bestfriend kong si TJ.


"Gulat ka no?" lumapit si TJ sa akin. Mas lalo siyang gwumapo ngayon. "Huy! Reaction please? Di ka ba natuwa sa surprise ko? Effort to uy!" napa ngiti naman ako. Marunong palang umeffort ang lokong to.

"Siyempre natuwa!" I giggled, "Naks naman! Guma-gwapo tayo ah!" biro ko kay TJ. Matapos ay nilapitan ko yung mga dating kaibigan ko dito sa Pinas. "Um... Dae, Nikka, Gabby!" niyakap ko sila isa isa. "Kamusta na kayo girls?" 

"Ayos lang. Gumanda ka lalo Cee!" bati sa akin ni Dae. Nginitian ko naman siya.

Naramdaman ko naman ang pag akbay sa akin ni TJ, "Tama na bati! Kain muna tayo. Gutom na ko eh. Hehe" nag lakad siya papunta sa table habang naka akbay pa din sa akin. Nagpa tangay na lang ako sa kanya.

"Wow! Favorite ko lahat ah!" talaga nga namang pinag handaan ng mokong na to ang pag dating ko ah, "Sino nag luto?"

"Siyempre ako!" ang proud na sagot nito.

Kinurot ko siya sa braso, "Loko. Lam kong si tita. Sinungaling ka talaga!" pang aasar ko sa kanya. Tumawa naman kaming lahat.

"Kainan na!" sigaw ng lahat.


It's good to be back!


***


"Who is she?"

"Why is she with Timothy?"

When Blindness Take OverWhere stories live. Discover now