Two

525 22 2
                                    

Kailan man ay hindi ako nag patalo. At bakit ngayon? E girlfriend pa lang naman. Hindi pa asawa. May pag asa pa ako.


Ngumiti akong pumasok ng classroom at nilapitan sila.


"Hi!" bati ko sa kanilang dalawa. Bahagya silang nagulat. "Ikaw pala yung girlfriend nitong si TJ." ngumiti ako. Plastic na kung plastic, pero wala akong pake. "I'm Kaycee, the one and only girl in his life aside from his mom..." nahalata ko ang pag talim ng mga mata nung babae, "Pero siyempre meron ka na, kaya dalawa na tayo." I winked at her. Bahala siya sa buhay niya no.

"Hayaan mo na tong si Kaycee, Bree. Ganyan talaga yan, mapag biro." ha! Kampi sa akin si TJ, it means akin pa din talaga siya.

"Hehe. Ganun ba? Okay lang naman." palihim kong inirapan itong si Bree. Halata namang peke ang mga ngiti niya sa akin eh. Pero okay lang, pareho lang naman kaming dalawa. Kung ayaw niya sa akin, mas lalo naman ako 'no. The feeling is really mutual.

"O sya, punta na ako dun ha? Mukhang nakaka istorbo na ata ako sa inyong dalawa eh." tinitigan ko si TJ. Mukha namang naka ramdam siya, at nakuha siya sa tingin ko.

"Ah hindi! Okay lang na dito ka na muna, wala namang problema yun kay Bree eh." nilingon niya yung girlfriend niyang masama na ang dating masamang mukha niya, "Diba babe?" babe? Ew! Baboy pala itong si Bree? Oh.. bagay.

"Uh, oo naman." ang parang labas lang sa ilong na sagot nito.

I smiled because I won. Ibig lang sabihin  nito, hanggang sa huli ay ako ang panalo. I can feel it, I'm so important to TJ that he won't ever let me left alone. Nakakasigurado ako doon.


Humila ako ng upuan at iniharap ito sa kanilang dalawa. Sa gitna nila mismo. Wala akong pake kung pag tinginan man ako ng mga tao ngayon.


"So... how did you two met?" curious ako. At saka, diba nga... keep your friends close and your enemies closer. At alam kong gumagana pa din ang strategy na yan. Pero ang loka, hindi man lang ako pinansin. "Hey girl, I'm talking to you." ang inis kong tawag sa kanya. Sukat ba namang deadmahin ang beauty ko?

"Oh, sorry. Ano nga ulit 'yon?" ito ba ay nang iinsulto lang talaga o ano? Infairness ha, effective ang pang aassar niya sa akin.

Inirapan ko naman ito, "How did you two met?" alam ko na kung paano dahil I gathered all the information I can use, pero gusto kong malaman kung ano at gaano na sila katagal.

"Here in school." she sarcastically answered.

"How nga diba?" inirapan ko naman ulit ito at tumingin kay TJ, "Ano ba naman to J! Bakit ang tanga?" wala na akong pake kung magalit man sa akin si TJ sa mga inaasal ko sa harapan ng girlfriend niya. But the hell I care! I'm annoyed!

"Kaycee naman..." tinignan niya ako na tila nagmamakaawang wag kong aawayin si Bree. Alam kasi niya ang ugali ko — at kung gaano ako ka war freak nung mga bata pa kami.

Huminga ako ng malalim, "Fine. Sana naman kasi ayusin niya yung pag sagot sagot niya sa akin." muli ay inirapan ko ang naka tangang si Brianna. Wala pala 'to eh. "So, pano na nga kayo nagka kilala? Tagalog na yan ha, para maintindihan mo." nginisihan ko siya. Oo, nang aasar lang talaga ako.

"Nung... nung binully niya ako." ang nahihiyang sagot niya sa akin. Ah! Kaya pala hindi maka sagot ang bruha. "Pero siyempre, ako din ang nagpa tino sa kanya. Right babe?" ang naka ngiti pang tingin nito kay TJ.

Tumawa ako ng malakas, na sa tingin ko ay napansin ng ibang kaklase namin kaya napa tingin ang mga ito sa amin. Now it's my time.

"Binubully ka ni TJ dati kaya naging kayo? OMG! Hahahaha! Ako nga dati ang bumubully diyan eh. Siguro na miss ako nung iniwan ko siya kaya ginagawa niya yung mga ginagawa ko sa kanya dati. Hahahaha!" napansin kong madaming naki usyoso sa amin. Iba kasi sa kanila ang bahagyang lumapit sa pwesto namin. Tinignan ko naman sila, "Lapit kayo dito classmates, bonding tayo!" pag aya ko sa kanila. Pero ang purpose ko ay para mas lalong mapa hiya 'tong babaeng 'to.

When Blindness Take OverWhere stories live. Discover now