Four

473 21 3
                                    


"Hindi ka na ba talaga mapipigilan anak?" tanong sa akin ni tita. Umiling lamang ako at hindi na nagsalita pa.


Nandito na kami ngayon sa airport at naghihintay na lamang kami na tawagin ang flight ko para sumakay na sa eroplano.


Halos isang linggo na din simula nung sabihin niya yun sa akin, at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap. I tried to talk to him but he refused. Parang ito pa nga ang galit imbes na dapat ay ako.


"Mag-iingat na lang po kayo tita." Hinaplos ko ang braso niya, "Dadalaw po ako dito pag free ako." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi nang marinig naming ang pagtawag sa flight ko. "Sige po, see you soon tita. Thank you po sa pagpapatuloy niyo sa akin sa bahay niyo kahit saglit lang."

"Wala yun ano, para na rin kitang anak eh." Ngumiti ito sa akin, "O, mag-iingat ka ha? Tumawag ka kapag nakarating ka na sa France. Wag mo kalilimutang dumalaw dito ha?"

"Opo tita." Inayos ko na ang pagkakahawak ko sa handle ng maleta ko, "Sige po tita, alis na ako. Mamimiss ko po kayo." I smiled one last time and turned back holding my luggage going inside for me to fly back in France.


***


"Welcome back, sweetheart." Bati sa akin ni mama na siyang sumundo sa akin dito sa airport. Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap. "Uwi na tayo sa bahay at baka napagod ka sa biyahe mo." Binitawan niya ako at saka nginitian.


Tumango ako sa kanya, samantalang yung driver ay kinuha na ang bagahe ko para ilagay sa sasakyan. Inakay na rin ako ni mama patungo sa sasakyan at ipinagbukas pa ako ng pinto. Ang sweet talaga ng nanay ko.


"Nasaan si papa, ma?" tanong ko agad kay mama pagkarating namin sa bahay at hindi naabutan si papa. "Trabaho na naman ba?"

Bahagyang tumango si mama, at ngumiti na lamang sa akin. "Umakyat ka na at magpahinga na muna. Tatawagin na lang kita pag kakain na tayo." Pag-iiba niya sa usapan. May nangyari na naman kaya sa kanila?


Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. In time, makakapag-open up din si mama sa akin. Alam ko namang may problema, at tingin ko ay ayaw lang ni mama na idamay pa ako.


Pagka-akyat ko sa kwarto ko, nakita ko ang isang part na puno ng pictures naming dalawa noong mga bata pa lamang kami.


Nakaka-miss din pala ano? Namimi-miss ko yung kabataan namin. At least noon ay walang problema, walang pinag-aawayan. Hindi tulad ngayon na parang ang complicated na.


"...Pero ito ang tatandaan mo Kaycee, kaibigan lang kita."


Talagang pinagdiinan niya ang mga salitang kaibigan lang niya ako. Ang sakit talagang marinig ang mga iyon sa kanya. Parang may sumaksak ng puso ko ng maraming beses, sa sobrang sakit.


Kung mababaw lang ito para sa iba, sa akin ay hindi. Masakit na marinig ang mga katagang 'yon, lalo na kung galing pa sa taong mahal mo.


"...Pero ito ang tatandaan mo Kaycee, kaibigan lang kita."

"...Pero ito ang tatandaan mo Kaycee, kaibigan lang kita."

When Blindness Take OverWhere stories live. Discover now