Three

519 23 3
                                    


"Hey there, Brianna." nakipagbeso ako sa kanya. A friendly gesture, oh wait... are we even friends? "Sorry kung natagalan kami nitong si TJ ha? Naghintay ka ba sa kanya ng matagal?" I said with a hint of sweet effect.


Ngumisi ako nang makita ko ang pagkunot ng noo niya. Halata na ang pagkainis sa kanya, at parang any minute ay magbe-burst na ito. Pero alam ko namang hindi niya kaya yun, dahil alam naman niyang talo siya sa akin. Duh? Mas matagal kong nakasama si TJ compared sa kanya.


"Uh, okay lang naman." na lamang ang naisagot niya. I winked at her and went inside our room with a award-winning smile drawn on my face.


Naupo ako sa kung saan ang permanent place ko ng nakangiti pa rin. Nagdiscuss, nagdismiss at break time na namin ay nakangiti pa rin ako.


What a great way to start your day! 


***


"San punta niyong dalawa?" pigil ko kina Brianna at TJ na ngayon ay nagmamadaling lumabas ng room namin. Well, it's already lunch time.

"Uh—"

"Kakain kami sa labas." Singit ni Brianna. So, lumalaban na ba siya ngayon? Ay tumatapang ang ate!


Agad kong tinignan si TJ, iiwanan talaga niya ako? Papayag siyang maiwan akong mag-isa at walang kasama? Para lang dito sa—sa babaeng to?


"Pasensya na Kaycee, gusto daw niyang lumabas kami minsan eh. Hindi na daw kasi namin nagagawa yun ng madalas." Hinging paumanhin niya sa akin. But I can't take na iiwan lang niya ako dito, that's my effin' point!

Tinignan ko siya ng masama, "Fine! I'll home go home and eat there for lunch!" I shouted. Siguro si tita na lang ang da-dramahan ko mamaya. Bwisit talaga tong mga to.


Tinalikuran ko na sila pero naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.


"Teka lang." pinigilan kong wag ngumiti. "Bree, baka naman pwedeng isama na lang natin siya? Baka kasi wala dun si mama sa bahay, saka hassle sa kanya kung ba-biyahe siyang mag-isa pauwi at babalik ulit dito." Tinignan ko naman si Brianna na halata namang inis na inis na dahil ako parati ang kinakampihan ni TJ. Pero wala akong pake, as long as nasa side ko parati si TJ.

"Oh no, okay lang naman sa aking mag-isa no. I-enjoy niyo na lang mga sarili niyo." Napairap pa ako dahil sa mga sinabi ko. Duh? Reverse psychology will do.

"No, just join us." giit niya saka tinignan si Bree, "Okay lang naman sayo babe diba?" ang pa-sweet na tanong pa nito. It's so kadiri kaya!


Napipilitang tumango na lamang si Brianna kay TJ. Aba, ano nga ba ang magagawa niya? Si TJ na mismo yang nagsabi no.


Habang naglalakad, sila ang nangunguna. Aba, ano pala ako rito? Wallflower? Chaperone? Di ata bagay sa akin yun no! I need to do something for me not to be out of place.


Nilapitan ko sila at sumingit sa gitna talaga nila para mapansin nilang iritado na ako sa pang-iiwan nila sa akin. Grabe naman diba? Di sana pala pinabayaan na lang akong wag sumama sa kanila. Masasama pa ata ang loob ng mga to dahil nasira ko yung suppose to be date nilang dalawa.

When Blindness Take OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon