•Chapter 2 Kwek Kwek•

2.8K 77 2
                                    

Pearl's POV

Andito kami ngayon ng kapatid ko sa kwarto tinuturuan ko sya sa assignment nya sa math yung square root ganon ganon haha.

"ayoko na nakakalito naman yan e ang hirap magbilang nyan bat pa kaya tinuturo yan e sa paglaki namin di naman yan gagamitin aish."-andrei

aba aba iba rin tong kapatid ko nato ah andali dali lang naman nya eh tsk tuturuan ko na nga lang ng maigi.

"oy grabe ka ah kung ano ano pinagsasabi mo jan e.makinig ka nalang kasi sakin nung grade 6 ako di naman ako ganyan."

"eh ikaw yun ate valedictorian ka pa aish pahingi naman talino oh"

loko to hahaha!

"aba'y kung nadodonate lang ang talino bibigay ko sayo ang 50% hays di naman yan sa talino or what e nasa bata yan kung gusto nya talaga matuto at masipag sya."

"ah sige sagutan na nga natin hehe"

napakamot sya sa ulo nya siguro naintindihan nya kahit papano yung sinabi ko haha sana.

after 0987654321 years natapos na din kami

"ate nakakagutom pala yung math no?pameryenda ka naman hehe"andrei

eh? sya nga nagpatulong tas ako pa magpapameryenda?

"diba dapat ako magsabi sayo nyan?

"ate naman eh dali na" *pout*

"aish sge na wag ka nang magpout jan pasalamat ka ang cute mo"

"yahooo!!"

tiningnan ko wallet ko hays sana may pera pa ko. yes! may 220 pa dito hehe may ipon pa pala ko di ko alam yun ah yung bente nalang ipangmemeryenda namin ^_^

"oh eto 20 bili ka ng kwek kwek kila aling susan tig apat tayo ha?"agad naman syang sumunod.

kung tatanungin nyo ko kung ano peyburit ko? syempre KWEKWEK hehe sarap nyan eh tas isasawsaw mo sa maanghang na suka yumyum talaga haha tig 2.50 isa kasi yan dito samin mura na masarap pa kaya san ka pa kay kwekwek ka na! hahaha nababaliw na ata ako.

after 1234567890 years nakabalik na kapatid ko may dala syang dalawang baso eksayted na ko hehe

"ate oh"

agad ko namang kinuha yon then...

*kain


*kain



*kain



*kain



*kain


=BUSOOOOOG!!

Tarap tarap talaga eh hahaha napatingin naman agad ako sa wall clock namin mag aalasais na pala wala pa sila mama at papa hays sunduin ko kaya si mama? oo sunduin ko nalang hehe ^_^

*lakad


*lakad



*lakad

nakarating narin ako..

"ma! ma!"

"sino po sila?"bungad sakin nung kasambahay dun

"ahm anjan po ba yung mama ko? si mildrelyn po?" nakangiti kong tanong.

"ah si mildrelyn ba?"

ay hindi si susan ata si susan aish.

"opo nanay ko po sya"

"ah nako iha umalis na eh pero sabi nya sakin kanina may dadaanan pa daw sya palengke."

"ah sge po thankyou"

ano namang gagawin ni mama sa palengke? eh lagi naman yun may dalang lutong ulam eh.makapunta nga.

*lakad

*lakad

*lakad

hays nasan na kaya si mama.hmm nahagip ng tatlong mata ko este dalawa si mama hehe andun lang pala sa bilihan ng mga damit nu kayang ginagawa nya dun?

malamang bibili ng damit shunga mo talaga pearl.

"mama!"sigaw ko agad naman syang napalingon na parang nagulat.

"oh anak bat ka andito?"

"tagal nyo po kasi mama eh kaya hinanap ko kaya nag aalala po kasi ako baka kung ano na nangyare sa inyo eh hmm mama ano pong ginagawa nyo dito?

"tutal andito ka narin naman sasabihin ko na sayo surprise sana to eh diba matagal mo nang gustong mabili tong damit na to? ito sana yung gusto mong suotin paggraduate mo kaso wala tayong pambili nakiusap ako sa tindera na hulog hulugan ko to pumayag naman sya kaya eto ngayon nabili ko na"

haluh! napakabait naman ni mother earth ko huhu nakakaiyak kahit simpleng bagay lang to matagal ko nang gustong bilhin tong dress na to eh niyakap ko naman agad si mama.

"waaah thankyou talaga mama huhu"

"walang anuman anak para sayo oh sya tama na ang drama umuwi na tayo bumili rin pala ako ng mga short ng kapatid mo sweldo ko kasi ngayun."

habang naglalakad kami pauwi ni mama di namin inaasahan ang aming nakita.

0___________0

"m-mama si p-papa ba yun?"

Di umimik si mama pero halata mo ang galit at namumuong luha sa mga mata nito.

SI PAPA MAY KAYAKAP NA BABAE DI LANG KAYAKAP NAGKIKISS PA EW!







"Accidentally Falling Inlove With My Boss"Where stories live. Discover now