•Chapter 22 I need you•

3.7K 157 155
                                    

Pearl's POV

asan ako?

Bakit nandito ako?

Bigla akong nakaramdam ng hilo nang iikot ko ang aking paningin..

Nandito ako sa isang kama..

Nakatali ang dalawang kamay..

Madilim..

Tanging ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag kaya kahit papaano ay nakikita ko kung ano ang nasa paligid ko

Nasa isa akong kwarto

Naalala ko na ang lahat! sino sila? bakit nila ako dinala dito?

Wala akong ginagawang masama

Bakit pati ako?

Mama,andrei..

May tao kayang makakarinig sakin kung sisigaw ako?

"Tulooooong! tulungan nyo kooo!"

Maya maya ay nakarinig ako ng kalampag sa pinto at iniluwa nito ang tatlong lalaki

Nakahood silang tatlo na kulay black..

Di ko sila makilala

Bakit nila ko kinukuha?

"Gising na pala sya boss"
sabi nung lalaki sa kanan

"Sino kayo?anong kailangan nyo sakin? Di ko kayo kilala at lalong hindi ako mayaman wala kayong makukuha sakin!"
sigaw ko sa kanila totoo naman eh hindi ako mayaman kaya wala silang makukuha sakin tsaka di ko sila kilala.

"Hindi ikaw ang kailangan namin,ikaw lang ang daan para makuha namin ang kailangan namin"sabi nung lalaki sa kaliwa, di ko sila maintindihan

"Ha?anong pinagsasabi mo?! sino ba ang kailangan nyo at pati ako dinadamay nyo?!"

"Sino pa ba?edi yang jowa mo"
sabi nung nasa kanan.

Ha? ano daw? jowa?kailan pa ko nagkajowa eh nbsb ako!duh nagkamali ata ng kinuha tong mga to eh.

"hoy wag ka ngang mag maangmaangan pa dyan lagi nga kayong magkasama tapos iba yung tingin ni kurt sayo,alam naming jowa mo si kurt! "
ha? jowa ko si kurt? as in boyfriend? takteng yan maid nya lang ako!

"Teka,hindi ko jowa si kurt! personal maid nya lang ako okay?! hindi ako si andrea! hindi nya'ko girlfriend kaya wag nyo'kong idadamay kung ano mang meron sainyo,inuulit ko hindi ako si andrea!! nagkamali lang kayo ng kuha.."

pagtapos kong magsalita ay narinig ko ang tawa nung lalaking nasa gitna,nakangisi sya tsaka tinanggal ang hood kulay red ang buhok nito at may hikaw sa baba ng labi..

"HAHAHAHAAHAHAHA HAHAHAHAHAHA"

"baliw ba kayo? wala kong oras makipagbiruan sa inyo,paalisin nyo na'ko dito wala kayong makukuha sakin!"
parang awa nyo na diyos ko..

"ang tanga mo alam mo yon?" sabi nung nasa gitna habang nakangisi. "hindi girlfriend ni kurt si andrea,ako ang boyfriend nya! akin si andrea hahahaha ang tanga niyo! pareho kayo ni kurt...parehong gago!"
totoo ba tong naririnig ko? wag mong sabihing...

"I-ibig sabihin,i-ikaw yung..M-MIKE?"

"no other than!" sabi nya nang nakangisi

"EH GAGO KA PALA EH! PINAGLARUAN NYO NA NGA YUNG TAO TAPOS ANO PANG KAILANGAN NYO?! NAGSASAMA NA KAYO NI ANDREA DAPAT TUMIGIL NA KAYO!!PARA KANG WALANG PUSO! GAGO!"
di ako nagmumura..pero ngayon siguro oo..

"aba boss,palaban ang isang to ah haha"
pakyu kang baboy ka!

"MAY PUSO AKO ANDREA.." dahan dahan syang lumapit sakin kaya bahagya akong napaatras..ngunit wala nakong maatrasan nang PAK!! bigla nyakong sinampal! naramdaman ko ang dugo sa kanang labi ko! gago! "MAY PUSO AKO...BATO NGA LANG" pagkatapos non ay agad nyakong sinuntok nang dalawang beses sa t'yan..

ang sakit..feeling ko mawawalan nako ng malay sa sobrang sakit...narinig ko pa silang nagtawanan...maya maya ay bumibigat na ang talukap ng mga mata ko naaninag kopang lumapit sakin ang isa at sinampal ulit ako! hinang hina nako..at tuluyan nang nawalan ng malay...






SOPHIE'S POV

haysss!! napakaboring naman dito sa bahay tss wala sina mom and dad..
natatakot na din ako sa multo sorry pero feeling ko may multo talaga dito..

lalo akong kinilabutan dahil sa mga naiisip ko putek naman! tawagan ko nalang kaya si perlas? dun nalang ako sa kanila makikitulog? oo sige tama!

the number you have dialed i--

Okay sige ulit!

the number you ha--

ano ba yan! nakailang tawag nako di parin sinasagot hays ako na nga lang pupunta sa kanila hehehe tama para surprise!

after 10 minutes ay nandito narin ako sa kanila..

"Tita lynnnnn!! titaaaaa!!" Hehehe close ko naman na yung mader nya actually kaya no prob.

"oh sophie,ano kasama moba si pearl? asan ba kayong galing dalawa kanina pa kami dito nag aalala.."

WTH??

"huh? tita..di kopo kasama si pearl pumunta nga po ako dito para sana makausap sya pero...nasa po ba sya?"

tuluyan nang humagulgol si tita.
agad ko namang hinagod ang likod nito at kumuha ng tubig nang sa gayon at kahit papaano ay kumalma sya..

kinakabahan ako..nasan kaba kasi nagsusu suot perlas? takte ka kung nasan ka man umuwi kana diyos ko..

"iha,wala kabang kakilalang pwede nyang puntahan? iha nag aalala nako.."

wala naman akong alam na ibang kaibigan ni andrea maliban sakin..
hindi kaya..
ah oo tama! kahit papano nawala ang kaba ko dahil ang alam ko nagshopping sila ni kurt..

"ahm tita..ang paalam po kasi sakin ni pearl magshashopping daw po sila ni kurt..baka po magkasama pa sila."

"ah oo,salamat iha ha sige tawagan mo na maraming salamat"

ngumiti nalang ako bilang tugon..
naaawa ako kay tita..alam ko kung gano nya kamahal si pearl kahit ampon nya lang ito..hays diko tuloy maiwasang makaramdam ng inggit..sana ganyan din ang magulan ko tulad kay pearl..nakukuha ko nga lahat ng gusto ko pero kalinga naman nila ang pinagkakait sakin..
hays matawagan na nga lang si kurt..

ringggg!

ringg--

"oh sophie?" bungad sakin ni kurt,bat parang patanong? obvious naman ata na hahanapin ko si pearl sa kanya tss.

"kurt? kasama mo naman si pearl diba? pwede pakisabi buksan nya yung phone nya kasi nag aala--

"what?! hindi ko kasama si pearl! hinatid kona sya dyan sa kanto nila kanina pa..ayaw nyang magpahatid sa mismong bahay nila kaya hanggang kanto lang ako..bat wala sya dyan?! simula ba kanina dipa umuuwi?!"

wtf? tangina! so wala si pearl?! nasan kana ba nag aalala nako!!

"wala pa sya kurt,hanapin natin pwede kaba ngayon? please?"
kinakabahan na talaga ako shemay! feeling ko may masamang nangyari!oh lord! no! please!no!

"no,d'yan ka nalang,pagaanin mo ang loob ng mama nya sabihin mo bukas pa uuwi si pearl kunyari nandito sya sa bahay..pinaovernight ni mommy okay? ako nalang maghahanap"

"o-osige k-kurt please gawin mo lahat para mahanap sya nagmamakaawa ako.."

" i will.."


**************

A/N: hi poooo!! huhu nabasa ko mga comment nyo sobra kong na appreciate!huhu sorry ngayon nalang nakapag update ilan buwan din ako nawalan ng phone sorry talaga,don't worry bawing bawi ako sa update thankyousomuch!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Accidentally Falling Inlove With My Boss"Where stories live. Discover now