•Chapter 8 Firstday•

2K 70 1
                                    


Pearl's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang room ka sa 2nd building,4th floor,1st section.
Kinakabahan ako ngayon kasi first time kong pumasok sa isang sikat at pangmayaman na university.nga pala di ako naka uniform ngayon,wala pa kasing pambili si mama,mahal kasi yung uniform nila dito.habang naglalakad ako'y di ko maiiwasang hindi makarinig ng mga bulong bulungan about sakin.actually di sya bulong,halata namang sinasadya nila na marinig ko tss.

"hala sino yan?"

"Bago lang ata sya dito"

"ambaduy yak!"

"cheap!"

"kala mo naman maganda"

Ilan yan sa mga naririnig ko,kung makapagsalita kala mo rin maganda eh kapit lang naman sa foundation,naka maong na pantalon lang kasi ako,white tshirt,black doll shoes,naka pony tail at naka black na salamin eh malabo ang mata ko wala akong magagawa,pero di ako nerd huh palaban kaya ako.pero sa ngayon ewan ko lang kasi bago pa lang ako dito.

Nga pala yung moving stair,scalator pala tawag dun haha niresearch ko sa google kagabi haha.andito na ko sa room ko at after 10 mins ay dumating narin ang prof namin.

"okay class good morning! I am evelyn corpuz,all of my students call me mrs.corpuz, I'm a math teacher."
bayern kay aga aga math bubungad? di pa narerefresh yung utak ko huh.pero sige keri yan.

"Good morning din po mrs.corpuz!"
masaya at sabay sabay naming bati at umupo na kami.napansin ko lang kanina pa masama ang tingin sa'kin nung tatlong babaeng mukhang coloring book ang mukha tss.

blag!

lahat kami nakatingin sa may kumalabog na pintuan at iniluwa nito ang walong ulam este walong naggagwapuhang lalaki.

"kyaaaah! akin ka nalang!"

"Kurt mahlabs!"

"Ryaaaaan!!! how to be yours fo!"

"Ethaaaan!! kyaaah!"

"kyaaah!! pembaryaaa!!"

"werpa mga lodiii!!"

tss oo gwapo sila pero ganyan na ba ka oa para sumigaw? tsk di manlang nila nirerespeto si prof sa harapan.ganito ba talaga pag mayayaman? aish.

"all of you are late! now tell me why then magpakilala kayo isa isa!"galit na sigaw ni mrs.corpuz tss kumakamot lang sa ulo nila yung pito pero yung isa? T-teka diba si kurt to? i-ibig sabihin magkaklase kami? si kurt diri diretso lang sya sa upuan sa likuran nilagpasan nya lang ang prof.psh bantos na bata to.pano naman to naging valedictorian? pero si mrs.corpuz parang wala lang sa kanya yung ginawa ni kurt.psh malamang may ari ng school eh aish.

"ahm hi my name is  julius fernandez"

"I am michael baustista kel for short"

"Ethan reyes here!"

"Ako si ryan mendoza"

"I'm vincent gatip"

"Russel ocampo is mahname!"

"And I'm anthony dela cruz"
pagpapakilala nung pito at umupo na sila sa likuran katabi ni kurt.

"okay class,hindi na nagpakilala si mr.ruiz kasi kilala naman na ata sya ng lahat right? so let's start our topic..."

*FF

natapos na rin ang ilang subject at ngayon ay lunch time na.pumunta na ko ng cafeteria and as usual pinaguusapan na naman nila ko.tss ngayon lang ba sila nakakita ng hindi nakauniform na student dito sa MVU?siguro nga oo mayayaman eh tsaka kahit saan mo tingnan ako lng ang hindi naka uniform dito hehe.

300 ang binibigay na baon sakin ni mama kasama na ang pamasahe pero syempre tinitipid ko parin kasi hindi araw araw may pera si mama pano nalang kung isang araw di na kasya ang pera nya? sa ganon ay may natabi parin ako diba?~(^з^)-♡
umorder na lang ako ng spaghetti at juice
30 ang spaghetti at 20 ang juice hays ang mahal T_T

pagkatapos kong kumain ay gusto ko munang maglibot pero..

blag! ouch!  ang sakit ng pwetan ko huhu sino ba kasi ang nampatid sakin? nako pag ako hindi nakapagpigil,paglingon ko sa likod ko ay nakita ko ang tatlong coloring book na nakatayo,so sila ang nampatid sakin? anong problema nila?

"Hey you! kala mo ba di ko nakita kanina kung paano mo tingnan si kurt? duh bitch! di ka papatulan nun noh? ako lang,ako lang ang gusto ni kurt!"tinatanong ko? psh.

"Bakit ka ba namamatid? anong ginawa ko sayo ha!? anong pinagsasabi mong kurt kurt na yan eh wala naman akong gusto dyan eh tsaka kung gusto mo sya edi go walang pumipigil sayo as if naman may gusto ko dun duh! saksak mo yang si kurt sa malaketchup mong labi che!"*flip my shiny hair  tss kala nya magpapatalo ako?  asa sya!

"so sumasagot ka pa huh? kabago bago mo dito kung umasta ka kala mo maganda fvck you bitch!"psh di ko nalang sya pinansin at naglakad pero di pa ko nakakalayo ng..

*plak!
*plak!
*plak!

p*ta! yak! grrrr!

"HAHAHAHAHA"tawanan nung tatlong coloring book.nakita ko pang napatingin sa gawi namin si kurt pero tuluyan na syang naglakad papunta sa pwesto ata nila yun eh kasi kanina pa walang umuupo dun. wala na naiiyak na ko pero pinigilan ko,dun ko nalang iiiyak to sa cr.
di ako madaling umiyak pero di ko mapipigilan yung luha ko lalo na kung alam kong walang wala na,wala na kong damit T_T ikaw ba naman batuhin ng tatlong itlog? edi amoy baog na ko nito? huhu isa sa damit at dalawa sa pantalon buti nalang di ako tinamaan sa buhok kasi naka ponytail ako nako pag tinamaan lang ako ibabato ko sa kanila itlog ng janitor dito,qiqil!!

tuluyan na kong naglakad papunta sa locker ko,isa isa kaming binigyan ng susi para sa locker namin nung orientation. shete naman oh!! wala na kong extrang damit sa locker ko,di nga pala ako nakapaglagay dito huhu paano nato T_T
napaupo ako sa sahig at tuluyan nang umiyak pero mahina lang wala naman masyadong tao pero may nakita akong magandang babae at lumapit sa akin.

"Miss nakita kita kanina kung paano ka binully nila carmella ganun talaga yun kapag may mga bago dito,wala ka na bang extrang damit jan?"grabe ang ganda at ang bait nya T_T.

"ahm wala na eh"nahihiya kong sabi.

"sige eto oh sayo nalang yang isang uniform ko may tatlong uniform kasi ako sa locker ko at lima sa bahay."Bakit ambait nyaa? T_T di ko naman pwedeng tanggihan to eh kasi baka madisappoint pa sya.

"T-talaga? ibibigay mo yan sakin? as in bigay? S-salamat"nahihiya kong tugon.

"ano ka ba okay lang so can we friends?" ewan ko ako pa ba hihindi,eh wala akong kaibigan dito eh.

"Sure!"masaya kong tugon,finally! may kaibigan na ko dito sa MVU pero sana totoo sya ayoko na maulit yung dati..ang magkaroon ng kaibigang plastik.

"sige magkaklase naman tayo eh bihis ka na then mauna na ko sa room, ako nalang magsasabi sa prof natin kung bakit malelate ka,nga pala pwede mo ko samahan bukas? sa mall? please? wala namang pasok bukas eh may meeting yung mga teachers dali naaa"mall? sa tv ko lang nakikita to pero di pa ko nakarating sa mall eh hanggang palengke at divisoria lang ako,ayoko sanang sumama kasi baka magmukhang ignorante lang ako dun pero nakakahiya naman kung tatanggi ako.

"ahm sige,eh kanina pa tayo nagkikita pero di ko pa alam pangalan mo hehe,ako nga pala si pearl,clouie pearl rivera"

"yes! haha i'm sophie claire sy,sophie for short so ano? bukas ah kita nalang tayo sa gate ng MVU 1pm byee!"waaah! ang ganda ng pangalan nya kasing ganda nya like an angle pa ang ugali.♡('ω')♡

**

[A/N: vote and comment lang po! labyu all!!]

"Accidentally Falling Inlove With My Boss"Where stories live. Discover now