•Chapter 16 b*tch•

1.8K 101 2
                                    

Pearl's POV

Habang nagluluto ako kanina sa kusina ay tumatakbong yumakap sa akin si sophie kinuwento nya sakin na inamin na daw nya kay julius ang feelings nya pero bigo daw sya dahil iba ang gusto ni julius tinanong ko kung sino pero ayaw nyang sabihin kahit anong pilit ko hays.

Ngayon ay lahat kami nakaupo dito ang tagal naman kasi nila anthony eh.

"Master! eto na sya!"napatingin kaming lahat ng bumukas ang pinto at niluwa nito sila anthony kasama si carmela na hawak nila sa magkabilang braso at may panyo sa bibig.

"A-anong kailangan nyo sakin? bakit nyo ko kinikidnap? pwede ko kayong kasuhan!"-sigaw ni carmela wala pa si kyle eh nag cr ata.

"manahimik ka nalang at magsabi ng totoo,wala tayong magiging problema" sabat ni vincent,kami ni sophie tahimik lang. si julius naman pasulyap sulyap sakin tsaka kay sophie problema neto?

"KAYONG DALAWA! KASABWAT KAYO DITO NOH? ANONG GAYUMA PINAINOM NYO SA KANILA PARA MAGAWA NILA ANG GUSTO NYO!?"aba aba kami pa sinisisi nitong bruha na to ah.

"Hoy! wag mo nga kaming sinisisi dyan di kami ang nag utos sa kanila noh!"ako na ang sumagot mukhang wala sa sarili tong si sophie eh..

"PWES SINO?"tanong nya.

"WALANG IBA KUNDI AKO"sabat ni syokoy teka alien ba to? bigla bigla nalang sumusulpot eh.

"K-kurt"di makapaniwalang sabi ni carmela. "kurt tingnan mo sila oh pigilan mo nga sila nasasaktan ako ouch ang shaket"luh? landede ah?

"I DONT CARE,GAWIN NYO NA DAPAT NYONG GAWIN"-kurt.hahaha

Magsasalita pa sana si carmela kaso tinali nila vincent ang dalawang kamay nito patalikod tsaka pinaupo sound proof ata tong area nila kaya kahit anong pagsisi sigaw ni carmela walang makakarinig sa kanya.

"Now tell me anong ugnayan nyo ni andrea?"grabe to dirediretso.

"wala kong al-"

"I SAID TELL ME! ALL I NEED IS TRUTH OR ELSE YOU KNOW WHAT CAN I DO"grabe nakakatakot tong syokoy na to.

"K-kurt wala talag-"

"SO DI KA TALAGA AAMIN? LAHAT NG MERON SA INYO NI ANDENG AT ALAM MO ABOUT KAY ANDENG SABIHIN MO!KUNG HINDI PAMILYA MO ANG MAAARING MADAMAY, ANG SALITA KO GINAGAWA KO"
parang sila lang tao dito lahat kasi kami tahimik lang tsaka si julius naman na kapatid ni andeng nakatungo lang.

"Fine! magkaibigan kami matagal na,bago pa naging kayo naging magkaibigan na kami.sinabi nya sakin nung liligawan mo daw sya tuwang tuwa sya non dahil dadami daw ang pera nya,oo pera lang ang habol nya sayo kurt!kung nagtataka ka na bakit eh mayaman naman sila? dahil nalugi ang business ng papa nila ni julius luging lugi kaya mas inakit ka nya para mas lalo mo syang magustuhan.nung umuwi sya sa UK hindi yun dahil sa lola nya actually papa nya lang ang nagbabantay don. pumunta sya dun dahil kay Mike,ang boyfriend nya. alam ni mike na pineperahan ka lang ni andrea,kaso parang mas maraming time si andrea sayo kaya nagawa ni mike na magselos at magalit kay andeng yun ang dahilan para makipag break sya sayo!"luh? mukhang pera?

"eh bakit naman nya kami kinaibigan?"tanong ko.

"Ginamit nya kayo para di makahalata si kurt,pati nga ako inaaway nya kunyare pero ang totoo pinaplastik nya lang kayo kinaibigan nya kayo para isipin ng iba na mabait talaga sya pero ang totoo hindi maramin na syang pinlastik na kaibigan isa na rin dun si irish abellar ang girlfriend ni vincent"tang*na pati kami ginamit nya? napatingin ako kay kurt na ngayon ay nakayukom ang kamay,galit na galit sya nakakatakot na.

"shit pati ang girlfriend ko walang hiya"
sabi ni vincent halatang galit na galit sya.

"mike arellano ba?"tanong ni russel.

"Oo."tipid na sagot ni carmelande.

"master ibig sabih-"

"oo ang leader ng blue dragon gang ang grupong madalas nating nakakalaban"
halaaa.

"okay sapat na ang lahat ng yon maaari ka nang umuwi basta walang sinuman ang sasabihan ka tungkol dito maski si andrea alam mo na ang pwede kong gawin"di na sumagot si carmela at lumabas na sya.naiwan naman kaming lahat dito na tahimik.

"julius"sambit ni kurt malamig ang tono ng pananalita nya.

"M-master"nauutal na tugon ni julius.

"Anong plano mo,aalis ka na ba sa grupo?" napatingin kaming lahat kay julius,maliban kay sophie di parin sya tumitingin kay julius tss.

"Hindi master bat naman ako aalis? halos kayo na ang kapatid ko, kayo ang tama kaya sa inyo ako kampi kahit ako nagulat sa mga narinig ko,parang di na sya ang andrea na kapatid ko."-julius

"Okay sophie at rivera umuwi na muna kayo kami na ang bahala dito,hatid mo na sila julius."-kurt

"Naku di na kaya namin tsaka may pupuntahan pa kami diba pearl?"sagot ni sophie sa wakas nagsalit ma din tumango lang ako tsaka lumabas na.

-----------------------------------

"MAMAAAAA!"

"oh pearl sakto ang dating mo san ka naman galing? alasyete na oh"

"hehe kila sophie lang po ma"ahay nagsinungaling ka na naman pearl.

"Ate ang ingay mo naman nag aaral ako oh"-andrei.luh?

"luh? nag aaral eh nagdodrawing ka lang jan wag nga ko drei oh sya magbibihis lang ako ma wag muna kayo kumain ah!"  bakit ba takot ako maubusan eh.

"sige anak."

maya maya pa ay tapos na kaming kumain sarap ng lumpiang togue hehe.

nga pala tss bukas na ang umpisa ko ng trabaho kay syokoy pero di parin ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina. totoo kaya yun? malamang sa alamang oo si kurt ba naman ang magtanong.

andito ako ngayon sa kwarto ko facebook facebook hehe gusto kong magchange ng profile. ay wag nalang bukas nalang hehe yakap yakap ko ang malaking stuff toy ni spongebob favorite ko to eh pangalawa lang si hello kitty regalo to sakin ni sophie.
magchecheck nalang ako ng mga posts.

*Sophie ariella sy
bestfriend? its hurt </3
84likes•39comments•5share

*Kurt Ivan Ruiz
Fvck you bitch!
236likes•109comments•56share

**** ******
Pogi ni kurt kanina nakita ko sa mall shemaaaay!!!

***********
dp to dp? like ko dp nyo pusuan nyo yung akin G?

********** *****
H! pH03cxzs p4k!7474 kh0 l4n6s bh3be k0h!
!70v3 ¥¤^ bh3be k0h! β3nt3 0t$0 $4¥¤ 74π6 k4k4l4mP46!

Inaantok na ko yoko na lalo na yung huli di ko mabasa jusq alien languages ba yun? sleep na nga ko hayyyy


[A/N: hi mga bb vote naman kayo oh please hihi pinagpawisan ako sa pagjeje jk haha labyu all.]

&quot;Accidentally Falling Inlove With My Boss&quot;Where stories live. Discover now