Chapter 1 (SOG) Graduation Party

433K 5.9K 398
                                    

Annie's POV

"Congratulations, Pretty Bes!" sabay yakap sa akin nang aking bestfriend na si Thalia.

"Thank you, Pretty Bes! Congrats din!" I hugged her back at nagbeso beso kami. Kakatapos lang ng graduation namin. Sa wakas, nakatapos na rin kami parehas ng highschool. Ang saya saya! Nandito kami ngayon sa labas ng building namin.

"Grabe lang. Hindi ko akalain na makakagraduate tayo," sabi niya nang natatawa.

"Hindi ka naman makakapasa sa mga tests kung hindi mo ako katabi eh," Pang-asar ko sa kanya.

"Grabe ka naman. Atleast naman nililibre kita halos araw-araw. So, quits lang tayo!"

"Whatever! Paano naman kasi hindi pa sapat ung ipon ko para sa dream car ko no! Kaya kuripot ako ngayon. Haha." Gustong gusto ko na talaga mabili ung dream car ko na 'yon. Nakita ko lang sa internet yun eh, Aston Martin One-77, i badly want you! Sarap siguro sumakay dun. Hayy. Kailan kaya kita mabibili?

"Huy! Are you listening to me?" Epal naman oh. Nagdedaydream pa ako na nakasakay ako dun eh tapos nagpipicture pa ako na parang model eh.

"Ha? Ano ulit sabi mo?" Wala akong narinig sa mga sinasabi niya kanina pa dahil sa pagdedaydream ko.

"Hay nako! Nagdedaydream ka na naman noh? Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa mommy and daddy mo na gusto mo nun? Tutal kaya naman nila bilhin 'yon," mataray na sigaw niya sa'kin.

"Eh para namang ibibili ako nun noh. Pati hindi pa ako marunong mag-drive. And gusto ko sariling pera ko ang gagamitin ko pambili." Lahat na ginawa ko para makaipon para sa dream car ko na 'yon. Hindi ako gumagala. Minsan lang ako kumain. Lagi ako nagpapalibre kay Thalia. Kapag aalis kami, lagi niyang libre kahit pamasahe ko. Hihi. Ang kuripot ko noh?

"Sabagay. Ede magdriving lesson ka. Problema ba yon? Tss." sabay irap niya.

"May bayad din dun noh. Huwag na lang. Tama na nga muna 'to. Ano ba ung sinasabi mo kanina?" Kanina pa kami usap ng usap dito eh, nangangawit na ako sa high heels ko.

"O'nga pala noh. Ikaw kasi eh. Punta tayo sa amin ngayon, may party kami eh."

"Ahh. Ganun? Sige! Let's go!" mukhang mas excited pa ako sa kanya eh. Paano nagugutom na ako and ang init kaya ng suot namin.

"Tara! Teka, tawagan ko lang si Kuya Driver ko."

Tinawagan na ni Thalia si kuya driver then after 5 minutes, huminto ung Audi A5 na gift ng parents niya sa kanya. Binigay sa kanya 'yun kahapon lang pero hindi marunong magdrive 'to kaya may driver siya.

Pinagbuksan pa kami nung driver at nauna siya sa akin sumakay. After 40 minutes, nakarating na kami sa bahay nila. Bumaba na kami ng sasakyan at sinalubong kami ng mga guards and maids doon.

"Good Evening, Ma'am Nathalia and Ma'am Annabeth, Congratulations po sa inyong dalawa," Bati nung mga guards and maids sa amin parehas. Kilala na rin ako dito kasi halos araw-araw na ako dito.

"Good Evening din po sa inyo. Thank you po," Bati naming dalawa. 

Pumasok na kami ni Thalia sa loob ng bahay. Kabisado ko na rin 'to. May sariling kwarto nga rin ako dito. Oha! Para kasing kapatid ang turingan namin parehas kaya parang anak na rin ang turing sa akin nila Tito Daniel and Tita Kath, parents ni Thalia. Ang daming tao grabe. Lahat ng kamag-anak nila nandito rin eh at kilala rin nila ako.

Puro pagbati ng congratulations ang bumungad samin pagkapasok na pagkapasok namin. Isa isa din namin silang pinasalamatan. Sunod ay pumunta muna kami sa kwarto ni Thalia para magpalit ng damit.

School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon