Chapter 4 (SOG) Chael's Revenge

197K 3.2K 348
                                    

Chael's POV

Bakit naman kasi dito pa sila nagyaya magbakasyon?! Pwede naman sa ibang bansa na lang. Mas maganda pa don eh.

That girl was annoying! Siya lang ang sumigaw at nakipag-usap sakin ng ganun.

Until now, Iniisip ko pa rin kung paano ako makakapaghiganti sa sinabi niya sakin at ginawa niya. Sino ba siya para pakielamanan ako sa ginawa ko? Sino ba siya para sigawan at sabihan ako ng ganun?!

And she said that she don't want that resort's image to be ruined by ME. Ano ba siya sa resort na yun? Aish! The hell I care about that stupid girl!

May naisip na ako para magantihan siya. Sisiguraduhin ko na matatanggal siya sa trabaho niya sa resort na to. Tignan natin kung hindi siya magmakaawa sa akin.

Nandito kami ngayon sa kinainan ko kahapon ng Silent Voices at Eye Trickers pero Silent Trickers ang tawag samin kapag magkakasama kami. Ewan ko ba kung bakit dito sila nagyaya. I hate their foods here. Hindi masarap magluto ung chef nila dito.

Nagorder na sila ng pagkain saka tumingin sakin.

"Chael, Ano order mo?" tanong sakin ni Luke. Bestfriend ko since highschool.

"Nothing. I don't want to eat. I don't like their foods here." sagot ko sa waitress. Sinimangutan lang ako ng waitress at umalis na.

"Sure ka? Baka magutom ka niyan mamaya." tanong ni Leo. A Casanova but you wouldn't think that he has a girlfriend, Khione Clarisse Levesque. Gang leader ng Eye Trickers. Sa JU din sila nag-aaral.

"Kaya nga. Pupunta tayo mamaya sa gun shooting area. Namimiss ko na rin humawak ng gun eh." sabi ni Jason. This guy's the happy-go-lucky type. Also, he has a girlfriend, Dianna Silena Rodriguez. Member ng Eye Trickers. Parehas na parehas sila ng personality kaya siguro naging sila.

"Yeah. I'm sure. I won't change my mind. So you better eat fast." I answered.

"Okay. Sabi mo eh." said Will. The reserved- type of a man. Si Iris Gwendolyn Gardner ang grlfriend niya. Last member of Eye trickers.

Habang kumakain sila nakita ko si Stupid Girl na kumukuha ng orders ng customers. Nakita ko din ung kaibigan niya kahapon na nakatulala at nakatitig lang sa amin ng makita kami. TIME FOR MY REVENGE SG!

"Excuse me!" tinaas ko ung kamay ko. "I want to order." sabi ko at nagtaka ung mga kasama ko.

"Kala ko ba hindi ka oorder ha?" tanong ni Leo.

"I changed my mind. Excuse me! I said I want to order please?" nilakasan ko ng konti ung boses ko para marinig ni SG. Ang tagal naman oh. Tinignan na naman ako netong mga kasama ko.

"Seriously Chael?! Nagsabi ka ng please? Di nga? Bumabait ha! Whahaha." Jason said in amused tone while laughing.

"Just shut up and eat."

May lumapit na waitress pero hindi si SG. Kaya bago siya magsalita inunahan ko na siya.

"I want that girl to be the one serving me." sabi ko sa waitress at tinuro si SG saka tinaasan ako ng kilay. Hindi na siya umangal. Good! Lumapit ung waitress na ang name ay Cham kay SG at may sinabi. Nung tumingin sa direksyon namin si SG nanlaki ung mata niya. Umalis na ung Cham at lumapit sa amin si SG. I saw her nametag. So Annie pala name netong SG na to.

"What are you doing here?"

Aba! Gandang bungad ha. Baka nakakalimutan niya na customer ako.

"Oh! You're the girl yesterday who shouted at Chael. I adore you." sabi ni Jason. I adore you pang nalalaman.

School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon