Chapter 2 (SOG) School Searching

209K 3.6K 48
                                    

Annie's POV

Grabe! Pagod na talaga ako. Kasi naman 'tong si Thalia eh. Bakit ba kasi ganitong way pa nang paghahanap ng school para sa college ang naisipan niya?

FLASHBACK.

"Tara na, Annie!" pag-aya niya sakin after namin masuot ang isang necklace. At saan namin kami pupunta?

"Where to?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko pa ba nasasabi sayo? Ede maghahanap tayo ng school na papasukan natin sa college!" Kailangan talaga isigaw? Hindi naman ako bingi. At 'yun lng ba? Madali lang yan eh. Tss.

"Problema ba y'on? Ede sa internet maghanap." Ang talino ko talaga.

"Ayoko dun! Gusto ko tayo mismo ung maghahanap." Ano bang pinagsasasabi neto? Papahirapan niya lang sarili niya. Kapag sa net, boom, tapos na agad.

"Okay ka lang? Mas madali sa internet kapag dun tayo naghanap noh, may mga pictures pa."

"Ayaw! Gusto ko makikita sa personal. Ayoko ng picture lang. At walang magawa dito sa bahay kaya eto naisip ko para hindi tayo mabulok dito. Diba?" Ang kulit! Tss. May magagawa pa ba ako? Hayyy.

FLASHBACK ENDS.

Hindi ba napapagod 'to kakahanap? Kanina pa kami lakad ng lakad. Ang dami na namin napuntahang universities. Hindi pa namin kasama si kuya driver kaya eto, namasahe lang kami. Lakad sa hallway, silip sa classroom na walang tao, tingin tingin at tanong tanong ng kung anu-ano. Kapag napagod, upo lang sandali tapos gora na ulit.

'yan ang ginagawa namin kanina pa! Eh sino ba naman bang hindi mapapagod? 1:00pm kami nagsimula, anong oras na ngayon? 5:00pm. Wahhhh! Grabe na ito. Hindi pa kami kumakain, tubig pa lang naiinom ko.

Gutom na'ko!

"Hayy! Grabe. Kapagod pala. Nagugutom na rin ako." Wow. Thank god at nakaramdam din ng pagod at gutom ang babaeng 'to.

"Oo nga eh. Grabe noh?!" sarcastic kong sagot. I want to eat, kaya tumayo na ako sa bench na inuupuan namin at balak na pumunta ng mall nila Thalia.

"Huy! Wait mo ako! Saan ka pupunta?" sigaw nito habang hinahabol niya ako at naabutan na niya ako nung saktong may dumaan na taxi na walang sakay.

Sumakay ako sa taxi kaya sumakay na rin siya.

"Sa Mason Mall po," sabi ko sa driver ng taxi.

"Anong gagawin natin dun?" tanong nito sakin.

"Ede kakain at magpapahinga. Ikaw kaya ang paglakarin mo ng mahigit 5 hours? Hindi ka kaya magugutom at mapapagod?" medyo naiinis na sabi ko.

"Ayy. Galit ka? Sorry na oh. Pleasee?" Nagpacute pa sa akin. Hindi naman ako lalaki. Pasalamat ka love kita eh. Hay nako! Kung hindi.

"Fine fine. Stop that. Basta libre mo ako." Eto na naman ako sa pagiging kuripot ko, Well.

"Aye aye! Hihihi. Basta bati tayo ha!" nakangiting pagpayag nito. Napangiti ako sa loob loob ko dahil hindi na naman ako gagastos.

Nang makarating na kami sa mall, sa yellow cab kami pumunta dahil dito kami may nahanap na bakante na seat.

"Alam ko na kung saan tayo mag-aaral ng college guys!" rinig ko na sabi ng isang babae sa likuran ko na table. Kumagat ako sa pizza na hawak ko at ngumuya. Nagkaron din ng laman ang tiyan ko!

"Saan naman 'yan? Make sure na maraming gwapo dyan ha," rinig ko naman na sagot ng isa sa mga kasama nito. Nagsalubong saglit ang kilay ko dahil sa sagot nito. Iyon talaga ang pakay nila sa pagpili ng papasukan na school para sa college ah? Tsk tsk.

Humigop na lang ako sa juice na inorder ko saka kumagat ulit sa pizza na hawak ko. Grabe, the best talaga pizza dito.

"Super dami grabe! Puro mayayaman at hot pa!"

Napa-iling na lang ako sa sagot ng isa pa sa mga kasama nila. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko dahil sa ngayon ito lang ang mahalaga sakin.

"Talaga lang ha? Osige dyan na tayo mag-aral. Anong school ba yon ha?"

"Jackson University! Narinig ko lang rin 'yan sa mga girls na nag-uusap kung saan saan. Puro gwapo at mayayaman mga students daw dito!" kilig na kilig na sabi nung babae sa mga kasama nito na excited na tumili.

Napa-irap ako sandali dahil dito. Jackson University? Never heard of that before. Mukhang sikat nga ung school na iyon. Pinag-uusapan daw sabi nung mga malalanding ito eh. Tss. Baka naman mayayabang ung mga nag-aaral dun noh.

"Annie! I think I know kung saan na tayo mag-aaral."

Tumingin ako kay Thalia at nakitang tapos na siyang kumain. Parang alam ko na nasa isip neto. 

Thalia's POV

Nilabas ko ang cellphone ko para ma-search ung Jackson University na 'yan. Marami daw gwapo ha. Nakikinig din ako sa mga babae kanina na kung mag-usap eh, parang mundo lang nila. Nang marinig ko ung usapan nila, hindi ko alam pero parang nahiyakat ako na gustuhin mag-aral dito.

"Annie! I think I know kung saan na tayo mag-aaral."

"Make sure na hindi na tayo maglalakad at maglilibot kasi ayoko na."

Eto naman oh. Sungit!

"Naman!"

Pinakita ko sa kanya ung website ng Jackson University. Infairness, ang laki at ang ganda ng school ha.

"Diyan tayo mag-aaral!" sabi ko ng nakangiti. Iba kasi ung feeling ko sa school na 'to.

Feeling ko magiging masaya ang college life namin.

School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon