Chapter 3 (SOG) First Meeting

214K 3.5K 92
                                    

Annie's POV

Nandito kami ngayon ni Thalia sa Chase Paradise Resort para mag-swimming at magsaya.  Magkasama na lang din kami sa isang room.

By the way, nagpa-enroll na lang kami sa Jackson University. Tinatamad kami parehas magenroll eh. Pati wala namang entrance exam dun basta daw may pera. Tanggap ko na dun na kami mag-aaral. No choice ako eh. Hindi ko din sigurado pero iba ang kutob ko sa school na 'yon.

Nag-swimming lang kami sandali at saka dumiretso na din sa kainan dito sa resort. Malapit ko nang maubos ung carbonara ko nang may narinig akong nabasag na kung ano. 

"Fck! The food is disgusting! I don't like it. Give me another one now!" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Hindi ko pa nakikita ung mukha niya kasi nakatalikod ako. Napansin kong nanlaki ung mata ni Thalia nung mapatingin siya sa lalaki sa likuran ko.

"Uhm. Sir, I'm sorry pero hindi niyo po kailangan sumigaw. Kailangan niyo po muna bayaran ang mga nasirang gamit at nasayang na pagkain, sir," sabi nung isang waitress nang pagkatingin ko sa likod ko.

"What? It's not my fault! It's your f*cking idiot chef's fault! Whoever that chef, tell him that this food tastes disgusting. Argh!" Grabe na 'tong lalaking to ha! Kung makalait ha. Dahil sa inis ko, naglakad ako papunta sa kanya at sumunod naman sakin si Thalia.

"Sir--" napatigil ung waitress nang makita ako. Sinenyasan ko siya na ako na ang bahala sa napaka-arteng lalaking 'to.

"And who the hell are you?!" sabi nung gwapong lalaki pero sobrang arte! Gwapo nga siya kaya nga lang walang manners. Tsk. Sayang lang.

"Excuse me, sir, but you didn't need to do that." Tinuro ko ung basag na plato na may lamang pagkain na nakakalat sa sahig. Nililinis ito ng isang janitor. "And you don't have the right to insult the chef here. And please, if you didn't like the food here, say it in a nice way."

Chill muna sa una. Ayokong masira ang image ng resort namin nang dahil lang sa lalaking 'to.

"Why? I don't f*cking care! I'll do the things that I want and you don't care! It's true that the food here sucks!" Walang hiya! Sumosobra na 'to ha! Hindi ko na kaya mag-chill.

"Then why are you eating here if the food is disgusting?! I care because I don't want the image of this resort to be ruined by an annoying jerk like you!" sigaw ko na parang sumasabog sa galit. Aish. Bwisit na lalaki 'to. Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito at ung ibang customer umalis na.

"The fck! Did you just call me jerk?!" galit na rin si AJ, short for annoying jerk. Nakakatakot siya tignan at parang pinapalibutan siya ng very dark aura pero wala akong pakialam! Hindi ako natatakot.

"Yeah! You annoying jerk!" halatang nagpipigil na siya na saktan ako eh. Psh. Wala rin atang galang 'to sa babae eh. Ay mali, wala siyang galang sa babae! Tapos may biglang dumating na apat na lalaki at tatlong babae saka lumapit kay AJ.

"Chael! Let's go! Stop this! We've been looking for you," sabi nung lalaki na isa sa mga dumating. So, Chael (KA-EL) pala name ng AJ na to. Psh. I don't care! Tumingin sakin ung apat na lalaki at tatlong babae. Ang sama ng tingin sakin ng AJ na 'to ah. Sinamaan ko rin ng tingin.

"Uhm, we're sorry about what happened earlier. Our friend is just upset. We're really sorry and don't worry, we will pay for the damages," sabi ulit nung lalaki na pumigil sa AJ na 'to.

"Why are you fckin saying sorry to that girl?!" sabi ni AJ.

"Tara na nga, Chael! Grabe ka! Pati babae eh pinapatulan mo," sabi nung isa pang lalaki sa tatlo na dumating.

"Aish! The next time we're gonna see each other again, you're really dead! Be thankful that my friends came here to stop me because if not---" Pinagbabantaan ba ako neto? Para namang natatakot ako sa kanya.

"God Chael! Stop now okay? Let's go." Hinila na nila ung AJ na 'yon. Buti naman at wala na siya sa paningin ko.

"We're really sorry about what happened. Please continue eating. Thank you," I politely said to the customers. Bakit ba kasi dito pa kumain ung AJ na 'yun? Yung ibang customer nagpatuloy na sa pagkain. Buti naman at konting customer lang yung umalis kanina.

Napansin ko na tahimik lang si Thalia sa tabi ko at walang imik. Nanlalaki ung mga mata niya na parang nakakita ng multo. Problema neto?

"Huy! Okay ka lang? Bakit parang nakakita ka ng multo ha?"

"Over ka! I can't believe that you did that! And kaka-nosebleed kayo parehas. Hindi mo ba siya kilala? Pati ung mga friends niyang so gwapo?"

Syempre! Ako pa noh. Parang bulkan ako magalit eh. At paano ko naman makikilala 'yon? Ang malas ko naman kung sakali. Buti pa ung mga kaibigan niya, hindi nagmana sa AJ na yun.

"He's really annoying. At bakit? Sikat ba yun ha? Sikat ba sila?" Pero parang namumukaan ko sila eh. Saan ko nga ba nakita yun?

"Di mo naaalala? Yung lalaking nakasagutan mo kanina, he's the son of the owner of Jackson University and their group is really famous. Sila ung mga lalaking nasa picture na nakita ko sa online nung nagsearch ako tungkol sa school na 'yon."

What?! Anak siya ng may-ari ng Jackson University?!

"Are you sure? Parang di kapani-paniwala eh," sagot ko sa kanya na walang kasiguraduhan.

"I'm 101% sure! Paano na 'yan? Baka hindi na tayo makapasok dun?" sabi ng kaibigan ko na nakasimangot na.

"Don't worry, hinding hindi ako natatakot at magpapatalo sa kanya. Ano naman kung sila may-ari nung university? Magbabayad naman tayo do'n ng tuition."

Diba?! Yabang niya. Sobra. Maarte pa.

Thalia's POV

Wah! I can't believe nakita ko na sa personal si Prince Charming ko! Ang gwapo gwapo at ang bait pa ni Luke Ethan Castellan. Hindi tulad ng AJ na 'yon. Hindi man lang niya ginalang ang kaibigan ko. Pati kabisado ko na ung pangalan ng mga ka-group nila dahil sa website nila.

Yung AJ na 'yon, Si Michael Angelo Jackson, yung anak ng may-ari ng Jackson University. Single pa DAW yan eh. Kaso parang hindi ako naniniwala.

Ang aking Prince Charming, Si Luke Ethan Castellan, siya ang bestfriend ni AJ. And single din siya at ako ang magbabago don! Hihihi. Tapos ung tatlo, sina Leo Solace, Jason Stoll at Will Yew. Yung tatlong kasamang babae ung mga girlfriends nilang tatlo. So far, 'yan pa lang nababasa ko sa website nila. Iba din eh, may special section sila don sa website ng school na kung saan may pictures at pangalan nilang walo na magkaka-ibigan. Bakit kaya? Mas na-excite tuloy ako pumasok dahil dito.

Hindi pa rin ako makamove on don sa nangyari kanina. Tinitigan niya ako kanina. Oh my god. Parang matutunaw na ako kanina.

Thank you na rin sa AJ na 'yon kasi nakita ko na ang aking Prince Charming. May magandang naidulot din pala ang nangyari kanina.

School of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon