Stolen Shots

99 1 0
                                    

After the wedding.......syempre balik eskuwela na ko at lipas na sa kin ang wedding thingy na yan...

At School....

Jona POV

O di ba POV agad. Pakilala muna ko, BFF ko si Ysabelle. Isa akong pa-girl...Alam nyo na yun....sa madaling sabi binabae....

Uy Ysabelle kmusta na ang wedding of the Century, tanong ko sa kanya.

Ysabelle: Oks naman gurl pero na loss ang beauty ko sa haba ng byahe. hmppp.

Jona: San ba ginagawa sa bundok ng tralalala at ganyan ang himaktol mo.

Ysabelle: Parang ganun na nga. Super layo kasi.

Jona: Worth it ba naman ang dinayo mo? Kwento ka naman. May mga papable ba sa area na yun.

Ysabelle: Ewan...di na ko nag abala pang tingnan at mag hunting ng boys sa pagod at antok ko. Kalayo kasi as in....

Jona: Boring naman ng kwento mo. E kmusta naman ang mga in-laws ng kuya mo?

Ysabelle: Ok naman sila. Bale 3 magkakapatid sila ate Dine. at mababait parents nya, pinagbabakasyon nga ako dun eh.

Jona: talaga? me kapatid ba syang lalaki? pakilala mo naman ako kasi sa sa tingin ko guwapo ang kapatid ng sis in law mo kasi maganda sya. O anong macocomment mo girl?

Ysabelle: Pede na.

Jona: tipid ng sagot. Guwapo no....So type mo?

Ysabelle: Di ah.....Wala sya sa standards ko. Isa pa nagkiss na kaya sila ni ate Cia kasi sila ang nakakuha ng flowers at garter ba yun.

Jona: maka sagot wagas ah... Bitter lang...Parang amoy malansa teh.... (feeling ko type ni Ysabelle ang kapatid ng sis in law nya di lang makaamin sa sarili, di bale matutuklasan ko rin yan).

Ysabelle: Mga hinala mo girl, tara na nga, punta na tayo sa class natin.....

Vince POV

Papunta ko ngayon sa bahay nila ate Dine at Kuya Ace, dala dala ang mga picture na pagpipilian nila para sa album ng kasal. Pinasama ko na din sa official photographer yung mga kuha sa SLR ko para makita din nila ate. Makikita ko kaya si Ysabelle ngayon, sabi ko sa sarili ko. Gustong gusto ko kasi ang ngiti nya, parang nakakatunaw, parang nahuhulog ang puso ko. Ano ba itong iniisip ko, e mukhang mahigpit si Kuya Ace, mukhang walang makakalapit sa kanya.

Sa bahay nila Ate Dine:

Ate dala ko na yung mga pictures nung kasal mo sabi ko.

Ate Dine: O sige tingnan natin pero tatawagin ko lang sila Ace pati mga kapatid nya to check the pictures.

Vince: Sige antayin kita Ate. Malapit lang ba bahay nila dito?

Ate Dine: oo 2 houses from here.

Habang inaantay ko si ate, di ko na nacheck yung mga picture na galing sa photographer same as sa SLR ko. Nang makadating sila ate, nakita ko na naman ang cute na ngiti ni Ysabelle.

Cia:Hi Vince, musta?

Vince: K lang.

Cia: tipid naman ng sagot...

Vince: May sinasabi ka? (kala nya siguro di ko narinig yung sinabi nya)

Cia: ah wala naman.

Vince: Hello Ysabelle, kmusta ka na?

Ysabelle: mabuti naman.

Tapos ngumiti sya para na naman malaglag ang puso ko nito. Sa tingin ko napansin ni Cia ang lihim kong pag ngiti kaya biglang tinabihan ako.

Cia: Tabi tayo ha, habang tinitingnan natin yung mga pictures.

Vince: Sige..

Di ko alam kung may gusto sa kin 'to si Cia o dahil lang nung halik nung kasal.

Binuksan na ni ate yung TV nila tapos tiningnan na yung mga pictures na isasama sa album. ang di ko inaasahan ay yung mga kuha ko na stolen shots ni Ysabelle. Sinama pala nung photorapher dun sa compilation nila. Nagulat silang lahat sa nakita nila. Ang dami ko kasing stolen shots sa kanya. kinabahan tuloy ako kasi baka magtanong sila....

Ate Dine: O sino kumuha ng mga pics na ito, sobrang captured ang mga kuha ni Ysabelle ha. Ang gaganda at super dami.

Vince: Ahhhhh.....itatanong ko na lang dun sa photographer baka sila ang kumuha nyan.

Ysabelle: Stalker ko ba yung photgrapher at bawat moment ko ata eh kinuhanan nya. Pero in fairness ang ganda ko dyan.

Maganda ka naman talaga, bulong ko.

Ysabelle: Kuya Vince me binubulong ka?

Vince: Wala naman, ang sabi ko mukha ngang stalker mo yung photographer sa dami ng picture.

Kuya Ace: Naku mukhang babantayan ka na naman namin bunso ah....mukhang me nagkakagusto na naman sayo.

Ysabelle: Kuya naman parang picture lang...hmpppp.

Naku ang higpit pala ng bro in law ko, super bantay to si Ysabelle. Di bale para sa kin cute lang naman sya.

Cia: Bakit puro si Ysabelle ang nandyan....madaya naman yan.

Dine and Ace: Di ka kasi type nung photographer.

Cia: Ewan.

At ayun nagtawanan kme.Kala ko mabubuko na ko, buti nalang.......

Ate Dine: Pero teka Vince, di ba gamit mo din yung SLR mo?

Patay nagtanong na si Ate.....

Vince: OO gamit ko pero puro kau lang ni Kuya ang kinuhanan ko. (mabubuko pa ata ako sa loob loob ko)

Ate Dine: Ah ok. sige tama na yang mga napili namin , pakidala na lang sa photographer ha. Salamat Vince.

Wheew..nakumbinsi din si ate pero si Cia parang hindi....

Vince: OO ate ako na bahala dito.

Cia POV

Etong si Vince parang gusto nya si Ysabelle, pero baka naman as a younger sister lang, kasi hello 8 years ang agwat nila di ba unlike kme 2 years lang. Pero nagtataka lang ako bakit ang daming kuha ni Ysabelle. Anyway, wa na kong pake baka talagang yung photographer lang ang kumuha nun.

Ysabelle POV

Naschock naman ako sa dami ng stolen shots ko. Di ko inaakala na marami kong pics. Pero ang hinala ko si Kuya Vince ang kumuha nun kasi nahuli ko sya sa simbahan nun kinuhanan nya ko ng pics ng di ako nakatingin. Pero ano naman mapapala nya kung kukuhanan nya ko ng pics, di ba?

Loving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon