Surprise

22 1 0
                                    

Ysabelle POV

Malapit na kme sa bahay, kasama namin si honey para naman maayos na ito at para mapakilala ko na sya ng maayos.

Vince: Honey sure ka na ba sa gagawin natin?

Ako sigurado na ko. magalit man sila , ipagtatangol kita. yun ang sabi ko sa kanya pero me halong kaba ang tono ng boses ko.

Kumapit ako ng mahigpit kay Vince, napansin nya siguro na kabado ako kaya kumapit din sya at hinalikan ang noo ko.

Cia: Tama na yan ka cheesy han nyo. malapit na tayo sa bahay. Umayos ayos ka muna Ysabelle.

Oo na ate porket wala kang love life kaya bitter ka eh.

Cia: Umayos ka, ayoko lang ng komplikadong buhay no.

Ok Fine sabi ko at tumahimik na ko. Nag iipon na ko ng lakas ng loob para masabi ko na pag uwi namin.

Nandito na kme sa labas ng bahay namin. ang lakas na ng tibok ng puso ko. parang di ko ata kaya pero kailangan kong kayanin, alang alang kay Vince. Ramdam ni Vince ang kaba ko kaya todo ang hawak nya sa kin.

Vince: Ok ka lang ba? Gusto mo bang sa ibang araw na lang natin sabihin. Ayoko kasi nakikita kang nahihirapan eh. ok lang na ako ang maghirap wag ka lang.

kaya ko to Honey. Wag kang mag alala. sabi ko kay Vince.

Naunang pumasok si Ate Cia sa gate pero bigla syang napaatras at humarap sa kin na parang gulat na gulat ang expression ng mukha nya. Bigla akong tumakbo papasok sa gate namin at nakita ko ang banner na nakalagay sa wall.....................

I LOVE YOU SO MUCH LOVE.......WILL YOU MARRY ME? LET'S GET MARRIED.

Natulala ako sa nakita ko. Niyakap ako ni mama nung nakita nya ko.

Mama: Anak, I'm so happy for you. alam kong di ka pababayaan ni Colin. Nung wala ka talagang kinausap nya kming lahat at sya ang nagplano nito. Napaka swerte mo sa kanya anak.

Pero ma.......yun lang ang nasabi ko kasi nakita ko si Colin sa tabi ko na may hawak na parang matulis na bagay pero di ko pansin kung ano kasi, bigla syang dumikit sa kin at bumulong.......

Colin: Sige subukan mong magsabi sa kanila ng totoo at ng lihim ko para tuluyang mawala sa yo si Vince at ang ate mo.

Lumingon agad ako, si ate cia tulala pa din pero may nakatabi sa kanyang babae na di ko kilala at parang sa mata lang kme nag uusap na "anong nangyayari". Parang balisa si ate kasi pilit ang ngiti nya. Si Vince hinahanap ko pero may mga kausap syang lalaki na di ko rin kilala tapos bigla silang umalis. Aalis na din sana ko para sundan si Vince ng hawakan ni Colin ang dulo ng damit ko...

Colin: Not now my love........

Hindi napansin ni mama ang komosyon na nangyayari kasi parang normal lang ang lahat, pati yung sa min ni Colin kasi parang couple lang kme.

Mama: Sige na anak, entertain your guest. I'm so happy for you and Welcome to our family Colin.

Colin: Thanks Tita

Mama: Call me mama from now on.

Colin: Ok mama.

Pagkaalis ni mama, binalikan ko si Colin.

Mag usap nga tayo, sabi ko sa kanya. nung makalayo na kme.......

Colin ano na naman ito. Joke ba ha? Asan si Vince....

Colin: Pinaligpit ko na. Gusto mong makita?

Dinala nya ko sa kotse nya at dun pinagsusuntok ng mga kaibigan nya si Vince. Puro pasa na si Vince. Di sya maka laban kasi tinali nila ang kamay nya. Akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse nya ng biglang nyang hinigit ang kamay ko at hinalikan ako. Nagulat ako at pilit kong kumawala pero di nya ko binibitawan. Mas humigpit ang hawak nya sa kin na tipong nasasaktan na ko. Hindi ko alam kung nakita ni Vince ang ginawa ng Colin na yun. Tumulo na lang ang luha ko sa galit, sa inis, sa sama ng loob, halo halo na hangang sa nagdilim na ang paningin ko..........................

Colin POV

Nalaman ko na may relasyon si Vince at Ysabelle. Di ako makakapayag na mapunta sya sa iba kaya gagawa na kong paraan ngayon pa lang. I oorganize ko na ang engagement party namin. Ako ng bahala sa lahat lahat. kakausapin ko na ang pamilya nya. Alam ko namang boto ang mga iyon sa kin at mag cocounter offer din ako para talagang tanggapin nila ang proposal ko.

----------------Flashback----------------------------

Tita may gusto po sana kong sabihin sa inyo. sabi ko sa mama nya. nandito ko sa kanila ngayon dumalaw ako.

Mama ni Ysabelle: Ano yun iho?

Gusto ko na po sanang pakasalan si Ysabelle, kung ok lang po sa inyo.

Nakita ko ang reaksyon ng mama nya parang nagulat. Pero bumalik din sa normal ang itsura ng mama nya.

Mama ni Ysabelle: Hindi ba masyado pa kayong bata Colin. Parang nagmamadali ka ata.

Hindi naman po sa ganun. Sobrang mahal ko lang po talaga sya. Actually, pag nagpakasal po kme sya na po ang maghahandle ng business namin hangang sa wala pa kming anak. Hindi pa naman po kami mag aanak kaagad para maenjoy namin ang isa't isa.

Mama ni Ysabelle: Ganun ba iho? Hindi ko hawak ang puso ng anak ko. Tanungin mo sya pagbalik nya.

Ganun nga po sana ang gusto kong mangyari. Ok lang po ba na magparty dito pag dating nya tapos magpopropose po ako.

Mama ni Ysabelle: Ang sweet mo naman Vince. Pero excuse lang ha, paano kung hindi sumagot si Ysabelle.

Ok lang tita, mag iintay ako.

Mama ni Ysabelle: Kahanga hanga ka naman.  O sige ipapaayos ko ang bahay.

salamat po Tita.

At tumango lang si tita...Siguradong hindi tatangi si Ysabelle dahil naplano ko na ang gagawin kay Cia at Vince sa araw na yun. Tinawagan ko na ang mga kaibigan ko at alam na nila ang magiging part nila sa isang Surprise na ito.

--------------------------End of Flashback-----------------------------

Colin POV

Nataranta ko ng makita kong hinimatay si Ysabelle. Nasaktan ko ata sya ng todo kaya ganito. Dali dali ko syang binuhat at dinala sa bahay nila. Nagkagulo ang mga guest. Tinanong agad ako ng mama nya kung anong nangyari. Sabi ko na lang biglang nahilo at hinimatay. Kaya sinamahan nila agad ako sa kuwarto nya at inasikaso na sya ng mama nya. Lumabas muna ako sandali para tingnan si Cia at Vince. Nung nakita ako ni Cia bigla nya kong hinigit at sinampal...

Cia: Walang hiya ka Colin, di sumagi sa isip ko na magagawa mo yun.

Nagmamahal lang ako Cia sabi ko sa kanya.

Cia: Maling pagmamahal naman. Nasan si Vince?

Patay na siguro.

Sabay tinalikuran ko siya pero sununtok nya ko sa likod. May pagka amasona ata to si Cia.

Cia: Hoy nasan si Vince? Magkakaalaman tayo dito ng baho pag di mo sinabi.

Ok fine. nasa kotse ko. sabay alis ko para bumalik sa loob ng bahay nila Ysabelle.

Loving HerWhere stories live. Discover now