Confession

64 1 0
                                    

Ysabelle POV

Nakaalis na si David, over protective naman ni kuya vince. Parang litrato lang pero feeling ko me alam si Jona para sakyan nya ang mga ginagawa ni kuya vince....bahala na nga sila....

Katatapos lang namin kumain at nandito ko sa may labas nila kuya vince.....narinig ko na lang na bumukas ang pinto kaya napatingin ako, si kuya vince pala.

Vince: belle bat nag iisa ka? Naiinip ka na ba?

Ah hindi kuya, nag mumuni muni lang.....

Nang bumukas ulit ang pinto si ate Dina naman at Jona, mukhang me lakad kasama ang mga magulang nila.

Jona: girl me puntahan lang kme ni ate ha, kasama si mother at father dyan lang kau ni papa vince, sandali lang kme.

Sama ko sa inyo.

Ate Dina: naku medyo mahabang lakarin pahinga ka na lang, dahil bukas uuwi na din kau. Papakila ko lang to si Jona na kaibigan kong bading para makakuha ng bagong tips sa pagpapabeauty.

Ah sige ate oks lang. Maya maya lang din po matutulog na ko.

Ate dina: vince kaw na bahala dyan.

Vince: yup, ingat kau.

Tapos nagkwentuhan na naman kme ni kuya vince ng kung ano ano, tapos nagpaalam na ko na papasok na ko ng biglang........

Hinawakan nya ang kamay ko.....

Ahm kuya bakit?

Vince: maniniwala ka ba kung sasabihin kong ako ang kumuha ng mga stolen photos mo nung kasal nila ate.

Oo kasi alam ko na kinuhanan mo ko nun sa kotse mo pero di ko alam na pati pala sa simbahan eh, kinuhanan mo pa ko.

Vince: pano kung sabihin ko sa yong......

Ano kuya? (kinakabahan ako na di ko mawari ng anong sasabihin ni kuya) may kinuha sa bulsa nya

Vince: na gusto kita di bilang isang younger sister.....

Nagulat ako sa sinabi nya sabay suot sa kin nung bracelet na nakita ko kaninang umaga.

Vince: wag ka mag alala di ako nagmamadali at kung ayaw mo naman ok lang din. Kaya ko pala nagustuhan ang bracelet na yan kasi yung heart means love tapos yung circle ibig sabihin never ending. It simply says my love for you is never ending. Hindi ako makakapangako na lahat mabibigay ko na di kita masasaktan pero isa lang ang maassure ko ikaw ang nag mamay ari ng puso kahit kailan.

Di pa din ako umiimik, nakatitig lang ako sa kanya.

Ahmmm kuya parang ang bilis naman ata. Parang kelan lang tayong nagkita, tapos ganito na agad.

Vince: yun nga din ang pinagtataka ko sa sarili ko, gusto kita laging nakikita, naiiisip kita parati, nagseselos ako pag may pangalan ng lalaki na dinidikit sa yo....ewan ko, ang alam ko mahal kita at ayokong mawala ka.

Pero kuya naisip mo ba yang sinasabi mo....baka magalit sila sa tin at isa pa di pa ko sigurado sa nararamdaman ko.

Vince: kaya nga di kita minamadali, basta sabihin mo kung ano desisyon mo pag handa ka na. Lagi kitang tinatanong ng sitwasyon na pano kung mainlove ka at di sila papayag, lagi mo lang sinasagot you'll cross the bridge when you get there. At ito na yun, i'm taking the risk too kasi mahal kita.Hayaan mong mapatunayan ko sa yo yung tunay na nararamdaman ko at saka ka magdesisyon.

Namula ako sa sinabi nya, it means totoo ito wlang halong joke. Napatingin ako sa bracelet. Ang ganda talaga. Sabay napangiti ako.

Vince: yang ngiting yan, ibig sabihin na nyan is that a yes?

Hindi ah....nagandahan lang talaga ko sa bracelet. Hilig ko kasi ito.

Vince: alam ko, pero wag ka mag alala no pressure, i'll wait for the right time. Sige na matulog ka na at gabi na.

Pasok na ko ku.....di ko na natuloy yung salitang kuya parang awkward kasi.

Vince: sige na lam kong ilang ka call me vince pag tayo lang pero pag nandyan sila kuya nalang. Pede din honey, heheheh

Ha....ang gulat ko sa sinabi nya

Vince: Joke lang, pero sana isipin mo yung mga sinabi ko.

Umaakyat na ko ng may ngiti sa mga labi ko.

Vince POV

Sobrang dami talaga ng binaon kong lakas ng loob kanina nung sinabi ko yun,,,,sana maniwala sya... Pero yun talaga ang tunay kong nararamdaman. Sana naman maniwala sya, willing akong mag antay, basta sya ang makakasama ko habang buhay.

Jona POV

Galing ng naisip namin ni ate dina sana makapagtapat na si papa vince. Nakita ko namang malinis ang intensyon nya kay Bff eh.

Ate Dina: sa tingin mo nag tapat na si vince...

Ate we give them a lot of time noh.....

Ate dina: Sana nga, kasi nakita ko din kay Vince na iba ang tama kay Ysabelle eh. Para at least malagay na sa tahimik si vince.

Naku ate wag ka namang ganyan, bata pa si Ysabelle mabubyuda agad.

Ate dina: makapag isip ka wagas lang no Jona. Ibig kong sabihin he is in the right age na din to settle for marriage.

Ate pede bang bf/gf muna bago kasal, teh advance masyado....

Ate dina: oo nga no baka mamaya sa sobrang excited ko mareject pa si vince. I'm hoping for the best.

At ito na kme ni ate walking under the moonlight pauwi ng bahay nila,,,bukas na ko makikibalita sa BFF ko...

--------------------------------

Magtatake kaya ng risk si Ysabelle?

Loving HerWhere stories live. Discover now