Trip to Bora

38 1 0
                                    

Ysabelle POV

Nandito na kami ngayon sa eroplano. Kaming tatlo nila Ate Cia at Vince.

Ate Cia: Uy kayong dalawa yung bilin namin ni Dina ha, wag na wag nyong kakalimutan ha.

Vince: Salamat talaga Cia sa tulong mo. Tatanawin kong malaking utang na loob to.

Ang drama ni Honey, sabi ko naman.

Ate Cia: Tigil tigilan nyo yang kasweetan nyo at naalibadbaran ako.

Bitter lang ang peg mo ate? Sabi ko naman, kaya ayun sinamaan ako ng tingin ni Ate Cia. Hahaha.

Pagbaba sa eroplano................

Ate Cia: So papano, kita kita na lang tayo pabalik ha. Uy bilin ko wag nyong kakalimutan. Mag-ingat kayo. Magtxt kayo palagi sa kin ha.

Ate unli ka ba? paulit ulit yang litanya mo at para kang nanay walang katapusan ang kakabilin.

Ate Cia: Hoy Ysabelle, nag iingat lang din ako kasi pare pareho tayong mapapahamak pag nabuko tayo.

Sorry naman ate, sabi ko sa kanya.

Vince: Pasensya ka na Cia ha. Wag ka ng magalit. Tatandaan ko lahat ng binilin mo.

Ate Cia: O sya, aalis na ko, Tatanda ako sa kunsumisyon sa inyong dalawa. Mag ingat ha at dun tayo magkikita sa labas para sabay sabay tayong mag check in pabalik ng Manila. Ok maliwanag ba?

Opo ate, maliwanag pa sa sikat ng araw! sabay nag peace sign ako. napatawa ko naman si Ate Cia sa pagkakataong yun. Niyakap nya ko at pagkatapos nun umalis na sya.

-----------------------------------------------------------------

Naglalakad na kme ni Vince papuntang hotel pero tahimik lang ako....

Vince: Honey bakit tahimik ka?

Naalala ko lang mga kapatid natin. mahal na mahal nila tayo kaya pati sila sumasali sa pagtatago natin. sabi ko sa kanya.

Vince: Honey kelan mo ba balak sabihin na tayo na or kahit nangliligaw pa lang ako sa yo. Para at least pormal akong makadalaw, hindi yung nagtatago. Masyado ng nakakalamang ang Colin na yun.

Honey nagseselos ka ba kay Colin, sabi ko kay Vince. At biglang kumunot ang noo nya.

Vince: Sino bang hindi magseselos eh, approved sya sa family mo. Ano namang laban ko dun?

Nagseselos nga si Vince sa pagkakataong ito. Ano kaya ang pede kong gawin para mawala ang selos nya......isip...........isip................. isip.........Ah may naisip na ko pero mamaya ko na lang sasabihin.

Wag ka ng magselos honey, sabi ko sa kanya. Tiningnan nya lang ako at ngumiti ng pilit.

Alam ko na naman na nahihirapan ka sa sitwasyon natin. Sana makapaghintay ka pa. Wag kang mag alala kukuha lang ako ng tyempo tapos sasabihin ko na sa kanila. Sabi ko kay Vince para at least kahit papano mapatunayan ko naman sa kanya na mahal ko sya.

Vince: Hindi kita minamadali, ok lang naman sa kin. Naiinis lang talaga ko sa Colin na yun.

Tama na nga yan Honey. Let's enjoy our vacation together....then i kissed him on his lips. Natawa ko sa reaksyon nya. natulala kasi sya. kala nya di ko kayang gawin yun ha. Malakas ang loob ko kasi alam ko naman na walang nakakakilala sa min dito kaya magagawa kong gawin sa kanya ang mga bagay na di namin nagagawa sa manila, like holding hands, magkaakbay at mag kiss in public.

Nasa hotel na kmi ngayon, na tinutuluyan namin ng mag ring ang celphone nya:

Kring.....Kring.........

Loving HerWhere stories live. Discover now