1.

38 4 0
                                    

Pag-pasok ko sa gate ng school nakangiting sumalubong ang adviser ko. Pero imbis na ngitian ko siya pabalik, hikab lang isinagot ko sa kanya. Sobrang antok pa talaga ako, pero dahil isang absent na lang pwede na akong madrop, nagsipag na kong pumasok. Kinuha ko sa hawak kong plastic bag ang pangatlong canned coffee na binili ko bago pumasok. Sabi nila masama daw to. Pero ewan wala pa namang nangyayaring masama sakin kaya ayos lang.

Paubos na pangatlo kong lata, nang makarating ako sa room at madatnan ang isang eksenang hindi na bago sa paningin ko. Dalawang panig ng mga babaeng walang ginawa kung hindi magsigawan. Di ko alam kung saan lupalop galing yung isang grupo. Pero yung isa mga kaklase ko. 

"Eh gaga ka pala eh! Anong karapatan mong sabihan siya ng ganyan? Tangina mo po. Kaibigan ko yan." Birada ng umaaktong leader nila si Mainjuri. Tss ang pinakamaingay na babae at siga na nakilala ko.

"Excuse me .. Do we *sabay pitik ng kamay* know you?"  Ganting birada nung sa kabilang grupo. Tss hanggang dito sa pinto abot hininga niya.

Nagpalabas ng isang halakhak ang kaibigan ni pandak. Si Nikka."Di mo kami kilala? Ako lang naman si Nikka. Ang pinakamagandang maNIKKA sa lahat. Yan si Juri tapos yang babaeng nilalait niyo na kaibigan namin, si Alexa." Nikka ang self-proclaimed dyosa ng grupo nila. Tangina lang. Kung siya pinakamaganda, ano na lang yung dalawa? Nuknukan ng pangit?

"Eww! Pwede ba, wala kaming paki kung sino kayo. Etong malandi lang na to ang pinunta namin." Sabay turo niya kay Alexa."Etong painosenteng bitch na to! Kala mo kung sinong mabait pero ubod naman ng landi." Sabi niya kasabay ng panduduro kay Alexa.

Mag-sasalita pa sana si pandak ng pigilan siya ni Alexa.

"An-no kasi." Simula niya habang umiiyak."Ayoko na sanang lumaban pa sa inyo. Pero kasi sabi ni Frank wag daw akong papaapi sa gaya niyo." Sabi niya sabay kagat sa isang daliri niya. Siya si Alexa.

"At sino naman yang Frank na yan? Isa rin ba sa mga nilalandi mo?" Naka taas na kilay na tanong ng isang babae.

"Sino siya?" Inosenteng tanong ni Alexa. Inalis ni Alexa ang salamin niya sa mata at saka nag-salita."Ako may problema ka ba dun?" Nakangising tanong niya sa babae. Kung inosente at mabait si Alexa. Iba yung Frank na sinasabi niya. Siguro kung sa iba baliw siya kung titignan. Samin wala lang. Nasanay na din kami.

"Baliw ka ba?" Tanong ng isa.

"Hindi. Pero maganda? Oo. Kaya wag mo kong tatawagin ng malandi. Kung naagawan kita? Sorry ang hina mo kasi humawak ng bola. Naagawan tuloy kita." Nakangiti niyang sagot sa babae. Humalaklak lang si  pandak sabay hagikgik ni Nikka."Wala naman akong ginagawa sa bf mo ah? Napuwing lang ako. Akala naman niya kininditan ko na siya." Sabay painosenteng kindat ni Alexa este Frank daw.

"Aba't talagan- Aray! Sinong bumato sakin?!" Galit na sigaw ng babae.

"Ako bakit?" Sabay hikab ko.

"Wala kang kara- Aray ano ba!" Sigaw niya uli.

"Kapag hindi ka lumabas ng classroom namin, hindi ako titigil sa pambabato sayo." Saka iwinagayway ang isa pang latang hawak ko.

"Arrgh! Babalikan namin kayo. Tara na girls!" Sabay lakad nila palabas... ng sabay sabay. 

Aba malupit. Ilang araw kaya nila pinagpraktisan yan?

"HOYY!?" Tawag este sigaw sakin ni pandak.

"Bakit pandak?" Walang gana kong sagot sa kanya.

Imbis sagutin ako tinapakan lang ako ng pagkalakaslakas.

"Gago ka ba? Ang liit liit mong tao naninipa ka? San mo nakukuha lakas mo? Siguro mangkukulam ka no?" -ako.

"Gago ka rin! Mangkukulam mo po mukha mo.Tss kala mo kung sinong matangkad." -siya.

Tinapik ko ulo niya, at saka hinanay sa ulo ko."Di pa pala ako matangkad sa lagay na to. Ano ka? Dwende?"-ako.

"Tangina mo talagang lalaki ka." Napatakip na lang ako ng tenga. Dapat pala di na ko bumili ng kape. Boses palang ng babaeng to gising na ko.

"Super thank you pala sa pag-tatanggol samin Deviannyyy." pacute na sabi ni Nikka. Pakyut tss

"Ang ingay niyo lang kaya ko ginawa yun tss." Gusto ko siyang batukan sa pagbaboy niya sa pangalan ko. Pero kahit anong gawin ko di siya tumitigil tss. Tinignan ko si Alexa. Ngumiti lang siya at saka umupo. 

Ang weweird ng barkada nila. Isang sobrang ingay at nambubogbog, isa namang mahilig magmaganda at isang di mo alam kung may tama sa utak. Tss mga baliw.

"Hoy Devian! Bat di ka umuwi kagabi?" Tanong sakin ni pandak.

Di kami magkapatid o ano pa man. Nakikitira lang ako sa kanya. Kasi gusto ko munang wag makita si Clea. Yung babaeng una kong nagustuhan. Kamalasmalasan kapitbahay lang namin siya at kamalasmalasan pa sila na ng kambal ko. Oo may kambal ako. Siya si Christian at ako si Devian. Pangalan palang ibangiba na.

Siya kasi ang matuturing na ideal son, guy at boyfriend. Sobrang bait, palangiti, masipag, matalino at kung ano-ano pa na hindi makikita sa gaya ko. Wala naman akong problema sa kanya. Mahal ko yung kapatid ko na yun at siya lang ang natatanging kakampi ko. Pero ngayon gusto ko munang wag silang makita. Nakitira ako sa babaeng to. Siya naman, mahal na mahal daw niya si Christian. Sabagay una silang nagkakilala. Kaso kay Clea naman nainlove ang kapatid ko. Wala akong matitirhan kaya nagtiis muna akong makasama tong babaeng to.

Bigla na lang akong binatukan ni Mainjuri." Gago kinakausap kita!" Sigaw niya sakin.

"Tss. May trabaho ako kagabi." Sagot ko

"Ganyan ka na ba kadesperado? At nagawa mong maging callboy?" Bulong niya pero rinig ng lahat. Napahilamos na lang ako ng mukha. Nakakagago talaga bunganga ng babaeng to.

"Call boy mo mukha mo! Crew ako sa Mcdo at graveyard shift ako." Sagot ko sa kanya at saka tumingin sa bintana.

Nakita kong naglalakad sa labas si Christian. 2nd year college na siya. Pero ako first year palang. Dati kasi wala talaga akong balak mag-aral o pumasok sa college. Pero dahil trip ko ng magbago, nag-aral na ko. Dating magkaklase si pandak at Christian. Pero patapos na yung second semester ng maisip niyang gusto niyang maging teacher. Kaya ngayon nagenroll siya sa educ. Alam kong nakakapagtaka at educ ang pinili ko. Pero wala eh. Tuwing nagtuturo ako sa mga bata iba ang pakiramdam ko. Sobrang saya.

"Ang saya saya naman nila." Sabi ni pandak na medyo basag ang boses.

Nakatingin na rin siya kay Christian habang nakikipagtawanan kay Clea. Halatang nasasaktan si pandak. Masakit din naman sa parte ko. Pero ganun talaga. Di ko namang pwedeng ipilit yung sarili ko sa kanya. Kasi ako lang din ang masasaktan. 

"Oh." Alok ko ng panyo kay Mainjuri. "Wag ka ng umiyak di bagay sayo." Sabi ko sa kanya.

"Tss. Ang baho ng panyo mo." Sabi niya. Inaasahan ko na naman na yan ang sasabihin niya. Mapanglait yang babaeng yan tss. Pero ang di ko inaasahan yung pagngiti niya ng palihim at saka umupo na sa pwesto niya.

Napangiti na lang din ako. At saka sumandal sa bintana at tumingala sa langit. Kahit gano ka kaingay at kahit pa pinapatay mo na ko tuwing magkasama tayo... babae ka pa rin. Na dapat inaalagaan.

She's killing me. (On-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang