2.

30 4 0
                                    

"Ahhh!" Nagising ako dahil sa matinding sakit. Tangina meron ba namang dumagan sakin. Wala pa kong tulog. Tinignan ko kung sinong lapastangan ang nakadagan sa akin.

"Fuck. Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa pandak na to. Nakadagan pa rin siya sakin parang wrestler.

"Ginigising ka." Nakangiti niyang sagot.

"Ginigising? Papatayin mo ko. Tss." Tinulak ko naman siya ng marahas para makahinga ako ng maluwag. Natumba siya pero agad ding nakabangon at saka ako dinuro.

"Hoy! Pasalamat ka nga ginising kita. Kung hindi malalate ka tss." Sabi niya sabay labas ng kwarto ng mga magulang niya. Dito rin niya ako pinapatulog. Yung mga magulang niya hiwalay na at may kanya kanya ng pamilya. Siya trip niyang mag-isa kaya dito pa rin siya sa luma nilang bahay.

Ala sais na rin pala ng umaga. Okay lang naman na gisingin niya ako, pero sana sa mas maayos na lagay naman sana. Hindi yung pinapatay niya ako. Baka imbis na magising, habang buhay na kong makatulog tss.

Naligo na ako at nag-bihis, saka pumunta ng kusina para humigop man lang ng kape. Nakita ko naman si pandak na nakaupo sa may mesa. Nag-hihiwa siya ng kinakain niya sa paraang walang kagana gana.

"Oy pandak." tawag ko sa kanya.

"Kain." Aya niya sakin.

Tinignan ko lang yung mga niluto niya. Fried rice, itlog, hotdog at tapa. Nakaayos na rin yung plato na para sakin. Di kaya pinaglut-

"Hindi kita pinagluto no! Nagkataon lang na sobra ang naluto ko at dahil mabait ako yan bibigyan na rin kita." Bulyaw niya sakin.

"Hindi mo naman kailangang isigaw! Tss" Naglagay na ko ng sinanghag niya at hotdog. Sinimulan ko na ring kainin ng mapasulyap siya sakin at saka biglang umiwas.

"An-no masarrr-ap baa?" Nauutal niyang tanong sakin, habang nakatingin sa hinihiwa niyang hotdog. Kawawang hotdog lasog lasog na.

"Ti-natanong kita kayaa s-uma-got ka." Pandak.

Ano ba? Lasang hotdog naman siya. Normal naman yung pagkain. 

"Oo masarap." At saka muling ngumuya, laman tiyan din to. Nakatipid na rin ako ng pangalmusal ko.

"T-alaga?" Tanong niya sabay napaharap sakin. Tango lang naman ang naisagot ko sa kanya.

"G-anun ba?" Sabi niya sabay tungga ng isang basong tubig. Problema ba neto. Pautal-utal.

Pagkatapos naming kumain ng almusal, lumabas na ako para pumasok sa school. Delikadong malate sa prof ko masapak pa ko nun. Kanina ko pa pansin na nasa likuran ko siya. Pasakay ako ng jeep at siya laging sa LRT yan. Kaya bakit naman niya dadaan sa daanan ko? 

Napalingon ako sa kanya. Di kaya-

"Hoy di kita sinusundan! Gusto ko ring mag-jeep eh. Bakit ba?" Bulyaw niya ulit sakin. Kaya tumalikod na lang din ako. Di talaga nabubuo araw niya ng di ako sisigawan.

Naghintay kami dun sa may terminal ng mga jeep. Isa-isa ng nagsipasok ang mga pasahero. Umupo ako sa may kanang parte ng jeep samantalang siya dun sa may harap ko kaliwang parte. Halatang di sanay sa siksikan ng jeep tong si pandak. Siya na unang naupo dun pero, siya ring unang malalaglag sa kinauupuan niya. Halatang nahihirapan na siya. Di na nga ata siya maayos na nakaupo.

"Ano-" Pigil ko sa sasabihin niya ng bigla ko siyang hatakin para umupo sakin. Oo sa hita ko mismo siya uupo. Alangan namang ibigay ko sa kanya to at ako sasabit? Tss para san pa bayad ko. 

Nag-simula ng umandar yung jeep, nakaalalay sa tiyan niya yung kamay ko para di siya mahulog. Nakatingin samin yung ibang pasahero kaya naman sinamaan ko sila ng tingin. Tae ang bigat pala ni pandak.

Kakaiba si pandak ngayon. Tahimik lang na parang ewan. Siguro nahihiya siya. Pasalamat nga siya pinaupo ko pa siya. Nakarating kami ng school na ganun pa rin ang pwesto. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang kumaripas ng takbo.

Mainjuri's POV

Di ko na siya hinintay. Kumaripas na lang ako ng takbo pagkababa na pagkababa ko ng jeep. Kainis naman eh! Napatakip lang ako mukha ko. Shet lang! Gusto ko lang naman siyang makasabay papasok ng school. Pero ganun pa yung nangyari! 

Punyemas naman kasi. Nakatatak na sa isip ko yung pagupong ginawa ko sa lap niya. Err! Napapunas ako ng panyo dahil sa nararamdaman ko kanina. Bakit niya kasi naisipang gawin pa yun? Nak ng tinapa talaga. Nakakahiya yung pwesto namin sa jeep. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung kuryenteng nararamdaman ko sa pagupo sa kanya. Shet talaga! Nakakairita. Napapatalon ako ng parang tanga kakaisip. 

"Uy bes."

"Ay gago!" Napalingon ako dun."Ano ka ba naman Nikka? Papatayin mo ba ko sa gulat?!" Sigaw ko kanya.

"Ikaw naman kasi. Para ka kayang tanga diyan. Hello? Kanina pa kaya kami ni Alexa dito?" Sagot niya.

"Bat ka namumula Juri?" Tanong ni Alexa sakin.

"Ha? Ako namumula?" Napahawak ako sa pisngi ko. Bakit ang init?

Grabe lang talaga. Simpleng upo lang yun. Bakit di ko makalimutan? Siguro kasi masarap.

What the! Anong masarap pinagsasabi mo diyan Juri? Err. Ramdam ko. Pati yung... Pati yung ... kahihiyan di ko makalimutan.

"Hoy pandak, bakit mo naman ako iniw-" Naputol yung sasabihin niya ng bigla siyang hatakin ng kaibigan niya.

"Juri? May sakit ka ba? Lalo kang namula eh." Puna sakin ni Nikka.

"Yea right. Sakit lang to." Sagot ko sa kanya at saka simulang naglakad.

PUTRAGIS NA SAKIT?!

She's killing me. (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon